Home OPINION MASISINGIL BA SI TRUMP SA OVERPRICED NA PETROLYO?

MASISINGIL BA SI TRUMP SA OVERPRICED NA PETROLYO?

111
0

MATATAWA ka ngunit higit na maiinis sa pinaggagawa ni United States President Donald Trump.

Makaraang insultuhin niya si Allah sa pagsasabing Praise be to Allah makaraang maliitin nito ang Iran na bansang Muslim at ituring na walang kakwenta-kwenta, isinunod niyang magmukha siyang si Hesus sabay bira sa isang kapwa niya Amerikano na si Pope Leo XIV o Robert Francis Prevost na kontra sa mga digmaang sinimulan at pinalawak ni Trump kahit saan, gaya ng Iran at susunod na umano ang Cuba.

Hayan tuloy, puro negative ang iskor o grado niya sa mga Amerikano mismo sa mga sarbey at gusto na siyang patalsikin bilang Pangulo.

Pero ang pinakaseryosong usapin ukol kay Trump ay ang mga digmaang kanyang inilulunsad para lang makontrol niya ang mga bansa, lalo na ang may yamang langis na gusto niyang pagkakitaan.

Una niyang kinidnap si Pangulong Nicolas Maduro ng Venezuela saka inangkin ang langis ng Venezuela na binebenta noong una sa $30 kada bariles ngunit ginawa ni Trump na $60 ngunit tinanggihan ng China na bilhin.

Ngayon naman, nais nitong angkinin at kontrolin ang langis at liquified natural gas ng Iran para pagkakitaan din.

Dahil sa digmaan ni Trump, umakyat mula sa $64 kada bariles ang langis sa mahigit $100 at saglit na bumaba sa mahigit $90 lang sa dalawang araw na ceasefire ngunit muling umakyat sa $105-$110 sa mga araw na ito dahil sa pagsasara ni Trump sa Strait of Hormuz.

Resulta, bagama’t may pagbaba ng presyo ang ating mga produktong petrolyo sa hanggang P23 kada litro, muling tataas ulit umano dahil sa pagsasara sa Strait of Hormuz.

Lumalabas na maghihirap tayong mga Pinoy sa matagal na hinaharap dahil sa krisis sa suplay at presyo ng langis na nilikha ni Trump.

Masisingil ba natin si Trump sa overpriced na langis matapos ang digmaan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here