Home OPINION MASS TRANSPORT, TOLLWAYS AT TRANSPORT SECTOR

MASS TRANSPORT, TOLLWAYS AT TRANSPORT SECTOR

KAMAKAILAN ay nagpahayag ang Management Association of the Philippines na mas mainam na ang pamahalaan ay mag-focus sa Mass Transit System kaysa sa paggawa ng mga elevated na Toll roads para mabigyan solusyon ang traffic lalo na sa Metro Manila.

“Let’s move people not cars”. Sabi ng MAP, “having elevated toll roads is a quick fix and comes at a significant cost”.

Ibig sabihin, mas mainam na tutukan ng gobyerno ang mass transport tulad ng train, Metro Rail Transit, at iba pa dahil mas maraming pasahero ang makasasakay dito.

Hindi tulad sa Tollways na ang daraan lamang ay private vehicles at darating ang panahon na magkakaroon din ng traffic sa tollways.

Tama naman na sa mga gumagamit ng Tollways lalo na kapag ‘rush hour’ ay grabe na rin ang trapik.

Sa amin sa Lawyers for Commuters Safety and Protection, naniniwala kami na pareho nating kailangang ma-improve ang mass transport at tollways.

Mahalaga ang mass transport para sa mas maraming pasahero na nakararanas ng kalbaryo sa pagsakay araw-araw. Pero hindi nakahihikayat sa car owners na gumamit ng public transport dahil sa hirap ng riding experience ng mga mananakay.

Ang mga pasahero naman na makagagaan sa kabuhayan ay sasakyan kaagad ang gustong bilhin dalhin may mga low down payment at monthly amortization offer ang car dealers.

Dito kailangan ang tollways para sa mga pribadong sasakyan at maski sa pampublikong sasakyan na hindi nadaraanan ng mass transportation.

Kailangan din ang tollways sa mga truck na nagkakarga at nagdedeliber ng goods at items para tumakbo ang ating ekonomiya.

Pero tanggap ng LCSP na salat sa pera ang pamahalaan para gastusan ang mga mass transport at tollways.

Dito kailangan naman bantayan ang kasunduan ng pamahalaan at ng private sector. Dahil sa bilyong piso ang kailangan sa mga proyektong ganyan.

Pawang mga higanteng negosyante at ‘foreign investors’ lang ang may kakayahan sa mga ganyang malalaking proyekto. Pero hindi dapat agrabyado ang pamahalaan sa mga kasunduang ganito.

Dapat patas. Makukuha ng investor ang kanilang ginastos at kailangan din nila kumita. Pero hindi naman puro sa pribado ang kikitain dapat may mapunta rin sa pamahalaan.

Dapat ay suriing mabuti ang mga kontratang pinasok ng pamahalaan noon upang maging gabay kung sakaling may kontratang papasuking muli sa pagtayo na ng tollways at mass transport system.

Previous articleBEACHES, RESORTS BANTAY-SARADO NG  CL BAYWATCH COPS
Next articleMENSAHE SA PAGKABUHAY NI KRISTO