Home OPINION MATATAMIS NA INUMIN, IPINAGBAWAL NI MAYOR LUCY TORRES GOMEZ SA MGA AKTIBIDAD...

MATATAMIS NA INUMIN, IPINAGBAWAL NI MAYOR LUCY TORRES GOMEZ SA MGA AKTIBIDAD NG ORMOC CITY

267
0

NILAGDAAN ni Ormoc City Mayor Lucy Torres Gomez ang Exe­cutive Order No. 2025-012 na nag-uutos na ang tubig ang pangunahing inumin sa lahat ng aktibidad at kaganapan ng pamahalaang lungsod.

Ang kautusan ay ibinatay sa Local Government Code o ang Republic Act No. 7160 na nagbibigay mandato sa mga lokal na pamahalaan na pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mamamayan, layunin ng kautusang ito na bawasan ang labis na pagkonsumo ng matatamis na inumin na konektado sa mga karamdamang tulad ng obesity, diabetes, at iba pang chronic illnesses.

Nakasaad sa inilabas na EO na:

1. Ipinagbabawal sa lahat ng departamento at opisina ng pamahalaang lungsod ang pagbili ng sugary drinks para sa mga opisyal na aktibidad, pagpupulong, workshop, at kumperensya.

2. Tubig ang itatakdang pa­ngunahing inumin, habang ma­aari ring isaalang-alang ang unsweetened tea, infused water, at natural fruit juices na walang dagdag na asukal depende sa budget at availability.

3. Kabilang sa mga “sugary drinks” ang soft drinks, sweete­ned fruit drinks, energy drinks, sports drinks, at flavored water na may dagdag na asukal.

4. Inaatasan ang City Budget Office, City Accounting Offi­ce, at Bids and Awards Committee (BAC) na tiyakin ang pag­sunod, habang ang Internal Audit Services (IAS) naman ang magbabantay sa implementas­yon.

Ayon kay mayor Gomez, ang panibagong patakarang ito ay bahagi ng adbokasiya ng lungsod tungo sa mas malusog na pamumuhay at mas mataas na antas ng kapakanan para sa lahat ng empleyado at residente ng Ormoc.

Walang tiyak na datus kung ilan ang bilang ng mayroong dia­betes sa Ormoc city ngunit sa buong bansa, tinatayang nasa 4.3 million Filipinos ang mayroon nito habang nasa 2.8 million ang hindi pa nagpapa-check-up.

Ibig sabihin, 7.5 percent ng adult population ng bansa ay may diabetes o isa sa bawat 14 na Filipino.

Ang sobrang tamis sa bawat drinks ating iniinom ay tunay na nakakasama ito sa ating mga kalusugan at katawan na nagi­ging sanhi ng pagkakasakit ng maraming tao sa kasalukuyan.

Ibayong pag-iingat sa anomang ating iniinom ang panawagan ng mga kinauukulan na ang kinalaman sa kalusugan upang manatili ang malusog at malayo sa sakit na lipunan.

Uminom ng maraming “plain” tubig at mag-exercise upang maging malakas at alerto palagi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here