Home OPINION WALA SA APELYIDO, NASA PAMUMUNO

WALA SA APELYIDO, NASA PAMUMUNO

235
0

MAY mga pagkakataong mahirap husgahan kung anong diskarte ng pamamahala sa gobyerno ng isang politiko kung ibabatay lamang sa kanyang apelyido.

May mga pamilya kasing maganda ang iniwang pamana pero may biglang susulpot sa hanay rin ng kanilang pamilya na sisirain ang kanilang apelyido.

Mayroon din namang angkan ng politiko na puro gulo lang ang dala pero kalaunan ay may uupong kapamilya nila na yayakagin sa tama ang direksiyon ng pamamahala.

Sa Makati City, isang Binay, sa katauhan ni dating Senador Nancy, ang naluklok bilang alkalde na mukhang walang balak ituloy ang ginawang gulo ng kapatid at ipinahamak ang mga taga-EMBO na sakop na ng Taguig.

Nang maglabas kasi ng desisyon ang Korte Suprema na nag-uutos na ibigay na ang pamamahala ng 10 Enlisted Men’s Barrios at mga pampublikong pasilidad sa Taguig City, aba’y pinadlock ba naman ni Mayor Abby Binay ang health centers kaya mismong mga pasyente at residente ng EMBO ay dumaing at inakusahan ang kanilang alkalde nang kawalan ng malasakit sa mga residente na sabi niya ay mahal daw niya.

Sa kabila nito, hindi tumigil sa paghahanap ng legal na paraan si Taguig City Mayor Lani Cayetano para mabuksan ang health centers at nagtagumpay siya dahil kinatigan ng korte ang kahilingang mabuksan ang mga pasilidad.

Ngayong mauupo na sa Hunyo 30 si Nancy Binay bilang mayor, mukhang makahihinga na ng maluwag si Mayor Cayetano dahil mismong sa bibig ng mauupong bagong Binay narinig na bukas siyang makipag-usap at makipagtulungan para sa maayos na transisyon ng pamamahala sa EMBO na matagal ipinagkait ng nakababatang Binay.

Sa loob kasi ng halos dalawang taon, mag-isang itinawid ni Mayor Lani ang EMBO papunta sa bagong yugto na pareho dapat responsibilidad ng Makati at Taguig — ang mailipat nang maayos ang EMBO at mabigyan sila ng tuloy-tuloy na serbisyo.

Habang ligal na nakikipaglaban para muling mabuksan ang mga kinandadong pasilidad, matiyagang hinatid ng Taguig ang serbisyong pangkalusugan sa mga taga-EMBO. Hindi sila sinukuan ni Mayor Lani sa kabila ng naranasang panggigipit, pangmamaliit, at paninira nang paalis ng alkalde.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here