Home LAGAY NG PANAHON Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan asahan sa habagat!

Maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan asahan sa habagat!

MANILA, Philippines – Maaapektuhan ng southwest monsoon o habagat ang buong bansa ngayong Linggo, Agosto 13.

Ito ang sinabi ng PAGASA sa pinakahuli nitong weather bulletin kung saan ang Bicol Region, Visayas, Mindanao at hilagang bahagi ng Palawan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon naman ng maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan dahil sa habagat at localized thunderstorm.

Ibinabala naman ng PAGASA ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga oras ng malalakas na pag-ulan. RNT/JGC

Previous articleMercedes Cabral, pinuri si Stepahie Raz!
Next article300K MT ng imported na bigas darating ngayong Agosto, Setyembre – rice industry group