Home OPINION MGA BATANG BIKTIMA NG KARAHASAN, BIBIGYAN NG SUPORTANG PINANSYAL NG DSWD

MGA BATANG BIKTIMA NG KARAHASAN, BIBIGYAN NG SUPORTANG PINANSYAL NG DSWD

279
0

NAGSAGAWA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kasunduan sa Department of Justice (DOJ) para magtatag ng referral system na tutulong sa mga batang biktima ng marahas na krimen sa ilalim ng kustodiya ng

Residential Care Facilities (RCFs) ng ahensya para makatanggap ng monetary compensation.
“Child victims of violent crimes often carry invisible scars that are very difficult to heal. One of the ways to show support for their recovery is by providing monetary compensation that can cover their various expenses for treatment, therapy, legal fees, education, and basic needs,” DSWD spokesperson Asst. Secretary Irene Dumlao said on Monday (July 14). “

Ayon sa DSWD, ang nasabing hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng Marcos’s adminis­tra­tion upang suportahan ang pag­galing at rehabilitasyon ng mga batang naging biktima ng karahasan.

Batid ng kagawaran na ang mga batang nakaranas ng karahasang pisikal at emosyonal ay madalas na may dalang sugat na hindi nakikita. Isa sa mga paraan upang sila ay matulungan ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pinansyal na kompensasyon para sa kanilang gastusin sa pagpapagamot, therapy, legal na tulong, edukasyon, at iba pa.

Pormal na lalagdaan ang ka­sunduan sa pagitan ng DSWD at DOJ, sa pamamagitan ng Bureau of Claims (BOC). Sasakla­win ng kasunduan ang pagtulong sa mga batang biktima ng panggagahasa, torture, sapili­tang pag­kawala, human trafficking, at online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

Sa ilalim ng inihahandang memorandum of agreement (MOA), tutulong ang DSWD sa pag-refer ng mga kaso sa Victim Compensation Program ng DOJ, habang ang DOJ-BOC naman ang mangangasiwa sa pagsusuri at pagproseso ng mga claim, at mag-eendorso rin ng mga ka­song hindi saklaw ng Republic Act 7309 na lumikha sa BOC.

Layunin ng Victim Compensation Program na mabigyan ng pinansiyal na suporta ang mga biktima ng karahasan bilang bahagi ng pagbibigay-katarungan at tulong sa kanilang rehabili­tasyon para muling makapamuhay nang normal.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here