Home OPINION MGA RESIDENTE NG TUGUEGARAO NABABAHALA SA PAGDAMI NG CHINESE STUDES

MGA RESIDENTE NG TUGUEGARAO NABABAHALA SA PAGDAMI NG CHINESE STUDES

179
0

TILA hindi nagustuhan nina Tuguegarao Mayor Maila Ting-Que at Cagayan Governor Manuel Mamba ang panawagan ni Cagayan 3rd District Representative Joseph “Jojo” Lara na magsagawa ng imbestigasyon sa paglobo ng bilang ng mga dayuhang Chinese sa lalawigan.

Hinimok kasi ng alkalde at ng gobernador ang publiko na iwasang mahulog sa rasismo at Sinophobia na bagama’t hindi nila direktang pinatutungkulan ang mambabatas, malinaw na patama ito sa kongresista dahil sa pagsasabing nababahala siya sa presensya Chinese students na maaaring magdulot ng panganib sa pambansang seguridad sa gitna nang pananalakay ng China sa West Philippine Sea.

Batay kasi sa ulat, mula sa 393 na mga mag-aaral na nagtapos ng PhD sa St. Paul University Philippines sa Tuguegarao noong Enero 27, 2024, nasa 361o 92% na nakapagtapos ay Chinese. Naging kapansin-pansin din na ang ilang mga programa, tulad ng Doctor in Public Administration at Doctor of Philosophy in Science Education, ay ganap na binubuo ng mga mag-aaral na Tsino. Sa Master’s Programs, sa 687 estudyante, humigit-kumulang 60 ay Chinese.

Dahil dito, ilang residente ng Tuguegarao ang patuloy na nagpahayag ng pagtaas ng mga alalahanin sa seguridad sa tumataas na bilang ng mga mag-aaral na Tsino sa lugar, lalo na sa backdrop ng tumitinding tensyon sa West Philippine Sea.

 Katunayan, pinuna rin ni Surigao del Norte Congressman Robert Ace S. Barbers ang kanilang pahayag at sinabing ang mga nagsasabing Sinophobia at saka racism ang pangamba sa pagdami ng Tsino, ay may ganoong pangamba lalo na’t nagtatanong lamang sila dahil ito’y national security concern at hindi basta tsismis lang.

Maging si Senator Risa Hontiveros ay nagtanong din tungkol sa pagdagsa ng mga Chinese na estudyante sa Cagayan, lalo na’t sa kasalukuyan ay may dalawang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa lalawigan. Ang mga EDCA site ay nagsisilbing mga lokasyon kung saan ang militar ng U.S. ay maaaring mag-deploy at mag-preposisyon ng mga tauhan, mga supply, at materyal.

Nagsimula ang paglobo ng bilang ng mga nag-enroll na estudyante sa Cagayan ng 2022 at marami ang nakapansin na ang mga mag-aaral na ito ay madalas na kulang sa kasanayan sa Ingles.

Bukod pa rito, lumalaki ang pag-uusisa tungkol sa kung ano ang ginagawa ng mga Chinese graduate na mga estudyanteng ito mula Lunes hanggang Biyernes, dahil ang mga graduate classes sa St. Paul University sa Tuguegarao—kung saan karamihan ang naka-enroll—ay naka-iskedyul lamang tuwing weekend, mula 8 a.m. hanggang 5 p.m., na may magagamit ang hybrid na opsyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here