
SA isang iglap, nagtapos nitong Martes ang mga araw ng kawalang pananagutan para kay dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, nang inarestosiya ng Philippine National Police sa bisa ng warrant na natanggap ng Interpol-Manila. Binalikan siya ng mga multo ng kanyang pinupuri at madugong War on Drugs na ikinasawi ng libu-libong katao. Makalipas ang ilang oras, ibiniyahe siya papuntang The Hague upang humarap sa International Criminal Court para sa crimes against humanity.
Bandang hatinggabi, ipinaliwanag ni President Bongbong Marcos na ang pagdakip kay Duterte ay obligasyon ng Pilipinas bilang pagtupad sa commitment nito sa Interpol.
Sa puntong ito, nais kong ilaan ang espasyo ng kolum na ito sa mas mahuhusay na komentaryo at opinyon nilang mga napakatagal nang naghihintay sa sandaling ito — ang mga pamilya ng mga biktima, mga nagsusulong ng karapatang pantao, at mga personalidad na nanindigan laban sa marahas na pamumuno ni Duterte. Ang kanilang mga tinig, higit sa ano pa man, ay sumasalamin sa tunay na sentimyento ng mga pinakanaapektuhan at nabahala sa kanyang mga ginawa bilang pangulo.
Ikinatuwa ni Bishop Jose Colin Bagaforo ng Kidapawan ang pagkakaaresto kay Duterte, tinawag itong “crucial move toward justice.” Binigyang-diin niya na “true justice is about accountability, transparency, and the protection of human dignity.” Binanggit naman ng kapwa niya pari na si Bishop Gerardo Alminaza ang sistema ng madudugong polisiya ni Duterte: “These killings were not random; they were part of a policy that violated the fundamental right to life.”
Para kay dating senador Leila De Lima, na ilang taong nakulong dahil sa aniya’y mga gawa-gawang kaso dahil sa pagkontra niya kay Duterte, masyadong personal ang pagkakataong ito. “We know all too well the devastating consequences of his abuse of power. This is how justice should work — those in power must be held to the same standards as everyone else.”
Hindi na nagpaligoy-ligoy ang kandidato bilang kinatawan ng Akbayan Party-list sa Kamara at human rights lawyer na si Chel Diokno: “For decades, Duterte thought himself untouchable. But history catches up with even the most ruthless despots.” Deklara naman ni dating senador Antonio Trillanes, na naghain ng kaso kay Duterte sa ICC noong 2017: “After eight years, sa wakas, nahuli na rin ang berdugo. His reign of terror must meet its inevitable end: his conviction.” (May karugtong)