Home METRO Murder suspect nasakote sa P’que

Murder suspect nasakote sa P’que

MANILA, Philippines- Isang driver na wanted sa kasong attempted murder sa manhunt operation an ikinasa ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) nitong Martes (Agosto 8) sa Parañaque City.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD) ay kinilala ang inarestong suspect na si Rodel Barriatos, 42, na tinaguriang ika-pitong most wanted person sa third quarter ng taong 2023.

Si Barriatos ay nadakip ng mga tauhan ng WSS dakong ala-1 ng hapon sa Fila Drive, Sucat, Barangay San Antonio, Parañaque City.

Ang pagkakaaresto kay Barriatos ay naisagawa ng WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Judge Leilani Marie Dacanay-Grimares ng Branch 294 nitong August 7, 2023 na may kaakibat na rekomendasyon na piyansang nagkakahalaga ng P120,000.

Makaraan ang pagdakip sa suspect ay agad itong dinala at ipiniit sa custodial facility ng Parañaque City police habang hinihintay ang commitment order na manggagaling sa korte para sa kanyang paglipat sa Parañaque City jail. James I. Catapusan

Previous articleGo, kabilang sa mga naguna sa OCTA 2025 senatorial survey
Next articlePNP nangakong ‘di magkakaroon ng whitewash sa kaso ng napatay na binatilyo sa Navotas