Home OPINION NAMUTI AT NAPANIS NA LAWAY

NAMUTI AT NAPANIS NA LAWAY

2
0

MAY dalawang senaryo na nakita ang madlang pipol sa unang araw ng Impeachment trial sa Senado laban kay Vice President Sara Duterte.

Yung isa—ang lider ng prosekusyon ay NAMUTI ANG LAWAY habang nagbibigay ng paunang bungad na pahayag ng kanyang kampo.

At yung isa pa—ang pinuno ng Senado ay…NAPANIS ANG LAWAY. Ahahaha!

****

Sabi ng isang kumag sa KANTO, mistula tayong nakapanood ng mga estudyanteng nagkaklase sa isang klasrum sa Impeachment trial.

Si Sen. Chiz Escudero ang napili ng kanyang mga kaklase na maging PINUNONG BASTUNERO.

Habang si Sen. Win Gatchalian na siya talagang PINUNO sa klasrum ay GINAWANG TAGALISTA ng pasaway na kaklase. Bwar,har, har!

*****
May isa pang kumag sa SULOK ang nagsabi na dapat daw ay huwag nang tumabi sa upuan si Gatchalian kay Escudero sa mga susunod na araw ng isinasagawang paglilitis.

Kasi raw ay nanliliit siya para kay Sen. Win.

Nagmumukha raw kasing PALAMUTI lang ang Senate President. ‘Yun bang para siyang FLOWER BASE sa gedli ni Chiz.

*****

In fairness naman kay Sen. Win, naging mahusay ang kanyang ganap noong Lunes sa Senado.

Bukod sa naging magaling siyang “TAGALISTA” ng attendance ng mga kaklase, bagay siya maging GUWARDIYA SIBIL.

Oh ‘di ba, may SILBI rin pala.

*****
Samantala, may panibagong KASINUNGALINGAN na lumitaw na pinapagawa at ipinagyabang sa media si Secretary Jonvic Remulla ng Interior and Local Government.

Sa isang presscon, ipinakalat niya na NADAKIP daw si dating Anak Kalusugan Rep. Mike Defensor noong Lunes habang nagkakape sa isang coffee shop, kasama ang isang kapwa akusado sa akusasyong plunder.

Pero ang katotohanan, si Cong. Mike ay hindi dinampot habang nagkakape bagkus ay kusa at maayos na sumuko sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group.

Patungo na siya sa Sandiganbayan para sumuko nang makita niya na nakakalat na ang mga ahente ng National Bureau of Investigation sa sa lugar kahit batid na ng mga ito na naroon na ang CIDG na siyang unang kausap ng kanyang mga abogado.

Para hindi magkaroon ng komosyon, nakiusap ang mga abogado ni Defensor na makipagtagpo na lamang sila sa CIDG.

Dito na siya sumuko, sumakay sa behikulo ng CIDG at nagpadala sa Camp Crame, taliwas sa pinagkakalat ni Jonvic na siya ay inaresto sa isang kapihan.

Itong si Jonvic, kahit kailan magkwento basta makapagpapogi sa madla, ay laging lumalabas na MALAKING SABLAY.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here