Mga tsuper sa CDO, inireklamo natanggap na ayuda na P1,500 lang

0

CAGAYAN DE ORO CITY — Umalma ang ilang taxi at jeepney drivers sa Cagayan de Oro City matapos umanong P1,500 lamang ang natanggap nilang fuel subsidy sa halip na mas malaking halaga. Nagtungo ang mga driver at operator sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board-Northern Mindanao noong Lunes upang humingi ng paglilinaw, dahil inaakala nilang P5,000 ang subsidy. Ayon kay Bernie...

Goitia: Walang harang o base na makaaagaw sa karapatan ng Pilipinas

0

MANILA, Philippines — Iginiit ni Dr. Jose Antonio Goitia na walang anumang hadlang o istrukturang itinatayo sa dagat ang maaaring makapagpawalang-bisa sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, kasunod ng patuloy na aktibidad ng Tsina sa nasabing lugar. Ayon sa mga ulat, muling hinarangan ng mga puwersa ng Tsina ang pagpasok ng mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal sa...

Transport strike ulit, umarangkada; P10 dagdag-pasahe, inihihirit

0

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng panibagong nationwide strike nitong Martes ang mga driver at operator ng public utility vehicles upang igiit ang aksyon ng pamahalaan laban sa mataas na presyo ng langis. Pinangunahan ng MANIBELA at PISTON ang mga protesta, kung saan may ilang nagtipon sa Philcoa sa Quezon City. Hinihiling ng mga transport worker ang P10 dagdag sa minimum jeepney...

DOE bukas sa bagong coal plants sa pangamba sa energy crisis

0

MANILA, Philippines — Sinabi ng Department of Energy na bukas ito sa posibilidad na alisin ang moratorium sa pagtatayo ng mga bagong coal-fired power plants habang nanganganib ang pandaigdigang suplay ng langis dahil sa sigalot sa Middle East. “We are open to coal as long as it's cleaner technology, and there will be a transition plan to eventually transition to...

Czech Republic, tikom pa rin bibig sa pagkaaresto kay Zaldy Co

0

MANILA, Philippines — Wala pang inilalabas na opisyal na detalye ang mga awtoridad sa Czech Republic kaugnay sa iniulat na pag-aresto sa dating kongresista na si Zaldy Co malapit sa hangganan ng Germany at Czech Republic noong nakaraang linggo. Ayon sa isang police officer mula sa Czech Police Presidium, ang kaso ay hawak ng Czech Ministry of Justice. Nauna nang lumabas...

Mga mananaya, bokya sa P92M lotto jackpots

0

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office na walang nanalo sa jackpot prizes ng major lotto draws nito noong Lunes ng gabi, Abril 20. Walang tumama sa winning combination na 34-12-29-08-27-17 para sa Megalotto 6/45 kaya nanatiling hindi nakuha ang jackpot na P34,154,880.29. Nanatili ring nakataya ang jackpot ng Grand Lotto 6/55 matapos walang makahula sa numerong 33-36-17-40-22-45. Umabot...

DepEd: June 8 pasukan, April 8 bakasyon sa ilalim ng 3-term calendar

0

MANILA, Philippines — Inilabas ng Department of Education ang opisyal na school calendar para sa School Year 2026–2027, kung saan magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan sa Hunyo 8, 2026 at magtatapos sa Abril 8, 2027. Ayon sa kagawaran, pormal na ipatutupad ng bagong kalendaryo ang three-term structure sa basic education bilang bahagi ng reporma upang mapabuti ang pacing...

Panibagong rollback sa presyo ng LPG, epektibo Abril 21

0

MANILA, Philippines — Makaaasa ang mga consumer ng panibagong rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) simula Martes, Abril 21. Ayon sa Solane, magpapatupad ito ng bawas-presyo na P3.36 kada kilo, kabilang ang value-added tax (VAT), simula alas-6 ng umaga. Sinabi naman ng LPG Marketers Association na katumbas ito ng P33 na bawas sa bawat 11-kilogram LPG tank. Nauna nang sinabi...

Peligrosong ‘damang-init’ mararanasan sa Sangley Point, Cavite

0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na inaasahang aabot sa 43°C ang “danger level” heat index sa Sangley Point ngayong Martes, Abril 21. Sa inilabas nitong 5 p.m. bulletin noong Abril 20, sinabi ng PAGASA na posibleng maitala ng synoptic stations sa Sangley Point ang naturang heat index, na sumusukat sa init na nararamdaman...

OIL PRICE HIKE ULIT SA PAGLALA NG GIYERA

0

MAKARAAN tayong makaranas ng dalawang beses na malakihang pagbabawas ng presyo ng mga produktong petrolyo, posibleng tataas muli ang presyo ng krudo at mga produkton petrolyo.Ito’y dahil sa pinakahuling mga pangyayari na kaguluhan sa pagitan ng Iran at United States.Muling sinarhan ng Iran ang Strait of Hormuz dahil pinanatili ng US ang blockade o panghaharang nito sa mga barkong...