Strait of Hormuz muling isinara ng Iran

0

TEHRAN, Iran - Inihayag ng militar ng Iran na muli nitong isinara at kinontrol ang Strait of Hormuz noong Sabado, ilang oras matapos itong muling buksan at makadaan ang mahigit isang dosenang komersyal na barko. Ang pabago-bagong desisyon sa kipot ay nagdulot ng pagdududa sa optimismo ni Donald Trump na “very close” na ang kasunduan para wakasan ang digmaan ng...

Pagbabalik-Pinas ng 78 biktima ng trafficking sa Myanmar, inaayos na – DFA

0

MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs na napalaya na ang 78 Pilipino na naging biktima ng human trafficking at napilitang magtrabaho sa online scam operations sa Myanmar. “DFA welcomes the release of seventy-eight (78) Filipinos who were detained for immigration-related offenses in Myanmar." Dagdag nito, ang mga biktima ay dati ring nahatulan dahil sa illegal entry at...

41°C heat index sa 2 lugar sa Pinas, ibinabala ng PAGASA

0

MANILA, Philippines - Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, inaasahang aabot sa 41°C ang heat index sa Sangley Point (Cavite City) at Zamboanga City ngayong Linggo. Sa 5 p.m. bulletin nitong Sabado, sinabi ng PAGASA na ang heat index sa mga nasabing lugar ay nasa “extreme caution” category (33°C hanggang 41°C). Babala ng ahensya, maaaring magdulot ito...

Maaliwalas na panahon, posibilidad ng panaka-nakang pag-ulan, asahan ngayong Linggo

0

MANILA, Philippines - Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magpapatuloy ang karaniwang maaliwalas na panahon sa karamihan ng bansa, kabilang ang Metro Manila, ngunit may posibilidad ng mga panaka-nakang pag-ulan o pagkulog-pagkidlat. Sa 4 a.m. advisory nitong Linggo, sinabi ng PAGASA na may ridge ng high-pressure area na umaabot sa Northern Luzon, kaya’t inaasahan ang bahagyang...

Walang nanalo sa major lotto jackpots nitong Sabado, April 18, 2026

0

MANILA, Philippines - Walang nanalo sa Grand Lotto 6/55, at Lotto 6/42 draws nitong Sabado, Abril 18, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Walang nakahula ng panalong kombinasyon sa Grand Lotto 6/55 na 04-25-09-54-15-31 at may jackpot prize na P55.22 milyon. Wala ring nakakuha ng panalong kombinasyon na 21-35-29-05-36-37 sa Lotto 6/42 na may P14.89 milyong jackpot prize. RNT/MND

Bigtime rollback sa presyo ng langis, asahan sa susunod na linggo

0

MANILA, Philippines - Isang mas malaking rollback sa presyo ng langis ang maaasahan ng publiko sa susunod na linggo. Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang video message, inaasahan na ang presyo ng diesel ay bababa ng mahigit sa P24 kada litro, gasoline ng P3.41, at kerosene ng P2.00, kasabay ng pagtiyak ng Chief Executive sa publiko...

Jake, graduate na sa walwal!

0

Manila, Philippines - Goodbbye alcohol! Sa wakas, Jake Cuenca kicked his long-time habit--pag-inom. Mind you, he's saying it finality. Sumumpa pa nga ang aktor na: "I will never ever drink again!" Dala raw ng depression kung bakit aminado si Jake na minsan isang panahon ay naging alipin siya ng alak. The road to quitting it wasn't at all easy. Kung sa unang taon pala daw...

2 kritikal sa pamamaril sa Laguna

0

MANILA, Philippines - DALAWA katao ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagbabarilin ang mga ito ng mga hindi nakikilalang salarin sa makahiwalay na lugar sa Sta Rosa City at Siniloan, Laguna. Kinilala ang mga biktima na kapwa nagtamo ng tama mg bala sa bahagi ng katawan at kasalukuyang nasa surgery operation sa pinakamalapit na hospital sina alyas Randy,...

Alden, may bagong misyon!

0

Manila, Philippines - There's definitely no stopping Alden Richards from doing noble acts. Nakapagpatapos lang naman ang Kapuso actor ng limang mag-aaral sa kolehiyo. It doesn't stop there dahil may panibago na naman siyang misyon sa ilalim ng kanyang AR Foundation. Ito'y ang Hero For All, Honoring Stories of the Everyday Filipino. A nationwide search in scope, naglalayon itong bigyan ng parangal ang...

Sotto-Lacson tandem sa Senado, matatag; walang banta kahit may impeachment

0

MANILA, Philippines - Walang nakikitang banta sa liderato ng Senado sa ilalim ni Senate President Vicente Sotto III sa kabila ng posibilidad ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo "Ping" M. Lacson ngayon, Sabado. Sa pahayag, sinabi rin ni Lacson na nagsimula na sila ni Sotto na mag-crash course” o briefing...