Tigil-putukan sa Lebanon, ipinanawagan ng DFA

0

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Pilipinas ng tigil-putukan sa pinakabagong sagupaan sa Lebanon, habang nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lumalalang karahasan at lumubhang humanitarian situation sa bansa. Ayon sa DFA, nagbabanta na ang kaguluhan sa marupok na dalawang linggong truce sa pagitan ng Iran at United States. “The Philippines expresses grave concern over the escalation...

Walang taas-presyo sa gamot, sa ngayon – DOH

0

MANILA, Philippines - Walang pagtaas sa presyo ng mga gamot sa bansa, sa ngayon, sa kabila ng mga epekto ng sigalot sa Gitnang Silangan, ayon sa Department of Health (DOH) at Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP). Sa panayam, sinabi ni DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo na walang mararamdamang pagtaas sa presyo ng gamot hanggang Hunyo 2026. Ayon kay...

VP Sara sa kaulusugan ni PBBM: Good luck!

0

MANILA, Philippines - Maikli lamang ang naging tugon ni Vice President Sara Duterte nang tanungin nitong Huwebes ukol sa mga usap-usapan hinggil sa kalusugan ng dati niyang kaalyado na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., at sinabi lamang na, “Good luck sa kanya,” sa isang panayam sa Davao City. Wala na siyang ibinigay pang dagdag na pahayag. Ang pahayag ng...

Walang Pinoy na nasaktan sa Lebanon sa airstrikes ng Israel

0

MANILA, Philippines - Walang napaulat na nasaktang Filipino sa Lebanon sa kabila ng matinding airstrikes ng Israel sa Beirut na ikinamatay ng tinatayang 300 katao, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes ng gabi. Batay sa pinakahuling impormasyon mula sa Lebanese Ministry of Health, sinabi ng DFA na umabot din sa 1,200 ang nasugatan sa naturang pag-atake at...

Col. Mikee Romero, buena-mano sa Aviation Insignia ng Philippine Army; aprubado ni PBBM

0

MANILA, Philippines - Isang makasaysayang hakbang ang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. (PBBM) matapos bigyang basbas ang opisyal na insignia wings ng Philippine Army Aviation Regiment — isang bagong simbolo ng husay, dangal, at pagkakakilanlan ng mga Army aviators. Ang disenyo ng naturang insignia ay pormal ding inaprubahan ng National Historical Commission of the Philippines, na nagpapatibay sa...

Bumagsak na Cessna plane, natagpuan sa Dinagat; 2 sakay nawawala pa rin

0

MANILA, Philippines - Natagpuan na ng search and rescue teams ang mga bahagi ng bumagsak na Cessna plane sa Barangay Navarro, Tubajon, Dinagat Islands, ngunit nawawala pa rin ang dalawang sakay nito, ayon sa mga awtoridad nitong Huwebes. Ayon sa Dinagat Islands Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nakita ang aircraft na may registry number na RP-C2444 noong...

P10/litro na fuel subsidy ibibigay sa PUV drivers sa 3 buwan

0

MANILA, Philippines - Magkakaloob ang pamahalaan ng PHP10 kada litro na fuel subsidy para sa mga public utility vehicle (PUV) sa loob ng hanggang tatlong buwan bilang tugon sa pagtaas ng presyo ng langis, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Huwebes. Sa isang video message, sinabi ni Marcos na sasaklawin ng subsidiya ang hanggang 150 litro kada linggo...

P35M lotto jackpots, mailap sa mananaya

0

MANILA, Philippines - Walang nanalo sa major lotto jackpots na binola nitong Huwebes, Abril 9, 2026, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sinabi ng PCSO na walang tumama sa P25,000,000.00 jackpot ng Superlotto 6/49 matapos walang makapili sa winning combination na 10-27-28-02-14-06. Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 matapos walang makataya sa numerong 41-38-03-05-11-06 na may katumbas na P10,000,000.00 jackpot....

Binabantayang bagyo, lumakas pa sa tropical storm – PAGASA

0

MANILA, Philippines - Lumakas pa bilang tropical storm Huwebes ng gabi ang isang tropical depression na minomonitor ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa loob ng Tropical Cyclone Information Domain (TCID) nito. Sa update ng PAGASA, sinabi nitong namataan ang sama ng panahon sa layong 2,805 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao dakong alas-8 ng gabi. Taglay nito...

ROLBAK O PRICE HIKE SA PETROLYO?

0

ANG daming pupwedeng maganap sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Pinas sa susunod na linggo at sa mga susunod na mga buwan.Ayon sa Department of Energy, kung magpapatuloy umano ang tigil-putukan sa pagitan ng United States at Iran, maaaring bababa nang kaunti ang presyo ng mga produktong petrolyo.Kung hihinto ang giyera, maaaring magkaroon ng rolbak sa diesel na...