2 arestado sa ismagel na Indonesian wildlife, exotic animals sa GenSan

0

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga awtoridad sa General Santos City ang dalawang indibidwal sa illegal na pagbibiyahe ng ilang protected wildlife species sa checkpoint operation sa Barangay Tambler. Ang operasyon ay inilunsad noong Abril 1 matapos makatanggap ng tip ang mga awtoridad dahilan para maharang ang isang minivan. Sa pag-iinspeksyon, nadiskubre ng mga opisyal ang makeshift cages taglay ang mga...

P22.3M hinihinalang shabu nasamsam sa Quezon

0

MANILA, Philippines - Narekober ng mga awtoridad ang nasa P22.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Quezon Province, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Sabado, Abril 4. Ang pagkakadiskubre ng hinihinalang illegal na droga ay iniulat sa Patnanungan Municipal Police Station (MPS) ng isang mangingisda. Itinurn-over ang hinihinalang illegal na droga sa Quezon Provincial Forensic Unit noong Biyernes ng hapon. Ayon sa...

18 turista inilikas sa grass fire sa Mt. Kabunian sa Benguet

0

MANILA, Philippines - Inilikas ang 18 turista sa grass fire sa Mt. Kabunian, Bakun, Benguet. Ayon sa ulat, ang mga turista ay nasa bundok nang magsimula ang sunog noong Huwebes Santo. Wala namang iniulat na nasaktan sa insidente. Sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay dahil sa mainit na panahon. Pansamantalang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang hiking at trekking activities sa naturang...

Faith-based rehab sa mga PDL isinusulong ng BuCor

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Sabado, Abril 4 na aktibo nitong isinusulong ang faith-based rehabilitation programs bilang bahagi ng restorative rehabilitation para sa persons deprived of liberty (PDLs). Ayon sa BuCor, layon ng faith-based approach na suportahan ang pagbabago ng katayuan ng mga inmate, at i-promote ang pagyaman ng kanilang katauhan sa pamamagitan ng espirituwal...

1 patay, 47 sugatan sa insidente sa Peru football derby

0

PERU - Isa ang nasawi habang 47 ang sugatan sa hindi pa tukoy na insidente sa Alejandro Villanueva Stadium sa Lima, Peru nitong Biyernes, Abril 3 sa isang rally bago ang football derby. "There has been an unfortunate incident at the stadium in which 47 people have been injured...and sadly there is one fatality," sinabi ni Health Minister Juan Carlos...

48 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa CDO

0

MANILA, Philippines - Nasa 48 pamilya ang nawalan ng tirahan nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Pinikitan, Barangay Camaman-an, Cagayan de Oro City nitong gabi ng Biyernes Santo, Abril 3. Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), sumiklab ang sunog bago mag-alas 10 ng gabi at itinaas sa ikatlong alarma. Idineklarang fire out ang sunog...

Nanay nilaslasan ng leeg ng asawa; anak sugatan

0

MANILA, Philippines - PATAY ang isang ginang habang sugatan ang anak na 15-anyos matapos na umano'y i-hostage ito at laslasan nang leeg ng naburyong na mister sa Angono, Rizal nitong Sabado, Abril 4. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni PRO4A-Regional Director P/BGen. Hansel Marantan, kinilala ang nasawi na si Ma. Lourdes Santos, nasa hustong gulang at sugatan naman ang...

Pasaway na rider na nag-counterflow pinagpapaliwanag ng LTO

0

MANILA, Philippines - Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order sa rehistradong may-ari at driver ng Yamaha Mio 125S, kaugnay sa isang viral video sa social media kung saan makikita na ang kanyang motorsiklo ay nagcounterflow nang walang dahilan habang may mga kasalubong na mga sasakyan. Ang ginawa nya ay mapanganib at maaaring magdulot ng aksidente...

Ex-OFW na naging tulak kalaboso sa Bataan

0

MANILA, Philippines - Hindi na nakapalag pa nang makorner ng mga awtoridad ang isang lalaki na dating Overseas Filipino Worker (OFW) na naging tulak umano ng ipinagbabawal na droga na ilang beses nang nakulong matapos masakote ito sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Barangay New San Jose, Dinalupihan. Batay sa ulat ni Dinalupihan Municipal Police Station Chief of Police Lt.Col....

Piso posibleng sumadsad pa sa ₱64:$1

0

MANILA, Philippines — Posibleng lalo pang humina ang piso at umabot hanggang ₱62 hanggang ₱64 kada dolyar kung magtatagal ang giyera sa Middle East at magpapatuloy ang pagsirit ng presyo ng langis, ayon sa ulat ng MUFG Bank. Sa kasalukuyan, bumagsak na ang piso sa record low na ₱60.748:$1 noong Marso 31. Ayon sa forecast, maaaring lumagpas sa ₱61:$1 ang palitan...