2 ninakaw na racing pigeons, nasamsam ng CIDG sa Batangas
BATANGAS, Philippines - Nadiskubre ng CIDG ang dalawang taong nagbebenta ng ninakaw na racing pigeons sa Taal, Batangas noong Marso 24. Ayon kay Maj. Gen. Robert Morico II, kabilang sa narekober ang 43 racing pigeons na may Philippine Homing Association (PHA) leg bands, kabilang ang dalawang ninakaw mula sa isang kumpetisyon noong Marso 1 sa Gumaca, Quezon. Tinatayang nagkakahalaga ang...
DND, NATO nagpulong sa pagpapalakas ng defense cooperation
MANILA, Philippines - Nanawagan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. ng mas malawak na ugnayan sa larangan ng depensa at militar sa kanyang pakikipagpulong sa isang mataas na opisyal ng North Atlantic Treaty Organization (NATO). Nakipagpulong si Teodoro kay Giuseppe Cavo Dragone sa sidelines ng Paris Defence and Strategy Forum 2026 na ginanap mula Marso 24...
Sawa nahuli ng traysikel drayber sa Antipolo
RIZAL, Philippines - Nahuli at kaagad na isinurender ng isang tricycle driver ang isang reticulated python sa Antipolo City. Pinuri ni Antipolo City Mayor Jun Ynares ang driver na kilala bilang Kuya Andres matapos nitong iligtas ang isang malaking sawa sa halip na patayin ito. “Kahit malaki at may dalang panganib, salamat pa rin kay Kuya Andres na hindi niya naging...
Sapat na suplay ng fuel-based fertilizer, tiniyak ni PBBM
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga magsasaka na ang bansa ay may sapat na suplay ng fertilizers para sa nalalapit na planting season sa kabila ng nagpapatuloy na global oil supply challenges. “As of today, we have sufficient fertilizer supply for the next planting. So, at least until the next planting, we have the...
Sinuspindeng taas-pasahe, fuel subsidy nakagaan sa pasanin ng mga mananakay
MANILA, Philippines - Isang commuter group ang nagsabing nakatulong ng malaki ang mga kamakailang hakbang ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maibsan ang hirap ng mga mananakay, lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo. Ayon sa Coalition of Filipino Commuters (PasaHero), ang pagsuspinde sa planong pagtaas ng pasahe ay nagbigay ng agarang...
MDRRMO employee utas sa pamamaril
QUEZON, Philippines - Patay ang isang empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos pagbabarilin sa Barangay Lutucan 1, Sariaya, Quezon nitong Miyerkules ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pepe, 37 anyos. Ayon sa imbestigasyon, papasok na sana sa trabaho ang biktima nang bigla siyang lapitan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo at pinagbabaril. Agad...
15K mag-aaral nagsipagtapos sa mga pampublikong paaralan sa Valenzuela, nakatanggap ng ayuda
MANILA, Philippines - Umabot sa mahigit 15K Valenzuelanong mga mag-aaral na nagtapos sa mga pampublikong paaralan sa Valenzuela City ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Pamahalaang Lungsod. Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian ang pamamahagi ng educational assistance sa mga benepisyaryo, kabilang ang 10,620 elementary completers at 5,228 Senior High School (SHS) Grade 12 graduates, na tumanggap bawat isa ng...
DepEd: Private schools ‘di obligado sa 3-term calendar
MANILA, Philippines - Nilinaw ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi obligado ang mga pribadong paaralan na sundin ang planong three-term school calendar ng Department of Education (DepEd). Sa isang panayam, sinabi ni Angara na mananatiling malaya ang private schools sa pagtakda ng kanilang academic calendar basta sumusunod sa curriculum at minimum na bilang ng school days. “Mas maluwag talaga sa...
SC: DSWD certification kailangan sa legal na pag-aampon
MANILA, Philippines - Kinakailangan pa rin ng Certification mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa legal na pag-aampon ng isang surrendered na bata. Sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Japar Dimaampao, pinagtibay ng Ikatlong Dibisyon ng SC ang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) at Court of Appeals ang adopting petition dahil walang DSWD Certification...
MMDA magpapatupad ng “single dispatch” sa gitna ng transport strike
MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpapatupad ito ng “single dispatch system” para sa mga sasakyang nagbibigay ng libreng sakay at rescue sa darating na transport strike sa Marso 26-27. Ayon sa MMDA, layunin nitong maiwasan ang kompetisyon sa mga public utility vehicles na hindi sasali sa tigil-pasada. “A single dispatch system will be implemented for...












