Ayuda sa PUV drivers, palalawigin ng DSWD

0

MANILA, Philippines - Magpapalawig ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng pamamahagi ng cash relief sa mga public utility vehicle (PUV) drivers sa labas ng National Capital Region (NCR) pagkatapos ng Holy Week para mabawasan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa kanilang kabuhayan. Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao, inihahanda ng DSWD ang susunod na...

DPWH nagbabala vs scammers nagpapanggap bilang opisyal

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Department of Public Works and Highways (DPWH) nitong Linggo laban sa mga scammer na nagpapadala ng mensahe at nagpapanggap na mga opisyal ng ahensya. Sa isang public advisory sa kanilang Facebook page, pinaalalahanan ng DPWH ang publiko na huwag basta maniwala sa mga mensahe mula sa mga manloloko na gumagamit ng pangalan ni DPWH Secretary...

3-term school calendar sa SY 2026–2027, aprubado ni PBBM

0

MANILA, Philippines - Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapatupad ng three-term school calendar para sa mga public schools simula School Year 2026–2027. Ang direktiba ay kasunod ng rekumendasyon ng Economic and Development Council sa isinagawang 8th meeting sa Palasyo ng Malakanyang noong Marso 19. Binigyang diin ng Pangulo ang pangangailangan na pabilisin ang mga reporma sa edukasyon upang masigurong...

Pansamantalang paggamit ng Euro 2 fuel pinayagan ng DOE

0

MANILA, Philippines - Naglabas ng circular ang Department of Energy (DOE) na nagpapahintulot sa pansamantalang pag-angkat at paggamit ng Euro 2 petroleum products upang matiyak ang sapat na suplay ng fuel sa bansa. Ang Euro 2 fuels, na may mas mataas na emissions, ay pansamantalang papayagang gamitin para sa mga sasakyang ginagamit na at mga modelong mula 2015 pababa, kabilang...

Delivery riders humiling ng klaro, patas na pamamahagi ng ayuda

0

MANILA, Philippines - Nanawagan ang grupo ng food delivery riders na Riders-Sentro sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na linawin kung paano ipamamahagi ang ₱5,000 cash assistance, dahil posibleng may mga rider na hindi makasama dahil sa kanilang impormal na trabaho. Ayon sa grupo, bagama’t welcome ang pagsama sa delivery riders sa ayuda, nag-aalala sila sa sistema ng...

Transport holiday ikinasa ngayong Marso 23 dahil sa taas ng presyo ng krudo

0

MANILA, Philippines - Nag-anunsyo ang Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) ng nationwide transport holiday ngayong Lunes, Marso 23 dahil nahihirapan nang bumiyahe ang mga driver at operator ng PUV dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis. “Talagang hindi namin kakayanin na. Kaya kami sa Lunes, magta-transport holiday kami nationwide. Hindi kami lalabas. Wala namang manggugulo. Para maiparamdam...

Bulkang Bulusan itinaas sa alert level 1

0

SORSOGON, Philippines - Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 1 ang Bulusan Volcano matapos ang pagdami ng lindol at pag-umbok ng lupa sa paligid nito. Ayon sa PHIVOLCS, mula Marso 15 ay naitala ang 475 volcanic earthquakes na dulot ng pagbitak ng mga bato sa ilalim ng bulkan. Mayroon ding ground deformation o pamamaga ng...

343 OFWs mula MidEast, makakauwi sa PH ngayong Marso 23

0

MANILA, Philippines - Inaasahang darating sa bansa ang mahigit 300 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Gitnang Silangan ngayong Lunes, Marso 23, ayon sa Department of Migrant Workers. Aabot sa 343 repatriates mula sa Saudi Arabia, Bahrain, at Qatar ang sakay ng ikaapat na chartered flight ng gobyerno papuntang Maynila. Sasamahan sila ni Patricia Yvonne Caunan ng Overseas Workers Welfare...

Walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58, SuperLotto 6/49 draw nitong Linggo, Marso 23

0

MANILA, Philippines - Walang nanalo sa major Lotto draws nitong Linggo, Marso 22, 2026 ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Sa Ultra Lotto 6/58 draw lumabas ang panalong kombinasyon na 14-08-22-50-58-19 na may jackpot prize na ₱75 milyon, ngunit walang nakapag-uwi nito. Wala ring nanalo sa SuperLotto 6/49 draw na may panalong kombinasyon na 31-16-45-10-47-32 at ₱131.2 milyon na jackpot...

Easterlies magdadala ng ulan, maulap na panahon

0

MANILA, Philippines - Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), makararanas ang ilang bahagi ng bansa ng maulap na kalangitan at panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms ngayong Lunes dahil sa easterlies o mainit na hanging mula sa silangan. Sinabi ng PAGASA na walang binabantayang low pressure area (LPA) na maaaring maging bagyo sa ngayon. Sa Metro Manila at iba...