7 pangalan ng bagyo mula 2025 roster, magre-retire na! – PAGASA
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Marso 19, ang opisyal na pagreretiro ng pitong domestic tropical cyclone names mula sa 2025 roster. Ang mga decommissioned na pangalan ay Crising, Emong, Mirasol, Nando, Opong, Tino, at Uwan, dahil sa “exceptional magnitude and extent of the devastation” na kanilang idinulot, ayon sa PAGASA. Ayon...
P10B tulong sa mga magsasaka, mangingisda ipinag-utos ni PBBM sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang alokasyon o paglalaan ng P10 billion para sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng pagsirit ng presyo ng langis. Sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na ang bagong direktiba ng Pangulo ay naglalayon na palawigin ang fuel subsidy program sa pamamagitan ng pagsama sa “food producers” sa hanay...
DILG naghain ng kaso vs 45 opisyal ng BFP dahil sa procurement ng firetruck
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes na magsasampa ito ng administrative at criminal charges laban sa 45 kasalukuyan at dating opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) kaugnay ng umano’y irregularidad sa pagbili ng mga firetruck mula 2018 hanggang 2024. Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, “Every procurement must be aboveboard,...
Pumatay sa Miss Phillipines Earth 2013, kinasuhan na
ISABELA, Philippines - Sinampahan na ng kaso sa piskalya ang pangunahin umanong suspek matapos halos isang buwan mahigit ang nakaraan ng pagbabarilin patay si Lullete Jane D. Ramilo, dating Ms. Philippines Earth 2013 3rd Runner-up. Naisampa na ang kasong murder laban sa isang indibidwal na sangkot sa karumal-dumal na insidente ng pamamaril na naganap bandang alas-sais ng gabi noong Pebrero...
Normalcy sa bansa pananatilihin sa gitna ng tumataas na presyo ng langis, labanan sa MidEast – PBBM
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na normal pa rin ang buhay ng mga filipino sa kabila ng sumirit na presyo ng langis sa nakalipas na linggo dala ng umiiral na tensyon sa Gitnang Silangan. ''Sana matapos na ang giyera, at habang may giyera pa rin, eh normal pa rin ang buhay ng ating... lalo na 'yung...
DPWH officials inalis sa kaso kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa pagiging state witness – DOJ
MANILA, Philippines - Tinanggal bilang mga respondent sa mga kaso kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa Bulacan sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) district engineer Henry Alcantara at contractor Sally Santos dahil sa pagiging state witness, ayon sa Department of Justice (DOJ). Ayon kay Justice Spokesperson Polo Martinez, tinanggal sina Alcantara at Santos bilang mga respondent...
Agri sec. Tiu-Laurel naghain ng cyber libel vs Co, Baligod
MANILA, Philippines - Nagsampa ng hiwalay na cyber libel complaints si Francisco Tiu-Laurel Jr. nitong Huwebes laban sa dating mambabatas na si Zaldy Co at abogado na si Levito Baligod. Ayon kay Tiu-Laurel, ang reklamo laban kay Baligod ay kaugnay sa mga alegasyon ng umano’y dating Marines na kinakatawan ng abogado, na nagsabing naghatid sila ng malalaking kahon ng pera...
Palugit ni Yorme Isko vs gunman sa retiradong Manila police, expired na! Manhunt pinaigting
MANILA, Philippines - Nagpahatid ng matinding babala si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso laban sa umano’y gunman sa pagpaslang sa retiradong pulis na si George Capistrano, kasabay ng pinaigting na manhunt ng mga awtoridad. Sa isang panayam sa telebisyon, diretsahang nagbigay ng mensahe ang alkalde sa pangunahing suspek na si Albert Magdaraog, na una nang binigyan ng 48 oras...
100 housing units, ipina-raffle ng Manila LGU
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang raffle ng 100 housing units para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng in-city vertical housing program ng lungsod noong Miyerkules, Marso 18, na kanyang inilarawan bilang isa sa pinakamakabuluhang sandali sa kanyang serbisyo publiko. Isinagawa ang draw of lots kasama si Vice Mayor Angela Lei "Chi" Atienza, kung saan...
Yulo-Loyzaga, nanumpa bilang special envoy for disaster risk reduction
MANILA, Philippines - Nanumpa na para sa kanyang bagong posisyon si dating Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga bilang Special Envoy for Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang. Sa oath-taking ceremony, binati ni Pangulong Marcos si Yulo-Loyzaga sa kanyang pagkakatalaga at nagpahayag ng pasasalamat sa pagtanggap nito para sa kanyang magiging bagong papel, tinukoy...












