CBMES studes ng Mapua, bumisita kay Mayor Tiangco
MAINIT na tinanggap sa tanggapan ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang pagbisita ng School of Chemical, Biological, and Materials Engineering and Sciences (CBMES) ng Mapúa University upang pag-usapan ang mga posibleng pagtutulungan para sa community development projects na nakatuon sa zero waste at sustainable livelihood. Kasama rin sa pulong si Ms. Sonia Mendoza, chairman and founder ng Mother...
Taas-pasahe, ipinatitigil ni PBBM
MANILA, Philippines - Iniatas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) na suspendihin ang pagpapatupad ng planong taas-pasahe upang maibsan ang pasanin ng mga commuter. Sa isang video message, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi napapanahon ang magtaas ng pamasahe para sa mga mamamayan. "Magandang araw po sa ating mga minamahal na kababayan. Alam niyo po paggising...
Marcoleta lusot sa Comelec probe: Walang ebidensyang lumabag sa batas
MANILA, Philippines - Tinapos na ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang imbestigasyon laban kay Senador Rodante Marcoleta matapos mabigo ang mga awtoridad na makahanap ng ebidensya na siya ay lumabag sa batas sa halalan. Iniimbestigahan si Marcoleta kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng kanyang mga campaign donor sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) para sa halalan...
Impeachment case vs. VP Duterte, “sufficient in grounds” – Kamara
MANILA, Philippines - Idineklara ng House Committee on Justice na sufficient in grounds ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte. Kasabay ng pagdedeklara ng sufficiency in grounds ay itutuloy na ng komite ang deliberasyon sa pagtukoy kung may probable cause ang impeachment complaint. Sa stage na ito ay magkakaroon na ng pormal na pagdinig...
‘Aircon weather’ sa Amihan, matutuldukan na sa katapusan ng Marso — PAGASA
MANILA, Philippines — Inaasahang magtatagal pa hanggang sa huling linggo ng Marso ang malamig na panahon na dulot ng Northeast Monsoon o Amihan bago tuluyang lumipat sa mainit at maalinsangang dry season, ayon sa PAGASA. Ayon kay Assistant Weather Services Chief Chris Perez, normal lamang ang nararanasang lamig sa panahong ito, at karaniwang nagtatapos ang Amihan sa pagitan ng Pebrero...
45M tao masasadlak sa matinding kagutuman sa Iran war — WFP
GENEVA — Maaaring madagdagan ng 45 milyong katao ang makakaranas ng matinding gutom pagsapit ng Hunyo kung magpapatuloy ang digmaan na kinasasangkutan ng Iran, ayon sa babala ng World Food Programme (WFP) nitong Martes. Ayon kay WFP Deputy Executive Director Carl Skau, naapektuhan ang mahahalagang ruta ng humanitarian aid dahil sa mga pag-atake ng U.S. at Israel sa Iran mula...
Pagkatay sa aso sa Navotas, kinondena ng solon
ARESTADO ang isang lalaki at magkapatid na babae nang mahuli sa aktong nagkakatay ng aso na kanilang ibinebenta sa Navotas City. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Christopher Dela Cruz, sinabi ni Navotas Police Chief P/Col. Renante Pinuela na dakong ala-1:00 ng hapon nang makatanggap sila ng tawag sa kanilang Station Tactical Operation Center kaugnay...
Pagkasawi ng tinedyer sa ‘vape na may lason’ tatalupan ng PNP
ZAMBOANGA CITY — Iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ng isang 16-anyos na lalaki na umano’y gumamit ng vape na hinaluan ng lason na kilala sa lokal na tawag na “sabah sabah.” Ayon sa ina ng biktima, na humiling na huwag pangalanan, namatay ang kanyang anak ilang oras matapos malanghap ang nasabing substance. Nakaranas umano ito ng matinding pisikal na reaksyon at...
Chavit handang tumestigo sa Senado kaugnay ng flood control anomalies — Lacson
MANILA, Philippines — Ipinahayag ng dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis “Chavit” Singson ang kahandaang tumestigo sa Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control project, ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson. Ayon kay Lacson, personal na ipinaabot ni Singson ang kanyang intensyon nang bumisita ito sa kanyang tanggapan,...
Mga gatas na binawi sa publiko, winasak ng FDA
MANILA, Philippines — Pinangunahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagsira sa mga recalled na batch ng NAN OPTIPRO at NANKID OPTIPRO na gatas upang matiyak na hindi na ito muling makapasok sa merkado, bilang bahagi ng huling yugto ng recall process para maprotektahan ang kalusugan ng publiko. Ayon sa FDA, isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng Food Product...












