Operasyon ng Berlin airport sinuspinde sa namataang drone
GERMANY - Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng Berlin airport dahil sa namataang drone. Ito ang pinakabagong insidente sa serye ng mga namataang drone sa Germany at sa iba pang bansa sa Europe. Ayonk sa tagapagsalita ng paliparan, ang operasyon ay sinuspinde “as a safety precaution” sa loob ng kalahating oras matapos na “an unidentified flying object was seen” malapit sa helicopter...
Isa patay sa pagtaob ng cargo ship sa Cebu
MANILA, Philippines - Tumaob ang isang cargo ship na Bert 1 sa isang pribadong cement port sa Naga City, Cebu na nagresulta sa pagkamatay ng isang indibidwal. Sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard-Central Visayas, nagkakarga ng cargo ang barko nang mangyari ang insidente. Nagsimula umanong tumagilid ang barko sa kaliwang bahagi. Nagbomba naman ng tubig palabas mula sa ballast tank ang mga...
634 na patay sa sagupaan ng Israel, Hezbollah sa Lebanon
LEBANON - Sinabi ng Lebanon nitong Miyerkules, Marso 11 na umabot na sa 634 ang bilang ng mga nasawi sa 10 araw na sagupaan sa pagitan ng Israel at Hezbollah. Kasabay nito ay nasa mahigit 800,000 katao ang napilitang lumikas sa kanilang mga tahanan. Sa updated na bilang, sinabi ni Health Minister Rakan Nassereddine sa press conference na kabilang sa mga...
P50K pabuya sa makapagbibigay ng impormasyon sa pangingidnap sa Bohol
MANILA, Philippines — Nag-alok ang pamahalaang panlalawigan ng Bohol ng P50,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon kaugnay ng umano’y insidente ng pangingidnap sa Tagbilaran City. Iniimbestigahan ng pulisya ang insidenteng nakuhanan ng video malapit sa Dao Integrated Bus Terminal sa Barangay Dao nitong Miyerkules ng hapon, Marso 11. Sa kumakalat na video sa social media, makikitang pilit na hinila ang...
4 suspek sa pagpatay, pagsunog sa pasahero ng kotse sa Nueva Ecija, naaresto na
MANILA, Philippines - Naaresto na ang apat na suspek sa pagpatay at pagsunog sa mga pasahero ng isang kotse na natagpuan sa Penaranda, Nueva Ecija, ayon sa Nueva Ecija Police Provincial Office nitong Huwebes, Marso 12. Sa pahayag, sinabi ng Nueva Ecija Police na naaresto ang mga suspek sa hot pursuit operation sa Barangay Siempre Viva Sur sa Mallig, Isabela...
Jinggoy naghain ng counter-affidavit sa DOJ
MANILA, Philippines - Naghain na rin ng 'counter-affidavit' sa Department of Justice (DOJ) si Senador Jinggoy Estrada kasama ang kanyang abogado ngayong Huwebes, Marso 12. Personal na humarap si Estrada upang panumpaan ang isinumiteng kontra-salaysay kaugnay sa pagkakadawit niya sa maanomalyang flood control projects. Bukod sa plunder, sinampahan din si Estrada ng reklamong direct at indirect bribery ng National Bureau of...
Mga pulis namataan, naglalabas ng mga kahon sa opisina ng ICI; tapos na trabaho
MANILA, Philippines - Namataan ang mga pulis nitong Huwebes, Marso 12 na nagkakarga ng mga kahon sa sasakyan ng pulisya sa headquarters ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig. Ayon sa mga source, ang mga kahon ay naglalaman ng mga dokumento na ituturn-over sa Office of the Ombudsman. Nakatakdang pagdesisyunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kapalaran ng ICI. Ani Marcos,...
Defensor nakatanggap ng impormasyon, Guteza nasa Pilipinas pa
MANILA, Philippines - Sinabi ni dating Congressman Mike Defensor nitong Huwebes, Marso 12 na nakatanggap siya ng impormasyon na si Orly Guteza ay nasa Pilipinas pa. Sa kabila nito ay hindi niya umano alam ang eksaktong lokasyon nito. “That is what I know,” sinabi ni Defensor sa ambush interview. Nilinaw din nito na wala siyang direktang komunikasyon kay Guteza. “I just received a...
Isko may babala sa mga abusadong gasolinahan
MANILA, Philippines - NAGSAGAWA ng sorpresang inspeksyon si Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso sa isang gasolinahan sa Santa Cruz, Maynila nitong Huwebes ng umaga upang tiyaking hindi inaabuso ng mga fuel retailer ang pagtaas ng presyo ng petrolyo. Ayon kay Domagoso, layunin ng inspeksyon na matiyak na sumusunod ang mga gasolinahan sa itinakdang price adjustment ng Department of Energy...
Pinoy crew members na sakay ng 2 barkong inatake sa Persian Gulf, ligtas – DMW
MANILA, Philippines - Ligtas ang mga Pinoy crew members na sakay ng dalawang barko na inatake sa Persian Gulf malapit sa Strait of Hormuz, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes, Marso 12.. Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, tatlong barko ang iniulat na tinamaan ng projectiles o hindi tukoy na bagay sa nakalipas na 48 oras...












