Pagpasa ng mga panukalang poprotekta vs tumataas na presyo ng petrolyo tututukan ng Kamara
MANILA, Philippines - Nangako si Speaker Faustino "Bojie" Dy III nitong Martes, Marso 10 na tututukan nito ang pagpasa ng mga panukala na poprotekta sa publiko mula sa epekto ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo kasabay ng tensyon sa Middle East. "We recognize that this is a challenge we must face head on, which is why the House of...
Mental health support palalakasin ng DepEd kasunod ng pagkamatay ng estudyante sa Taguig
MANILA, Philippines - Palalakasin ng Department of Education (DepEd) ang mga mekanismo sa mental health support kasunod ng pagkamatay ng estudyante mula sa Taguig City. Sa pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang DepEd sa pamilya at mga kaibigan ng estudyante na “tragically lost his life in light of a personal and sensitive incident.” Anang DepEd, binisita ng mga miyembro ng Executive Committee...
Malakanyang walang nakikitang dahilan para mag-panic buying sa Middle East crisis
MANILA, Philippines -WALANG nakikitang dahilan ang Malakanyang para mag-panic buying ang publiko sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan. "Hindi po kailangan magkaroon ng panic buying dahil kumpleto naman po at enough pa po ang supply, lalong-lalo na ang ating fuel at ng ating mga basic commodities," ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. At...
Mga nasawi kabilang pari sa MidEast war, ikinalungkot ni Pope Leo
VATICAN - Labis na ikinakungkot ni Pope Leo XIV ang sinapit ng mga biktima ng digmaan sa Gitnang Silangan at binanggit ang “maraming inosenteng tao” na nasawi sa labanan, kabilang ang isang paring Lebanese, ayon sa Vatican nitong Lunes. Ayon kay Matteo Bruni, tagapagsalita ng Vatican, binanggit ng Santo Papa ang “mga tumutulong sa kanila,” partikular si Father Pierre al-Rai...
4-day onsite workweek, ipinatupad sa Parañaque
MANILA, Philippines - Kaugnay sa inilabas na direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM), sinimulan nang ipatupad ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang four-day on-site work scheme bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Middle East. Kasabay nito ay naglabas ng memorandum order si Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez patungkol sa implementasyon...
Para tipid sa gasolina, Caloocan PNP at trapik, pinagbibisikleta
MANILA, Philippines - Nais ng pamahalaan ng Lungsod ng Caloocan na palitan ng mga bisikleta ang ilang biyahe ng mga pulis at tauhan ng trapiko bilang bahagi ng mas malawak na hakbang para makatipid sa enerhiya at gasolina. Sa ilalim ng Executive Order No. 007-26, na nilagdaan ni Mayor Dale Gonzalo Malapitan noong Marso 7, kinakailangan ng lahat ng tanggapan...
Taas-singil sa kuryente sa Marso, inanunsyo na ng Meralco
MANILA, Philippines — Asahan ng mga customer ng Manila Electric Company (Meralco) ang mas mataas na singil sa kuryente ngayong Marso matapos magpatupad ang kumpanya ng dagdag na P0.6427 kada kilowatt-hour (kWh) dahil sa pagtaas ng transmission at generation costs. Sa advisory nitong Martes, sinabi ng Meralco na umabot na sa P13.8161 kada kWh ang kabuuang rate para sa karaniwang...
P52.8B emergency budget, inihihirit sa gitna ng MidEast tension
MANILA, Philippines — Nanawagan si Senator Risa Hontiveros na magpasa ang pamahalaan ng P52.8-bilyong emergency supplemental budget upang matugunan ang epekto ng umiigting na sigalot sa Middle East sa ekonomiya ng bansa. Ginawa ni Hontiveros ang panawagan habang patuloy na tumataas ang presyo ng diesel at petroleum sa bansa at nagsisimula nang maramdaman ng mga motorista ang epekto ng digmaan...
PSA, kinuwestyon ng mga senador sa makupad na aksyon vs fake birth certs
MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng mga senador nitong Lunes ang Philippine Statistics Authority (PSA) dahil sa mabagal na pag-aksyon sa mga umano’y pekeng birth registration ng mga dayuhan sa bansa, kabilang ang kaso ng Chinese national na si Joseph Sy. Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice, tinanong ng mga mambabatas kung bakit ngayong Marso lamang inendorso ng PSA sa...
DOJ, DOF naka-4-day onsite workweek; alituntunin inilatag ng DILG
MANILA, Philippines — Ilang ahensya ng pamahalaan ang nagpatupad ng apat na araw na onsite workweek kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng energy conservation measures sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng sigalot sa Middle East. Inanunsyo ng Department of Justice (DOJ) na papasok onsite ang support personnel mula Lunes hanggang Huwebes,...












