PH schools sa Middle East, ligtas – CFO
MANILA, Philippines – Ligtas at patuloy na nag-ooperate ang lahat ng Philippine Schools Overseas (PSOs) sa Middle East sa kabila ng tumitinding tensyon kaugnay ng sigalot sa Iran, ayon sa Commission on Filipinos Overseas (CFO) nitong Lunes. Ayon kay CFO Secretary Dante “Klink” Ang II, may ilang paaralan na pansamantalang lumipat sa online classes alinsunod sa direktiba ng kanilang host...
Bulkang Bulusan, nagligalig
MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pagtaas ng seismic activity sa Bulkang Bulusan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), matapos maitala ang 49 volcanic earthquakes mula alas-3 ng madaling araw ng Pebrero 26 hanggang alas-11 ng umaga ng Marso 2. Sa kabuuang bilang, 16 ang volcano-tectonic earthquakes na may kaugnayan sa pagbitak ng mga bato sa lalim na tatlo...
6 US military sites, ginantihan ng Iran
ISTANBUL — Tinarget ng Iran ang hindi bababa sa anim na pasilidad militar ng Estados Unidos sa Middle East nitong weekend matapos maglunsad ng pag-atake ang Washington at Tel Aviv laban sa Iran, ayon sa pagsusuri ng The New York Times na nakabatay sa satellite images, beripikadong video, at pahayag ng US military. Tinamaan ang mga pasilidad sa Bahrain, Iraq,...
Panukalang awtomatikong suspensyon ng excise tax sa gas, pinasasabatas agad
MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Joseph Victor “JV” Ejercito sa mga mambabatas na pabilisin ang pagpasa ng panukalang batas na magtatakda ng awtomatikong pagsuspinde ng excise tax sa mga produktong petrolyo sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis dulot ng sigalot sa Middle East na kinasasangkutan ng Estados Unidos, Israel, at Iran. Dumating ang panawagan habang naghahanda ang...
Mga kababaihan may libreng sakay sa MRT sa Marso 8
MANILA, Philippines — Mag-aalok ng libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga kababaihan sa mga itinakdang oras sa Marso 8 bilang pagdiriwang ng International Women’s Day. “In support of the celebration of International Women’s Day on March 8, 2026, DOTr-MRT 3, led by GM Michael J. Capati, offers #FreeRide for all women,” ayon sa advisory...
Bigtime oil price hike, umarangkada na!
MANILA, Philippines - Sumirit na ang presyo ng produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 3, 2026 sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East. Umabot sa P1.90 kada litro ang itinaas sa gasolina, P1.20 naman ang diesel, at P1.50 ang kerosene. Ito na ang ika-10 sunod na linggo ng pagtaas ng diesel at kerosene, at ikawalong sunod na dagdag-presyo para sa...
Iran walang proxy state sa SE Asia; Pinas ligtas sa ganti – AFP
MANILA, Philippines — Binigyang-diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP)na walang proxy state o non-state actor ang Iran sa Southeast Asia at wala umanong kapani-paniwalang banta sa Pilipinas sa kabila ng tensyon sa Middle East. Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, AFP spokesperson for the West Philippine Sea, nananatiling rehiyonal ang saklaw ng sigalot. “What is happening in the...
Crisis alert level sa Middle East, nakataas pa rin para sa Pinoys – DFA
MANILA, Philippines – Nananatiling umiiral ang mga crisis alert level para sa mga Pilipino sa Middle East sa gitna ng patuloy na tensyon sa rehiyon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). “The Department of Foreign Affairs continues to coordinate closely with Philippine Foreign Service Posts in the region and has actively monitored the situation over the past 72 hours...
Pag-usog ng BARMM elections sa Setyembre 2026, aprub sa Senado
MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado nitong Lunes ang panukalang batas na nagre-reset sa unang regular na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Setyembre 2026. Sa ilalim ng Senate Bill No. 1823 na inisponsor ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, itinakda ang unang regular na halalan ng Bangsamoro Government sa ikalawang Lunes ng Setyembre 2026...
DFA naglabas ng hotlines para sa OFWs sa gitna ng Iran–US tension; libreng tawag alok ni MVP
MANILA, Philippines — Naglabas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng mga hotline at contact details na maaaring tawagan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang Pilipino sa Gitnang Silangan na apektado ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos. Ayon sa DFA, layunin ng mga inilabas na contact number na matiyak ang agarang pagtugon sa...












