Sen. Raffy, masaya sa Senado, ayaw sa posisyong sasakit ulo
MANILA, Philippines - Inihayag ni Senador Raffy Tulfo nitong Lunes na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo o bise presidente sa 2028 elections at masaya umano siya sa kanyang kasalukuyang posisyon sa Senado. "Ayoko sagutin yan dahil wala akong balak. 'Pag may balak ako sasagutin ko yan kaso wala akong balak,” ani Tulfo, at sinabing ito ay “as of today”...
15 senior citizens, mga bagong tour guide sa Intramuros
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Department of Tourism (DOT) ang 15 senior citizen bilang mga tour guide sa Intramuros sa ilalim ng Tourism Legacy and Livelihood Program. Ayon sa DOT, ipinatutupad ang programa katuwang ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) bilang bahagi ng pagsusulong ng inclusive at elderly-friendly tourism. Pinapayagan ng programa ang mga nakatatandang Pilipino na makibahagi sa community-based...
Accountant timbog sa ‘Double OTP’ scheme; P5.3M nakulimbat
MAYNILA — Inaresto ng National Bureau of Investigation–National Capital Region (NBI-NCR) sa isang entrapment operation sa Pasay City ang isang babaeng accountant ng isang construction company sa Ayala Alabang matapos umano nitong tangayin ang humigit-kumulang ₱5.3 milyon gamit ang tinatawag na “Double OTP” o “Double Payment” scheme. Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, pinagkakatiwalaan ang suspek sa pagpoproseso ng bayad...
Magkasintahang menor tinarakan ng 18-anyos na sawi sa pag-ibig
MANILA, Philippines - Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos umano nitong pagsasaksakin hanggang sa mamatay ang magkasintahang menor de edad sa loob ng sementeryo sa Morong, Rizal matapos siyang mabigo sa panliligaw. Kinilala ang mga biktima na isang 12-anyos na lalaki at 13-anyos na babae. Ini-report ng mga magulang ang pagkawala ng dalawa noong Sabado matapos silang hindi makauwi. Natagpuan...
2 utas, 3 sugatan sa bumagsak ng helicopter sa Rizal
MANILA, Philippines — Dalawa ang nasawi at tatlo ang sugatan matapos bumagsak ang isang sibilyang helicopter sa Pililla, Rizal nitong Martes ng umaga. Ayon sa Facebook post ni Pililla Mayor John Masinsin, limang katao, kabilang ang dalawang dayuhan, ang sakay ng aircraft nang mangyari ang insidente. Isa sa mga biktima ang idineklarang dead on the spot habang ang isa naman...
P10 sirit-presyo sa produktong petrolyo, nakaumang – DOE
MANILA, Philippines - Ibinabala ng gobyerno ang posibleng pagsirit ng hanggang ₱10 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo sa mga susunod na linggo dahil sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran na nakaapekto sa pandaigdigang merkado ng langis, ayon sa isang opisyal ng Department of Energy (DOE) nitong Martes. Sinabi ni DOE–Oil Industry Management Bureau...
Naaagnas na fetus umalingasaw sa QC
MANILA, Philippines - Isang nabubulok na fetus na pinaniniwalaang sinadyang ipalaglag ang natagpuan sa isang hotel sa Cubao, Quezon City. Nadiskubre ng mga empleyado ng hotel ang fetus sa loob ng isang styrofoam box dakong alas-2 ng madaling araw ng Linggo matapos makatanggap ng reklamo tungkol sa mabahong amoy. Nakasilid umano ang kahon sa kisame ng banyo at binuksan lamang...
Villar, nanumpa bilang miyembro ng Senate Electoral Tribunal
Nanumpa si Senadora Camille A. Villar bilang miyembro ng Senate Electoral Tribunal sa harap ni Senior Associate Justice Marvic Leonen sa Supreme Court of the Philippines, bilang pagpapatibay ng kanyang pangako na pangalagaan ang integridad ng halalan at tiyakin ang makatarungang proseso para sa taumbayan. (Cesar Morales)
Jordanian na ikinokonekta sa Sydney terror attack suspects, naaresto sa Zambo
ZAMBOANGA CITY – Inaresto sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ang isang 65-anyos na Jordanian national na iniuugnay sa mga suspek sa terrorist attack noong Disyembre 14, 2025 malapit sa Bondi Beach sa Sydney, Australia. Kinilala ng 1st Infantry Division (1ID) ng Philippine Army ang suspek sa alyas na “Odeh,” na nadakip sa kanyang business establishment dahil sa paglabag sa...
Impeachment case vs VP Sara ‘di socmed contest, ‘di paramihan ng like
MANILA, Philippines - Binigyang-diin ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na hindi dapat gawing social media contest ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, at iginiit na ang proseso ay pagpapasyahan batay sa ebidensya sa House of Representatives. Si Luistro, na chairperson ng House Committee on Justice, ay nagsalita habang sinimulan ng komite ang pagtalakay...












