Fetus natagpuan sa kahon ng sapatos malapit sa simbahan sa Maynila

0

MANILA, Philippines — Isang fetus na nakasilid sa kahon ng sapatos ang natagpuan sa isang basurahan sa tapat ng simbahan sa Pandacan, Maynila, ayon sa mga awtoridad na nagsasagawa na ng imbestigasyon sa insidente. Makikita sa CCTV footage ang isang lalaking nakabisikleta na huminto sa tabi ng basurahan sa harap ng isang convenience store sa Jesus Street dakong alas-4 ng...

Protesta sa Araw ng Kalayaan

0

Hinarap ng mga miyembro ng mga progresibong grupo ang mga pulis na nakasuot ng anti-riot gear matapos harangin sa pagmartsa patungo sa U.S. Embassy sa kahabaan ng T.M. Kalaw sa Maynila ngayong Araw ng Kalayaan. | ERIC OCAPAN 

China embassy sinugod ng mga raliyista sa Araw ng Kalayaan

0

MANILA, Philippines - Nagsagawa ng lightning rally ang mga miyembro ng iba’t ibang makabayang organisasyon sa harap ng Embahada ng Tsina sa Makati City ngayong Hunyo 12, kasabay ng paggunita sa ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Kinondena ng mga nagprotesta ang umano’y patuloy na panghihimasok, panliligalig, at mga aktibidad ng konstruksyon ng China sa West Philippine Sea, partikular sa...

2-anyos natagpuang patay sa hukay na gagawing septic tank sa Ormoc

0

ORMOC CITY, Leyte — Patay nang natagpuan ang isang dalawang-taong-gulang na babae sa isang hukay na puno ng tubig sa likod ng kanilang bahay sa Barangay Guintigui-an, Ormoc City. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, umalis nang maaga ang ina ng bata upang bumili ng mga gamit para sa paaralan at iniwan ang anak sa pangangalaga ng kanyang hipag. Pagbalik ng ina...

Japan target magtayo ng 5 nuclear reactor ‘gang 2040

0

TOKYO — Naglatag ang industriya ministry ng Japan ng panukalang muling magtayo ng dalawa hanggang limang nuclear power reactors pagsapit ng 2040s upang matiyak ang matatag na suplay ng kuryente sa bansa. Ito ang kauna-unahang numerical target para sa pagpapalit ng mga reactor na inilabas mula nang maganap ang malalang aksidente sa Fukushima No. 1 nuclear power plant noong Marso...

‘18 bodyguards’ may ebidensya vs kickbacks ng higit 200 mambabatas — abogado

0

MANILA, Philippines — Sinabi ng abogado ng tinaguriang “18 bodyguards” na nag-akusang naghatid sila ng P805 bilyong kickbacks na may hawak silang ebidensya laban sa mahigit 200 mambabatas. Ginawa ni Atty. Levito Baligod ang pahayag nitong Huwebes habang sinasamahan ang isa sa mga umano’y dating bagman ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa Office of the Ombudsman para...

China ‘nagnanakaw’ ng maritime data sa Bajo de Masinloc – NMC

0

MANILA, Philippines — Inakusahan ng mga opisyal ng maritime security ng Pilipinas ang China ng pangangalap ng maritime data sa Bajo de Masinloc nang walang pahintulot ng Maynila, matapos makumpirma ng pamahalaan ang unang dokumentadong paglalagay ng movable platform sa shoal. Ayon kay National Maritime Council spokesperson Alexander Lopez, unang namonitor ang platform noong Mayo 20 o 21 at lumilitaw...

PhilSA nagbabala sa bubulusok na rocket debris ng Tsina sa karagatan ng N. Luzon

0

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine Space Agency nitong Huwebes sa publiko kaugnay ng posibleng pagbagsak ng rocket debris sa ilang bahagi ng karagatan sa Northern Luzon matapos ilunsad ng China ang Long March 5 rocket. Ayon sa PhilSA, inilunsad ang rocket mula sa Wenchang Space Launch Site sa Hainan dakong alas-3:31 ng hapon noong Hunyo 11. “Expected debris from the...

Dumlao inilipat sa Bilibid

0

MANILA, Philippines — Inilipat sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City nitong Miyerkules si dating police lieutenant colonel Rafael Dumlao III kaugnay ng 2016 kidnapping at pagpatay sa South Korean businessman na si Jee Ick-joo. Mula sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, inihatid si Dumlao sa pambansang piitan sakay ng police vehicle na binantayan ng mga tauhan...

PBBM, ‘di papayag na mawala sa Pinas kontrol sa Bajo de Masinloc — Malacañang

0

MANILA, Philippines - HINDI papayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mawala sa Pilipinas ang kontrol sa Bajo de Masinloc sa gitna ng mga alalahanin ukol sa pagpapadala ng Tsina ng floating structures sa pinagtatalunang bahura. “Hindi po hahayaan ng Pangulo na mangyari po iyan," ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang...