Anne, may umbok sa leeg, pinagdududahang may goiter!
Manila, Philippines - May napansing kakatwa ang mga netizens base sa latest photo ni Anne Curtis sa social media. Ito 'yung nakasuot siya ng red dress nang magtanghal siya sa ASAP Natin 'To. Bukod kasi sa napaka-hot at sexy tingnan ang tinaguriang "Dyosa," mas nakaagaw ng pansin ang umbok niya sa leeg. Nababahala tuloy ang mga fans at supporters ni Anne na...
Ipe, may fake news laban kay Bong, umalma!
Manila, Philippines - Inalmahan ni Phillip Salvador ang fake news sa YouTube na maaaring makasira sa pagkakaibigan nila ni Bong Revilla Jr. Ang balita'y ini-release ng isang US-based content creator sa YT channel nito. Pinalabas kasi sa ulat na nagsalita si Ipe (palayaw ni Phillip) ukol sa pagsuko at pagkakabilanggo ng dating senador. Sangkot umano si Bong sa mga maanomalyang flood control...
Molestiyador ng menor-de-edad, tiklo sa Caloocan
MANILA, Philippines - Tiklo ang 43-anyos na lalaki na akusado sa pangmomolestiya sa isang menor-de-edad na biktima makaraang masakote sa naganap na manhunt operation sa Caloocan City. Sa ulat, ikinasa ng mga tauhan ng ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang pagtugis sa akusado na si alyas "Well", na kabilang sa mga Most Wanted Person ng Caloocan CPS. Nang makatanggap...
P278-M tobats, nasamsam sa Manila Port
MANILA, Philippines - Aabot sa P278 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa Manila International Container Port (MICP) matapos itong maitago sa top rail ng container vans, ayon sa Bureau of Customs (BOC) noong Martes. Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, 131 packages ng shabu mula Afghanistan ang nakumpiska na itinagong parang “marble.” Ito ang kauna-unahang beses na nahuli ang...
80 pamilya, nasunugan sa Malabon
MANILA, Philippines - Humigit kumulang 80 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng apoy ang mahigit 60 kabahayan sa naganap na malaking sunog na sumiklab sa Malabon City, Martes ng madaling araw. Batay sa ulat ni F/Sup. Errick Derro ng Malabon Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimulang sumiklab ang sunog dakong alas-3:12 ng madaling araw sa ikatlong palapag ng...
Paggamit ng AI sa online sexual abuse, ibinabala ng DOJ
MANILA, Philippines - Nagpahayag ang gobyerno ng pagkabahala sa lumalaking banta na dulot ng artificial intelligence (AI) sa online sexual abuse ng mga bata. Sa isang press conference sa Department of Justice (DOJ) noong Martes, Pebrero 10, bilang bahagi ng Safer Internet Day, sinabi ni Council for the Welfare of Children (CWC) Undersecretary Angelo M. Tapales na mula 2023 hanggang...
Anti-fake news bill dapat protektahan kalayaan sa pagsasalita
MANILA, Philippines - Sinabi ng Malakanyang na suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang anti-fake news measure kung ibabalanse nito ang regulasyon na may proteksyon at hindi masasagasaan ang freedom of expression. Binigyang diin na ang hindi pagsang-ayon at critical views ay hindi dapat na sugpuin. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na...
BIR naglunsad ng bagong system-driven audit sa pag-limita ng “weaponized” LOAs
MANILA, Philippines - Ipinakita ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Senado noong Martes ang bagong system-driven tax audit framework upang maiwasan ang umano’y maling paggamit ng letters of authority (LOAs). Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, ang mga target ng audit ay pipiliin na ng digital system base sa risk indicators, at ang mga examiners at supervisors ay itatalaga...
AFP: 55 rebelde, na-neutralize; 103 armas, nakumpiska
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes na 55 miyembro at kaalyado ng New People’s Army (NPA) ang na-neutralize mula Enero 1 hanggang Pebrero 5. Nakumpiska rin ang 103 baril at anti-personnel mines (APMs) mula sa mga rebelde. Ayon kay AFP public affairs chief Col. Xerxes Trinidad, sa 55 na na-neutralize, 45 ang sumuko,...
2 tulak tiklo sa higit P850-K damo
CAMP OLIVAS, PAMPANGA, Philippines - Timbog ang dalawang (2) high value individual (HVI) drug suspek matapos makumpikahan ito ng mahigit P850,000 halaga ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana o "kush" sa ikinasang buybust operation ng pulisya nitong martes ng madaling araw sa Purok 6, Limbas Street, Barangay New Cabalan, Olongapo City. Batay sa ulat kay Central Luzon Police Director Brigadier...












