Pope Leo XIV naging maingat sa pagpuna sa usaping politika sa US
VATICAN - Sa gitna ng matinding pagkakahati ng pulitika sa Estados Unidos, pinili ni Pope Leo XIV—ang kauna-unahang Amerikanong Santo Papa—ang maingat at hindi tuwirang pagpuna habang pinananatiling bukas ang komunikasyon. Mula nang mahalal siya noong Mayo, hayagan nang tinutulan ni Leo XIV ang ilang desisyon ng administrasyon ni US President Donald Trump. Kinondena niya ang “inhuman” na pagtrato sa mga...
Agarang pagbabayad sa mga kontratistang ‘of good standing’, suportado ng Senado
MANILA, Philippines - Nagkasundo ang mga lider ng Senado at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na agad bayaran ang mga kontratista ng pampublikong imprastraktura na itinuturing na “of good standing.” “I concur. We cannot lump the legitimate and honest contractors with the questionable ones. Records will show who’s who,” pahayag ni Senate President Vicente Sotto III. Nauna nang iniutos ni Pangulong...
Remulla: Kaso ng pagpatay sa policewoman, anak ‘case closed’!
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang car dealer at ang kanyang kinakasama ang nasa likod ng pagpatay kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa walong taong gulang niyang anak na si John Ysmael. Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, itinuturing ding mga suspek ang kapatid ng partner ng...
Higit 3,300 lindol naitala sa Sultan Kudarat mula Enero 19
MANILA, Philippines - Umabot na sa 3,319 lindol ang naitala sa karagatan sa labas ng Kalamansig, Sultan Kudarat mula nang magsimula ang earthquake swarm noong Enero 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Martes. Sa bilang na ito, 114 na lindol ang naramdaman, na may lakas na magnitude 1.3 hanggang 5.9. Kinumpirma ng Phivolcs na bumababa na...
Ospital para sa senior citizens, aprubado sa Senado
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na magtatatag ng Philippine Geriatric Center (PGC), isang espesyal na ospital para mapabuti ang serbisyong pangkalusugan ng mga nakatatandang Pilipino. Ang panukala ay Senate Bill 1509 o Philippine Geriatric Center Act, na inakda at isinulong ni Sen. Risa Hontiveros. Umaasa siyang agad itong magiging batas, lalo’t may...
48 Chinese vessels namataan sa WPS
MANILA, Philippines - Umabot sa 48 barkong Tsino, kabilang ang mga warship, ang namataan sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) sa nakalipas na isang linggo, ayon sa Philippine Navy nitong Martes. Mas mababa ito kumpara sa naunang ulat na 55 barko, ngunit hindi ibinigay sa kasalukuyang ulat ang bilang ng Chinese maritime militia vessels. Batay sa datos, tumaas ang...
Defensor: “Fast-Track” impeachment ‘di inalis ng SC
MANILA, Philippines - Ayon kay Senior Deputy Majority Leader at Iloilo 3rd district Rep. Lorenz Defensor, hindi inalis ng Korte Suprema (SC) ang “fast-track” mode ng impeachment. Aniya, malinaw na nakasaad ito sa Konstitusyon at hindi maaaring alisin. “The fast mode stays, it cannot be removed because it is embodied clearly in the provisions of the Constitution,” pahayag ni Defensor...
Girder itinayo na, rail welding sinimulan na sa NSCR-ex – DOTR
MANILA, Philippines - Nagmarka ng mahalagang tagumpay ang Department of Transportation (DOTr) sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway Extension (NSCR-Ex) sa Clark, Pampanga. Sa isang pahayag nitong Lunes, Pebrero 2, sinabi ni Acting DOTr Secretary Giovanni Lopez na nailagay na ang unang pangunahing suporta o girder para sa NSCR-Ex Clark Segment (Contract Package N-04), kasabay ng pagsisimula ng rail welding...
Cong. Valeriano at Cong. Barzaga, no show sa ipinatawag na mediation ng DOJ
MANILA, Philippines - "No show" sa ipinatawag na mediation meeting ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the City Prosecutors sa Maynila sina Manila Second District Rep. Roland Valeriano at Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga. Tanging mga abogado lamang ng dalawang mambabatas ang dumalo kaugnay sa reklamong cyberlibel na inihain ni Valeriano laban kay Barzaga. Sa social media post...
DA, nagbukas ng agri facility; P20 rice program sa pinalawak sa OrMin
MANILA, Philippines -INILUNSAD ng Department of Agriculture (DA) ang mga pangunahing programa sa Oriental Mindoro para suportahan ang mga filipinong magsasaka at palakasin ang lokal na produksyon. Kabilang na rito ang paglulunsad ng P33.5-million Oriental Mindoro Trading and Consolidation Facility (OMTCF) at Provincial Agriculture Center (PAC), maliban pa sa pagpapalawig ng P20 per kilogram rice program sa ilalim ng Benteng...












