LPA maaaring mabuo sa ‘monitoring domain’ sa susunod na linggo – PAGASA
MANILA, Philippines - Ayon sa PAGASA, may posibilidad na mabuo ang isang low-pressure area (LPA) sa susunod na mga araw na may “low to moderate” chance na maging tropical cyclone. Maaaring maapektuhan nito ang silangang bahagi ng Visayas at Mindanao. Kasabay nito, magdadala ng ulan ang shear line sa Bicol, Romblon, Visayas, at ilang bahagi ng Mindanao. Sa Luzon, kabilang ang Metro...
3 suspek arestado, kaugnay sa pagpatay sa pulis, anak
MANILA, Philippines - Arestado na ang tatlong suspek sa pagpatay kay Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido at sa kanyang 8-taong-gulang na anak na si John Ysmael sa Tarlac, ayon kay NCRPO chief Police Brig. Gen. Anthony Aberin. Natagpuan ang katawan ng bata sa isang calamansi farm sa Barangay Maluid, Victoria, na nakabalot sa tape at plastic bag. Ayon sa...
Pekeng prescription drugs na binebenta online gamit AI, ibinabala ng CICC
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa publiko laban sa pagtaas ng pekeng prescription drugs na binebenta online at ine-advertise gamit ang AI. Ayon kay CICC Undersecretary Renato Paraiso, ginagamit ng scammers ang AI at social media ads para magmukhang legit ang produkto. Kadalasang ipinapakita ang “miracle cures” sa mababang presyo, tulad ng slimming pills...
Transport groups suportado si Lopez laban sa carpooling sa EDSA busway
MANILA, Philippines – Suportado ng mga transport group si Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez sa pagtutol nito na pahintulutang gamitin ang EDSA Busway para sa carpooling. Ayon kay PBOAP exec. director Alex Yague, mawawala ang layunin ng busway na maghatid ng mass transport kung papayagan ang private vehicles. Ani ALTODAP president Melencio Vargas, “Maayos na ang operasyon ng EDSA Busway, bakit...
Sen. Legarda, nanawagan sa mas matibay, sustainable paglago ng ekonomiya
MANILA, Philippines - Dahil sa mabagal na paglago ng ekonomiya, nanawagan si Sen. Loren Legarda ng masusing pagsusuri sa paraan ng pag-unlad at paghahanda ng bansa sa hinaharap. Lumabas na tumaas lamang ng 3% ang GDP ng ika-apat na quarter ng 2025, na pinakamababa sa halos 15 taon, at 4.4% ang full-year expansion, pinakamababa mula 2011. Binawasan rin ng DBCC ang...
Comelec: Gun ban ipatutupad sa Antipolo 2nd District para sa special election
MANILA, Philippines - Magpapatupad ng gun ban at magtatayo ng checkpoints ang Comelec sa walong barangay sa Second District ng Antipolo City para sa special election sa Marso 14. Saklaw nito ang Calawis, Cupang, Dalig, Inarawan, San Jose, San Juan, San Luis, at San Roque. Ipinagbabawal ang pagdadala o transport ng armas, deadly weapons, explosives, at controlled chemicals, pati ang paggamit...
PCG tumulong sa mga mangingisdang Pinoy sa Scarborough Shoal
MANILA, Philippines - Nakatanggap ng tulong ang mga mangingisdang Pilipino mula sa humigit-kumulang 50 bangkang pangisda sa paligid ng Panatag (Scarborough) Shoal sa West Philippine Sea (WPS) sa ilalim ng regular na humanitarian mission ng Philippine Coast Guard (PCG) Ayon kay Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG para sa West Philippine Sea, noong Biyernes, nakatanggap ang mga mangingisda ng fuel...
Pagsusumite ng progress reports sa lahat ng ahensya, iniutos ni PBBM
MANILA, Philippines - Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng ahensiya ng gobyerno na magsumite ng progress reports sa kanilang nagpapatuloy na proyekto kada dalawang linggo. Binalaan ang mga opisyal kontra sa pagsusumite ng “false reports” o pinagandang updates. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagpalabas ng direktiba ang Pangulo...
Pagpalit kay Imee sa chairmanship ng Foreign Relations committee, ‘di dahil sa China issue – Sotto
MANILA, Philippines - Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi ang pagtanggi sa pagpirma ni Sen. Imee Marcos sa resolusyon laban sa pahayag ng Chinese Embassy ang dahilan kung bakit siya papalitan bilang chairperson ng Senate foreign relations committee. Ani Sotto, napagkasunduan ng majority bloc na dapat ang pangunahing komite ay pamunuan ng isang miyembro ng majority,...
Sundalo niratrat sa Lanao del Sur
LANAO DEL SUR, Philippines - Patay ang isang Army corporal matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek sa Bandara-ingud, Pagayawan, Lanao del Sur, Biyernes ng umaga, Enero 30. Ayon kay Capt. Steffi Salanguit ng PROBAR, kinilala ang biktima bilang Cpl. Raven Bulaclac o Abdul Jaffar, 33, mula sa 55th Infantry Battalion at nakatira sa Barangay Pantukan, Tugaya. Habang sakay ng kanyang...












