Bayan sa Sulu idineklara nang gun-free, peace center community
MANILA, Philippines — Opisyal nang idineklara ang bayan ng Omar sa Sulu bilang gun-free area at peace center community matapos pagtibayin ng Sangguniang Bayan ang isang resolusyon bilang bahagi ng pinaigting na adbokasiya sa kapayapaan at kaayusan. Pinuri ng Army’s 11th Infantry Division (11ID) ang hakbang na ito, na binasa ni Vice Mayor Juddin Nur Pantasan sa isang seremonya nitong...
PCG naglunsad ng libreng sakay mula Basilan pa-Zamboanga at balikan
MANILA, Philippines - Naglunsad ng libreng sakay ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa mga pasaherong bumibiyahe sa rutang Isabela City, Basilan at Zamboanga City kasunod ng direktiba ng Department of Transportation. Isinasagawa ang libreng biyahe gamit ang BRP Tubbataha upang matiyak na makatawid pa rin ang mga pasahero habang may limitadong operasyon ng ilang passenger vessels sa lugar. Prayoridad sa...
Port workers sa Lamitan inayudahan kasunod ng travel suspension sa paglubog ng RoRo
MANILA, Philippines — Nagpaabot ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Lamitan sa mga port worker na pansamantalang nawalan ng kabuhayan matapos ang suspensyon ng biyahe kasunod ng paglubog ng isang RoRo vessel sa karagatang sakop ng Basilan noong Enero 26. Ayon kay Lamitan City Mayor Roderick Furigay, nasa 95 indibidwal ang nakatanggap ng food assistance, kabilang ang 66 porter, 25...
Top 1 most wanted rapist ng Ilocos Sur, nalambat ng mga parak sa Malolos
Bulacan - Arestado ang Top 1 Most Wanted Person (MWP) sa municipal level ng Bantay Municipal police station, Ilocos Sur Police Provincial Office sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA), noong gabi ng Enero 29. Sa ulat ni PMAJ Norheda Usman, Acting Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), kinilala ang naarestong akusado na si alyas “Vic”, 24,...
SolGen kinalampag ni Lacson sa fugitive disentitlement doctrine vs Co, Atong Ang
MANILA, Philippines - Matinding kinalampag ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Biyernes ang Solicitor-General Office na maghain ng petisyon sa Korte Suprema upang irepaso ang “fugitive disentitlement doctrine” laban kina dating Rep. Zaldy Co at negosyanteng si Atong Ang. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na maaring humiling ang abogado ng pamahalaan ng pagrepaso sa “fugitive disentitlement...
Mga sasakyang pababasbasan sa Manaoag Church nadaganan ng puno
MANILA, Philippines - Nadaganan ng puno ng acacia ang ilang sasakyan na pababasbasan sana sa Simbahan ng Manaoag, Pangasinan nitong Huwebes, Enero 29. Ayon sa ulat, nabagsakan ng puno ang isang commuter van at brand new na SUV na matinding napuruhan, habang minor damages naman ang tinamo ng dalawa pang SUV. Nakaparada sa parking lot ng Our Lady of Manaoag...
Lacson ‘yumuko’ sa desisyon ng ‘gods of Padre Faura’ sa impeachment case ni VP Sara
MANILA, Philippines - Lantarang yumuko si Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson sa desisyon ng Supreme Court na itinuturing nitong “gods of Padre Faura" na nagdesisyon na unconstitutional ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Sa pahayag, sinabi ni Lacson, chairman ng Senate blue ribbon committee na dapat tanggapin at igalang ang desisyon ng Korte Suprema sa pagiging unconstitutional...
Rajah Sulayman vessel, akma para sa anti-submarine warfare- Navy
MANILA, Philippines - MAAARING i-develop ang Philippine Navy (PN)'s brand-new offshore patrol vessel, ang future BRP Rajah Sulayman (PS-20), at limang sister ships nito na ide-deliver sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon, para sa anti-submarine warfare (ASW) missions. Sa panayam ng Philippine News Agency (PNA) kay Navy spokesperson Captain Marissa Martinez, sinabi nito na posibleng gamitin para sa anti-submarine...
Drayber ng SUV na naghagis ng inumin sa windshield ng isa pang motorista ipinatawag ng LTO
MANILA, Philippines - DAHIL sa kawalan ng disiplina, ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng isang sports utility vehicle (SUV) na nakunan sa viral video na naghagis ng inumin sa windshield ng isa pang motorista sa pampublikong kalsada. Sinabi ng LTO sa isang pahayag nitong Biyernes, Enero 30 na inaalam pa nito ang pagkakakilanlan ng lalaking driver, ngunit...
Higit P43M cocaine nasabat sa NAIA T3, pasahero arestado
MANILA, Philippines - TINATAYANG nasa higit P43 milyon halaga ng hinihinalang cocaine ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) mula sa isang arring passenger sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Enero 29. Ayon sa Bureau of Customs–NAIA, umabot sa 8.197 kilo ng ilegal na droga ang nadiskubre sa bagahe ng pasahero matapos itong makitaan...












