HVI, timbog sa P3.74M tobats, baril sa Iloilo
ILOILO, Philippines - Naaresto ng pulisya ang isang high-value individual (HVI) at nasamsam ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.74 milyon at isang ilegal na baril sa dalawang anti-drug operation sa Arevalo District, Iloilo City noong Huwebes. Kinilala ng Police Regional Office–Western Visayas ang suspek na si alias Eric/Rokyo, 55, residente ng Barangay Sta. Cruz, Arevalo. Sa buy-bust operation, nakabili muna...
Nobyembre 3 hiniling ng Comelec na gawing holiday
MANILA, Philippines - Hihiling ang Commission on Elections (Comelec) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ideklarang holiday ang Nobyembre 3 kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na gaganapin sa Nobyembre 2. Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, makatutulong ang holiday upang magkaroon ng dagdag na oras ang mga botante, lalo na ang mga uuwi sa kanilang mga probinsya...
Pekeng social media accounts ginagamit sa scam, ibinabala ng CICC
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) laban sa mga pekeng Facebook account at social media page na nagpapanggap na opisyal ng ahensya upang makahingi ng pera sa mga biktima ng online scam. Ayon sa CICC, ginagamit ng mga scammer ang pangalan, logo, at pagkakakilanlan ng CICC upang kumbinsihin ang mga nabiktima ng online fraud na...
Abalos sa mga lokal na opisyal: Malakanyang, palaging bukas sa lahat
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Cabinet Secretary Benhur Abalos sa mga opisyal ng lungsod at munisipalidad na palaging bukas ang Malakanyang sa lahat, maging anuman ang kanilang political affiliation. Ani Abalos, committed ang administrasyong Marcos na makatrabaho ang mga lokal na lider lalo na ang mga konsehal ng local government units sa iba't ibang panig ng bansa, sa pagtugon sa...
4 bata nasagip sa pananamantala sa Misamis Occidental
MISAMIS OCCIDENTAL, Philippines - Nasagip ang apat na bata, kabilang ang dalawang sanggol at isang batang may espesyal na pangangailangan, matapos mabuwag ang umano’y online child sexual exploitation operation sa Calamba, Misamis Occidental, ayon sa DSWD-10. Isinagawa ang entrapment operation noong Hulyo 25 sa pangunguna ng PNP Women and Children Protection Center–Mindanao Field Unit. Inaresto ang isang 22-anyos na lalaki...
Hirit na pag-uusap ni Meralco CEO Pangilinan hinggil sa system loss, ikinukonsidera ng Malakanyang
MANILA, Philippines - Isang magandang senyales para sa Malakanyang ang hirit ni Meralco Chairman at CEO Manny V. Pangilinan na pag- usapan ang may kinalaman sa pagpapabuwag sa system loss charges. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nangangahulugan lamang ito ng bukas si MVP sa diskusyon sa gitna ng desididong pasiya ni...
Perseid meteor shower, masisilayan sa Agosto
MANILA, Philippines - Maaaring masilayan sa Pilipinas ang Perseid meteor shower, isa sa pinakamalalaking meteor shower ngayong taon, ayon sa PAGASA. Ayon sa International Meteor Organization, magiging aktibo ang Perseids mula Hulyo 17 hanggang Agosto 24, at aabot sa 150 meteor kada oras ang maaaring makita sa pinakamagandang kondisyon ng kalangitan. Pinakamainam itong pagmasdan bago magbukang-liwayway sa Agosto 12. Magkakaroon din...
Karamihan sa Pinoy ‘di kontento sa performance ni Marcos
MANILA, Philippines - Ayon sa WR Numero Research, 55% ng mga Pilipino ang hindi kontento sa performance ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang 55% naman ang kuntento sa performance ni Vice President Sara Duterte. Sa survey na isinagawa noong Hunyo 9–16, 2026, 36% lamang ang nagsabing kuntento sila kay Marcos, habang 10% ang hindi nakapagpasya. Mas mataas ang satisfaction ni Sara...
Bagong DOH Chief, bubuo ng “Council of Elders” para sa pagresolba ng problema ng ahensya
MANILA, Philippines - Plano ni bagong Health Secretary Jose Pujalte Jr. na bumuo ng isang “council of elders” na binubuo ng mga dating kalihim ng Department of Health (DOH) upang tumulong sa pagresolba ng mga matagal nang problema ng ahensya. "Matagal ko nang naiisip 'yon sapagkat napakarami at napakalalim ng problema ng DOH," ayon kay Puljante. Balak niyang anyayahan sina Rep....
Cayetano inupakan ulit ni Lacson sa flood control projects sa Taguig
MANILA, Philippines - Lantarang inupakan ni Senador Panfilo Lacson ang kapwa mambabatas hinggil sa manipulasyon ng flood control projects sa Taguig Citu sa pagsasabing kontrolado ni Minority Leader Alan Peter Cayetano ang sistema sa lungsod. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na halos kontrolado ni Cayetano ang operasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kabilang ng ilang proseso sa...












