Konstruksyon ng windmill sa Laguna, nanganganib na mapurnada
MANILA, Philippines - Ikinabahala ng mga residente sa Laguna ang tila mapupurnadang Windmill Project sa kanilang lugar. Ito ay dahil umano sa pagbabawal na makadaan ang mga cargo truck patungo sa site ng proyekto. Kabilang ang Windmill Project sa mga isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang solusyon sa kakapusan ng enerhiya sa bansa. Nang ianunsyo ang proyekto, maraming residente...
1,323 pamilyang sapul ng pagliligalig ng Mayon, isasailalim sa cash-for-work program
MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Huwebes na magbibigay ito ng cash-for-work (CFW) program para sa 1,323 pamilya na naapektuhan ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, bukod pa sa pagkain at mga non-food items. Sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao ng Disaster Response Management Group ng DSWD na kabilang sa mga benepisyaryo...
Atong Ang, ‘armed and dangerous’ pa rin – DILG
MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nananatiling “armed and dangerous” ang negosyanteng si Charlie “Atong” Ang dahil isa sa kanyang rehistradong baril ay nawawala pa rin. Dinala ng Mandaluyong Police sa Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office ang mga isinumiteng armas ni Ang, kabilang ang isang M16 assault rifle, tatlong semi-automatic...
P94-M tobats nasamsam, 673 suspek nasukol sa 20 araw sa NCR
MANILA, Philippines - Iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na umabot sa halos P94 milyon ang halaga ng nasamsam na ilegal na droga at 673 suspek ang naaresto sa Metro Manila mula Enero 1 hanggang 20. Sa 518 anti-drug operations, nakumpiska ang 13,772 gramo ng shabu at 2,125 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, na tinatayang nagkakahalaga ng...
Pagbabago sa polisiya, kailangan para mapanatili mas maraming nars sa Pinas
Kailangan ng mga reporma at pagbabago sa polisiya upang mahikayat ang mas maraming Filipino nurses na manatili at magtrabaho sa Pilipinas, ayon sa Philippine Nursing Association (PNA). Sa Filipino Nurses Global Summit VI at 15th International Nursing Conference sa Pasay City nitong Huwebes, sinabi ni PNA president-elect Alicia Tullo na umaalis ang mga nurse sa bansa para sa mas magandang...
Higit 7,000 parak ipakakalat sa Dinagyang Festival
MANILA, Philippines - Mahigit 7,000 pulis at iba pang security forces ang ide-deploy sa Iloilo City at mga kalapit na lugar upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa Dinagyang Festival 2026, ayon sa hepe ng Western Visayas police. Opisyal na isinagawa ng Police Regional Office 6 ang send-off para sa 7,579 police personnel at force multipliers sa Freedom Grandstand noong...
DA target mag-angkat ng 300MT bigas
MANILA, Philippines - Pinag-aaralan ng Department of Agriculture (DA) ang paunang pag-aangkat ng 300,000 metric tons ng bigas sa Pebrero bilang bahagi ng mga hakbang upang mapatatag ang suplay at presyo sa tingi, matapos ang konsultasyon sa mga stakeholder ng industriya na nangakong susuporta sa mga lokal na magsasaka. Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr....
Hatol na pagkakakulong sa 2 aktibista para sa terrorism financing, ikinatuwa ng NTF-ELCAC
MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang hatol ng regional trial court na nagpataw ng pagkakakulong sa dalawang aktibista dahil sa terrorism financing. Ayon kay Undersecretary Ernesto Torres Jr., executive director ng NTF-ELCAC, patunay ang hatol sa mga aktibistang sina Frenchie Mae Cumpio at Marielle Domequil ng Regional Trial Court Branch...
Mga sabungero hiningan ng tulong ng PNP Chief sa ikadarakip ni Atong Ang
MANILA, Philippines - Iginiit ni Acting Philippine National Police chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. noong Huwebes na walang impormasyon na nagtatago si fugitive businessman Charlie “Atong” Ang sa Caraga Region. Ginawa ni Nartatez ang pahayag sa isang press conference sa Police Regional Office (PRO) 13 sa Butuan City. Inutusan niya ang PRO-13 na palakasin ang manhunt para kay Ang...
Kupas na solid yellow line sa Pasay nagdulot ng pagtatalo sa enforcer at motorista
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang isang motorista at isang traffic enforcer sa Pasay City nang hulihin ang motorista matapos siyang lumipat ng lane sa EDSA flyover portion ng Roxas Boulevard kahit may solid yellow line na halos hindi na makita. Sa isang bidyo, makikita ang isang motorista na sinusubukang lumipat ng lane bago umakyat sa flyover...












