Kapistahan ng Tondo, naging payapa at maayos

0

MANILA, Philippines - Walang anumang naitalang untoward incident sa naging pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, Maynila. Sa ginanap na 30 misa, dinagsa ng mga deboto ang Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo. Sa datos ng MPD, pumalo sa tig-8,500 ang pinakamataas na bilang ng mga deboto na dumalo sa misa ng alas-6:00 at alas-7:00...

Bonoan, umasa lang sa datos na isinusumite ni Cabral sa flood control

0

MANILA, Philippines - Sinabi ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Lunes na umasa siya sa datos na isinumite ng kanyang mga tauhan, lalo na ng tanggapan ng yumaong undersecretary Maria Catalina “Cathy” Cabral, sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Bonoan, nagsumite ang...

DPWH RD sinita ng mga senador sa takip-mukha sa pagdinig

0

MANILAS, Philippines - Sinita ng mga senador nitong Lunes ang dating regional director ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa MIMAROPA na si Gerald Pacanan dahil itinago niya ang kanyang mukha habang nagbibigay ng testimonya sa Senate Blue Ribbon Committee ukol sa anomalya sa flood control projects. Dumating si Pacanan sa pagdinig na naka-white hooded jacket at dilaw...

Upuan, lamesang gawa sa kawayan, ipakakalat sa mga paaralan

0

MANILA, Philippines - Magsisimulang makatanggap ng mga lamesa at upuang gawa sa kawayan ang mga pampublikong paaralan simula Pebrero, habang tuluyan nang ipatutupad ng Department of Education (DepEd) ang 15 taong gulang na polisiya na nag-uutos ng paggamit ng kawayan sa procurement ng school furniture. Magpapamahagi ang DepEd ng 144,081 set ng learners’ tables and chairs at 3,235 set para...

Mindanao-wide na “Ligtas Tigdas” vaxx, inilunsad

0

MANILA, Philippines - Inilunsad ng Department of Health (DOH) nitong Lunes ang Mindanao-wide na “Ligtas Tigdas” vaccination drive na nakatuon sa mga batang may edad anim na buwan hanggang 59 buwan upang maprotektahan laban sa tigdas at rubella. Pinangunahan ni Health Secretary Ted Herbosa ang rollout sa General Santos City, na siyang hudyat ng pagsisimula ng Phase 1 ng nationwide...

14 sa 421 ‘ghost’ flood control projects kumpirmadong wala talaga

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes, 14 lamang sa 421 flood control projects na unang itinuring na “ghost projects” ang nakumpirmang wala talaga. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa umano’y irregularidad sa mga flood control projects, sinabi ni acting Justice Secretary Fredderick Vida na may kasong isinampa na sa Sandiganbayan...

China embassy iginiit na “illegal, null and void” ang arbitral ruling sa S. China Sea; DFA nanindigan

0

MANILA, Philippines - Iginiit ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang muling pagtanggi ng Beijing sa 2016 arbitral ruling sa South China Sea, na tinawag nitong “illegal, null and void,” habang iginiit naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nasabing ruling ay pinal at may bisa sa ilalim ng internasyonal na batas. Sa isang pahayag, sinabi ng deputy spokesperson...

2 saksi sinabing nakaharap si Curlee Discaya sa sinasabing Romualdez property

0

MANILA, Philippines - Dalawang testigo ang nagsabing personal nilang nakaharap si contractor Curlee Discaya noong Pebrero 2024 matapos silang utusan na lisanin ang kanilang tinitirahan sa Forbes Park, Makati City, na ayon sa kanila ay binili umano ng dating House Speaker na si Martin Romualdez. Ang mga testigong nakilalang “Maria” at “Joy” ay nagsabing ang kanilang amo na si Rico...

Solon na nag-endorso sa impeachment vs PBBM, kasama sa “cong-tractors” – Malakanyang

0

MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang nitong Lunes na kabilang si Rep. Jett Nisay, na nag-endorso sa impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga inakusahan sa flood control scandal. Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na wala silang personal na kaalaman sa intensyon sa pag-file ng impeachment complaint. Ngunit binanggit niya...

Mga kongresista kasama sa kakasuhan sa flood control anomaly — DOJ

0

MANILA, Philippines - Posibleng sampahan din ng reklamo ang mga kongresista sa mga susunod na araw kaugnay ng isyu ng maanomalyang flood control project. Sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa isang forum na ito ay dahil natuklasan ang mga anomalya sa kanilang mga nasasakupang distrito. Tumanggi naman si Fadullon na pangalanan ang mga kongresista at kung ilan ang mga...