China embassy iginiit na “illegal, null and void” ang arbitral ruling sa S. China Sea; DFA nanindigan
MANILA, Philippines - Iginiit ng Chinese Embassy sa Pilipinas ang muling pagtanggi ng Beijing sa 2016 arbitral ruling sa South China Sea, na tinawag nitong “illegal, null and void,” habang iginiit naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nasabing ruling ay pinal at may bisa sa ilalim ng internasyonal na batas. Sa isang pahayag, sinabi ng deputy spokesperson...
2 saksi sinabing nakaharap si Curlee Discaya sa sinasabing Romualdez property
MANILA, Philippines - Dalawang testigo ang nagsabing personal nilang nakaharap si contractor Curlee Discaya noong Pebrero 2024 matapos silang utusan na lisanin ang kanilang tinitirahan sa Forbes Park, Makati City, na ayon sa kanila ay binili umano ng dating House Speaker na si Martin Romualdez. Ang mga testigong nakilalang “Maria” at “Joy” ay nagsabing ang kanilang amo na si Rico...
Solon na nag-endorso sa impeachment vs PBBM, kasama sa “cong-tractors” – Malakanyang
MANILA, Philippines - Iginiit ng Malacañang nitong Lunes na kabilang si Rep. Jett Nisay, na nag-endorso sa impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga inakusahan sa flood control scandal. Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na wala silang personal na kaalaman sa intensyon sa pag-file ng impeachment complaint. Ngunit binanggit niya...
Mga kongresista kasama sa kakasuhan sa flood control anomaly — DOJ
MANILA, Philippines - Posibleng sampahan din ng reklamo ang mga kongresista sa mga susunod na araw kaugnay ng isyu ng maanomalyang flood control project. Sinabi ni Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa isang forum na ito ay dahil natuklasan ang mga anomalya sa kanilang mga nasasakupang distrito. Tumanggi naman si Fadullon na pangalanan ang mga kongresista at kung ilan ang mga...
Anti-corruption rally kasado sa EDSA People Power Anniversary
MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Kilusang Bayan Kontra Kurakot ang kanilang planong magsagawa ng isang anti-corruption rally sa Pebrero 25, kasabay ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power. Inihayag ito sa isang press conference na ginanap sa Quezon City noong Lunes, Enero 19, 2026.Ayon sa grupo, layon ng protesta na panawagan sa administrasyon na ipatupad ang pagdetine sa...
Nakumpiskang mamahaling sasakyan ni Zaldy Co, may plekeng plaka – HPG
MANILA, Philippines - Inihayag ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police (HPG-PNP) ngayong Lunes na isa sa mga nakumpiskang luxury vehicle ni dating mambabatas Zaldy Co ay may pekeng plaka. Ayon kay HPG-PNP Director Brigadier General Hansel Marantan, natuklasan sa macro-etching examination sa Ferrari ni Co na naka-rehistro ang sasakyan sa ibang indibidwal na may parehong modelo. Kasulukuyang tinutukoy ng...
Jowa ni Michael Pacquiao, sinabihang ‘cougar,’ umalma!
Manila, Philippines - “Cougar" ang terminong tumutukoy sa isang babae na mas bet pumatol o makipagrelasyon sa lalaking 'di hamak na mas bata kesa sa kanya. Ito ngayon ang isyung kinapapalooban ng dyowa ni Michael Pacquiao, si Joyce Tan Custodio. For starters, Michael is the second of five children ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao. Hot topic nga ang couple dahil sa...
Pag-abswelto ni Teves, hindi sa Degamo murder case – solon
MANILA, Philippines - Nilinaw ni Negros Oriental Rep. Janice Degamo na hindi ang murder case na may kaugnayan sa pagpatay sa kanyang asawa na si provincial governor Roel Degamo noong 2023 ang kasong naabswelto si dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves. Ayon kay Degamo, ang acquittal na natanggap ni Teves ay sa hiwalay na kaso ng murder sa...
‘Bastos’ na Estonian vlogger, inaresto sa Pinas
MANILA, Philippines - "HINDI content playground ang Pilipinas" Ito ang binitiwang salita ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado makaraang maaresto at mahaharap sa deportation ang Estonian vlogger na si Siim Roosipuu, 34, matapos umanong manggulo at mang-bastos ng mga Pilipino para sa kanyang viral content. Ayon kay Viado, kahalintulad ito ng kaso ng Russian vlogger na si Vitaly...
Modernisasyon ng mga paliparan sa W. Visayas, iniatas ni PBBM
MANILA, Philippines - IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Enero 19, sa Department of Transportation (DOTr) at ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na tiyakin ang maayos na pagpapatupad ng modernisasyon ng mga paliparan sa Western Visayas, bilang katuparan ng pangako ng pamahalaan na palakasin ang turismo at aktibidad pang-ekonomiya sa rehiyon sa...












