LTO: Walang karapatang mangumpiska ng lisensya
MANILA, Philippines — Walang legal na batayan ang mga local government unit (LGU) upang kumpiskahin ang lisensya ng mga motoristang nahuhuli sa paglabag sa batas-trapiko, ayon sa Land Transportation Office (LTO). “The LTO wishes to clarify to the public that it is currently implementing Department of Transportation (DOTr) Memorandum Circular No. 001-2026, which sets the policy regarding the non-confiscation of...
Guro na inupakan ng 19-anyos sa Aklan, pumanaw
AKLAN — Pumanaw habang ginagamot sa ospital ang isang guro sa kolehiyo matapos umanong suntukin ng isang 19-anyos na lalaki sa Barangay Mabilo, New Washington, Aklan. Binawian ng buhay ang biktima nitong Martes, dalawang araw matapos ang insidente noong Linggo, Hulyo 26. Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dumalo ang guro sa isang kasiyahan para sa advance celebration ng graduation nang magkaroon...
Fusion Alley sa Maynila inireklamo dahil sa baho, ingay at kalat
MANILA, Philippines — Inireklamo ng ilang residente ang Fusion Alley, isang popular na street food market sa Maynila, dahil sa umano’y mabahong amoy, ingay at kalat sa lugar. Binubuo ang pamilihan ng dose-dosenang street vendor at maliliit na negosyo, kabilang ang ilan na dating nagtitinda sa Ugbo sa Tondo, isa pang food bazaar na kalauna’y nagsara. Bagama’t dinarayo ng mga estudyante...
2-anyos na 1 linggong nawawala, patay na natagpuan sa Butuan
BUTUAN CITY — Patay na nang matagpuan ang isang dalawang-taong-gulang na batang lalaki na isang linggo nang nawawala sa madamong bahagi ng palayan sa Purok 3, Barangay Camayahan, Butuan City nitong Miyerkoles. Ayon sa Butuan City Police, natagpuan ang bangkay ng bata sa layong dalawang kilometro mula sa kanilang tirahan at nagsisimula na itong maagnas. Kuwento ng ina sa pulisya, nagwawalis...
P510-M shabu nasabat sa Batangas Port; 2 tulak timbog
MANILA, Philippines — Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang 75 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P510 milyon sa Port of Batangas nitong Huwebes, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Inaresto ng mga operatiba ng PDEA–National Capital Region, Philippine Coast Guard at iba pang ahensya ang isang 22-anyos na lalaking estudyante at 27-anyos na babaeng walang trabaho na...
2 iskul sa GenSan binulabog ng shooting threats
GENERAL SANTOS CITY — Inilagay sa alerto ang dalawang paaralan sa General Santos City matapos makatanggap ng mga banta ng pamamaril laban sa mga estudyante at guro bago ang pagbabalik ng face-to-face classes sa Lunes, Agosto 3. Sa isang social media post, nagbanta ang uploader na babarilin ang mga estudyanteng umano’y nang-bully sa kanya sa General Santos City SPED Integrated...
‘Di suhol: Dasmariñas LGU nag-donate ng P50M sa Comelec
MANILA, Philippines — Itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na suhol ang P50-milyong donasyon ng lokal na pamahalaan ng Dasmariñas City para sa gagawing special congressional election. Ibinigay ng pamahalaang lungsod, na kinatawan ni Vice Mayor Third Barzaga, ang pondo upang tumulong sa Comelec sa pagsasagawa ng special election para sa kinatawan ng Fourth District ng Cavite. Nabante ang...
Biz group suportado Pax Silica basta may proteksyon sa trabaho, kalikasan
MANILA, Philippines — Kondisyunal na sinuportahan ng Management Association of the Philippines (MAP) ang US-led Pax Silica Initiative ngunit nanawagan ng mahigpit na proteksiyon para sa pambansang interes, mga manggagawang Pilipino, komunidad at kalikasan. Nakatuon ang panukalang high-tech hub sa artificial intelligence, semiconductors, advanced manufacturing at critical minerals. Tinawag ng MAP na “Proceed, but Protected” ang posisyon nito, kasabay ng babala...
LTO, pinalawig bisa ng mga lisensya, rehistro sa problema sa LTMS
MANILA, Philippines — Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) hanggang sa susunod na abiso ang bisa ng mga driver’s license at rehistro ng mga sasakyan at motorsiklo na nag-expire simula Hulyo 1, 2026, dahil sa downtime at pagbagal ng Land Transportation Management System (LTMS). Sa ilalim ng Memorandum Circular No. MVL-2026-5271, sakop din ng extension ang mga conductor’s license, student-driver’s...
Task Force kalos-system loss charge sa kuryente, binuo ng DOE
MANILA, Philippines — Bumuo ang Department of Energy (DOE) ng joint task force upang ihanda ang mga teknikal, regulatory at legislative measure para alisin ang system loss charges at kaakibat nitong value-added tax (VAT) sa electricity bills ng mga konsumer. Kabilang sa task force ang Energy Regulatory Commission (ERC), National Electrification Administration (NEA) at mga electric cooperative. Pangungunahan nito ang...












