Napolcom suportado ng PNP sa kasong rape ng pulis Maynila
MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkules ang suporta sa National Police Commission (Napolcom) kaugnay ng kaso ng inakusang panggagahasa ng isang police officer sa Maynila sa isang babaeng walang malay. Bumisita ang biktima at ang kanyang asawa kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa Camp Crame, Quezon City noong Martes upang...
Dami ng Pinoy aabot sa 123.96-M sa 2035
MANILA, Philippines - Aabot sa 14.76 milyon ang inaasahang madadagdag sa populasyon ng Pilipinas sa susunod na 15 taon, na inaasahang umabot sa 123.96 milyon pagsapit ng 2035, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA). Tinataya ng PSA na lalaki ang populasyon ng bansa ng 0.85% kada taon mula 2020 hanggang 2035, mula sa 109.2 milyon noong 2020. Mananatiling pinakapopuloso...
Tracker team sa pag-aresto kay Atong Ang, ipinadala ng PNP
MANILA, Philippines - Nagpadala na ng tracker teams ang Philippine National Police (PNP) para ipatupad ang warrant of arrest laban kay businessman Charlie “Atong” Ang at iba pa kaugnay ng pagkamatay ng ilang sabungeros, ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Miyerkules. Inutusan ng Sta. Cruz Laguna Regional Trial Court Branch 26 ang pag-aresto kay...
Pagtaas ng aktibidad ng bulkang Kanlaon, ibinabala ng PhiVolcs
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules, Enero 14, sa pagpapakita ng mataas na unrest ang Kanlaon Volcano sa Negros Island, kasunod ng pagdami ng volcano-tectonic earthquakes sa paligid nito. Mula madaling araw ng Miyerkules, nakapagtala ang Kanlaon Volcano Network ng 45 volcano-tectonic earthquakes na may magnitude na 0.6 hanggang 3.9 at lalim...
Pagkansela ng mga proyekto ng Solar Philippines, ‘di personal – DOE
MANILA, Philippines - Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin nitong Miyerkules na “Nothing personal” ang hakbang ng gobyerno na magpataw ng multa at kanselahin ang mahigit 11,000 megawatts na kontrata ng Solar Philippines, kumpanya na itinatag ni Batangas Rep. Leandro Leviste. Ayon kay Garin, hindi dahilan ang umano’y Cabral files o online posts ni Leviste sa desisyon. “Hindi naman. Kahit hindi...
Recto, nilinaw: Walang Cabinet revamp!
MANILA, Philippines - Tinipon ni Executive Secretary Ralph Recto ang ilang Cabinet secretaries nitong Lunes, ilang araw matapos niyang itanggi ang mga usap-usap tungkol sa “revamp” ng gabinete. Ayon sa press release, ang pagpupulong ay upang “ensure the strategic alignment of the 2026 National Budget with the administration’s priorities and development agenda.” Pinabulaanan ni Recto ang mga balitang magkakaroon ng ibang...
PBBM, balik-Pinas mula sa working visit sa Abu Dhabi
MANILA, Philippines - Balik-Pilipinas na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Miyerkules ng umaga matapos ang kanyang working visit sa Abu Dhabi. Ang eroplanong may dala sa Pangulo ay lumapag sa Maynila ng alas-11:28 ng umaga. Sa kanyang arrival statement, sinabi ng Pangulo na nakiisa at sumali siya sa talakayan ukol sa “future-ready world” kasama ang ibang heads of state at gobyerno. “I...
Konstruksyon ng bagong tulay sa Muntinlupa-San Pedro sisimulan sa Peb. 1
MANILA, Philippines - Inaasahan ang katamtaman hanggang mabigat na trapiko sa pagsimula ng konstruksyon ng bagong tulay sa hangganan ng Muntinlupa at San Pedro, Laguna sa Pebrero 1. Nagpaalala ang mga lokal na pamahalaan ng Muntinlupa at San Pedro tungkol sa bagong traffic scheme na ipatutupad kaugnay ng proyekto. “Please be informed that the Department of Public Works and Highways (DPWH)...
Sandiganbayan: Zaldy Co ‘di puwedeng humingi ng tulong ng korte ‘gang umiiwas sa pagka-aresto
MANILA, Philippines - Idineklara ng Sandiganbayan na hindi "entitled" sa anumang judicial relief ang nagbitiw na kongresistang si Zaldy Co dahil siya ay "fugitive from justice" at patuloy na umiiwas sa pag-aresto. Dahil dito, ibinasura ng anti-graft court ang apela ni Co na muling ikonsidera ang pagkansela ng kanyang pasaporte at ang naunang desisyon na ideklara siyang fugitive. Ayon sa korte,...
Nasawi sa Binaliw landfill, umakyat sa 18
CEBU, Philippines - Umakyat na sa 18 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) nitong Miyerkules. Sinabi ng CDRRMO na 18 katao pa ang nawawala at 18 ang nasugatan. Patuloy ang search and rescue operations mula pa noong Enero 8 matapos gumuho ang bahagi...












