Suspek sa pagpatay sa 8-anyos sa Laguna, pinalaya
MANILA, Philippines — Pinalaya ang isang suspek sa pagpatay sa isang walong taong gulang sa San Pablo City, Laguna, matapos matukoy ng City Prosecutor’s Office na kulang ang ebidensya ng pulisya. Ang suspek, isang 59-taong-gulang na kamag-anak at kapitbahay ng pamilya ng bata, ay naaresto matapos kilalanin siya ng dalawang saksi. Wala pa ring nakuhang armas o damit na may...
Kulang sa komisyuner: ICC wala pang bagong referral ukol sa flood control probe
MANILA, Philippines - Hindi pa makakapagbigay ng anumang referral ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) dahil sa patuloy na imbestigasyon sa mga anomalya sa proyekto ng flood control, sanhi ng kakulangan ng mga komisyoner, ayon kay special adviser Rodolfo Azurin Jr. noong Martes. Si ICI chairperson Andres Reyes Jr. ang natatanging komisyoner ng komisyon, kasunod ng pagbitiw ng mga dating...
Usec. Castro nangamba sa buhay, nagpa-NBI
MANILA, Philippines - Nagtungo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Communications Usec. Claire Castro para idulog ang umano’y natatanggap niyang pagbabanta sa kanyang buhay mula sa isang post sa Facebook. Tinutukoy ni Castro ang social media post nina Luminous by Trixie Cruz-Angeles at Ahmed Paglinawan, noong Enero 2, 2026. “Of course, natakot ka, 'di ka naman sanay sa death threats....
P23-M tobats na isiniksik sa CCTV, nabuking sa Pasay
MANILA, Philippines - Makaraan lamang ang limang araw kung saan tatlong suspek ang inaresto matapos makuhanan ng mahigit P114 milyong halaga ng shabu, muling nakadiskubre ang mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drugs Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ng mahigit tatlong kilo ng shabu sa Pairpags Center, NAIA Complex, Pasay City, Lunes ng umaga, Enero 13.Base sa inisyal na ulat ng...
BFP magsusuot na ng body cam sa building inspections vs korapsyon
MANILA, Philippines — Magsusuot na ng body camera ang mga fire inspector ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa kanilang building inspections bilang hakbang laban sa korapsyon, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes. Dumating ang hakbang matapos ma-relieve ang dalawang opisyal ng BFP dahil sa umano’y pagtanggap ng kickbacks mula sa overpriced na fire...
DILG sa mga politiko: ‘Wag umepal!
MANILA — Pinayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes ang mga politiko na huwag lumabag sa anti-epal rules habang mas pinalalakas ang papel ng local government units (LGUs) sa paghahatid ng pangunahing serbisyo. Sa isang Palace briefing, sinabi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ipinagbabawal ng mga patakaran ng Department of Budget and Management at...
Loyalty check sa hanay ng kasundaluhan, ‘di na kailangan – AFP
MANILA, Philippines — Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes na walang kinakailangang loyalty check sa loob ng kanilang hanay, habang iniimbestigahan ang kaso ni Colonel Audie Mongao, na na-relieve sa kanyang tungkulin dahil sa isang kontrobersyal na pahayag sa social media. Sinabi ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla na nananatiling buo at propesyonal ang militar,...
Hirit ni Sen. Bato na detalye sa ICC warrant, inisnab ng DOJ
MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Department of Justice (DOJ) ang hiling ng abogado ni Senador Ronald Dela Rosa na makakuha ng impormasyon hinggil sa umano’y arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC). Ibinahagi ni Atty. Israelito Torreon sa Facebook ang liham ni Chief State Counsel Dennis Arvin Chan na may petsang Disyembre 4, 2025, na kanyang natanggap umano...
Alcantara ‘di babawiin mga naunang pahayag sa flood control probe – abogad
MANILA, Philippines — Nilinaw ng kampo ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan First District Engineering Office district engineer Henry Alcantara na hindi niya babawiin ang kanyang mga naunang pahayag, ayon sa kanyang abogado nitong Martes. Sinabi ni Atty. Emil Karlo Joven na ang mga kumakalat online na ulat na binawi ni Alcantara ang kanyang testimonya sa Senate...
Dedo sa Binaliw landslide, umakyat na sa 13
MANILA, Philippines - Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa landfill sa Barangay Binaliw, Cebu City, habang 23 manggagawa pa ang nawawala. Base sa pinakahuling impormasyon, kabilang sa mga huling nasawi ang isang 50-anyos na babae na narekober mula sa mga guho. Extra-ingat ang mga rescuer sa search and rescue operations dahil sa hindi matatag na...












