CCTV ng traffic incident na kinasangkutan ng anak ni James Deakin ipinakita ng LTO
MANILA, Philippines - IPINAKITA ni Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang CCTV footage ng traffic incident na kinasasangkutan ng anak ng transport Vlogger na si James Deakin matapos ang isinagawang briefing sa LTO Central Office sa Quezon City. Sinabi ni Lacanilao na nilabag ng anak ni Deakin ang mga batas trapiko para sa reckless driving...
NAPOLCOM nagsampa ng reklamo vs opisyal na nagsuot ng P70K luxury footwear
MANILA, Philippines - Nahaharap sa reklamong administratibo sa less grave neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer ang isang police brigadier general, ayon sa National Police Commission (NAPOLCOM). Sa pahayag na inisyu nitong Martes, Enero 6, sinabi ni NAPOLCOM vice chairperson at executive officer Rafael Vicente Calinisan na ang reklamo ay nag-ugat sa dalawang insidente. Una, ani Calinisan,...
5,594 nakapasa sa 11,425 examinees sa 2025 Bar exams
MANILA, Philippines - Umabot sa 5,594 na examinee ang nakapasa sa 2025 bar examination. Sa kabuuang 13,193 na rehistradong aplikante, 11,425 examinee ang nakumpleto ang tatlong araw na pagsusulit na ginanap sa 14 na testing centers sa buong bansa noong Setyembre 7, 10, at 14. Si Supreme Court Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier ang chairperson ng SC Committee on Bar Examinations. Ang...
Pagbawas sa remittance fees ng OFWs, isinusulong sa Senado
MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada ang isang panukalang batas na naglalayong bawasan ng kalahati ang remittance fees ng mga overseas Filipino workers (OFWs) upang maprotektahan ang kanilang pinaghirapang kita laban sa labis na singil at hindi patas na gawain. Sa ilalim ng Senate Bill No. 1074 o ang Overseas Filipino Workers Remittance Protection Act, inaatasan ang mga...
Koleksyon ng BOC noong 2025, pumalo sa P934.4B
MANILA, Philippines - Umabot sa P934.4 bilyon ang nakolektang kita ng Bureau of Customs para sa taong 2025. Sa kabila nito ay bigong maabot ng ahensya ang target dahil sa mababang import volumes, rice import ban, at global price fluctuations. Ang preliminary figure ay 2.5 percent na mas mababa sa target ng BOC na P958.7 bilyon, o kulang ng P24 bilyon. Nagpahiwatig...
P70M shabu nasamsam sa 2 tulak sa Bohol
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos makumpiska ang halos P70 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Tagbilaran City, Bohol, nitong hatinggabi ng Enero 6. Ayon sa Bohol Police Provincial Office, isinagawa ang operasyon bandang alas-11 ng gabi sa Purok 2, Barangay Dampas ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit...
Pagbaba ng policy rate ng BSP sa four-year low inaasahan ngayong taon
MANILA, Philippines — Posibleng magpatuloy ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagbawas ng policy rate ngayong taon at maghatid ng kabuuang 50 basis points na bawas, na magtutulak sa benchmark rate sa pinakamababang antas sa loob ng apat na taon, ayon sa Metropolitan Bank & Trust Co. (Metrobank). Tinataya ng Metrobank na unti-unting ibababa ng BSP ang target reverse...
Nigerian patay sa pananaksak sa Las Piñas
MANILA, Philippines - Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaking sangkot umano sa pananaksak sa isang Nigerian national sa Barangay Zapote, Las Piñas City, madaling araw ng Martes, Enero 6. Ayon sa National Capital Region Police Office, ang suspek ay nahuli sa naganap na habulan matapos ang insidente. Sa report, nangyari ang pananaksak 3:45 ng umaga sa Basa 1, Barangay Zapote. Ang...
Unemployment, underemployment rates humupa noong Nobyembre
MANILA, Philippines — Bumaba ang antas ng kawalan ng trabaho at underemployment sa bansa noong Nobyembre 2025 kumpara sa naitalang datos noong Oktubre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). Batay sa PSA, umabot sa 4.4% ang unemployment rate noong Nobyembre, mas mababa sa 5% noong Oktubre, na katumbas ng humigit-kumulang 2.25 milyong Pilipino na walang trabaho. Bumaba rin ang underemployment rate...
Flight ban malapit sa Kanlaon, Bulusan, Taal at Mayon pinalawig ng CAAP ‘gang Enero 8
MANILA, Philippines - Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (Caap) ang restriksyon sa mga flight sa paligid ng Bulkang Kanlaon, Bulusan, Taal at Mayon hanggang Huwebes, Enero 8. Sa pahayag nitong Miyerkules, Enero 7, sinabi ng CAAP na nag-isyu ito ng updated notices to airmen (NOTAMs) sa paligid ng mga sumusunod na bulkan: Bulkang Kanlaon – epektibo mula Enero...












