Parak, todas sa salpok ng ‘kamote rider’
Bulacan – Dead on arrival sa ospital ang isang pulis matapos aksidenteng makasalpukan ang kapwa motorcycle rider sa bayan ng Hagonoy nitong tanghali ng Enero 1. Kinilala ang kalunos-lunos na biktima na si Patrolman Reniel Dela Mines, 27, may asawa, nakatalaga sa Malolos Police Station at residente ng Brgy. Carillo. Sa report ng Hagonoy Police Station, naganap ang insidente bandang 12:30...
Quiapo Church dinagsa ng deboto sa unang Biyernes ng 2026
MANILA, Philippines - Dinagsa ng mga mananampalataya ang misa sa Quiapo Church ngayong unang Biyernes ng taong 2026, isang linggo bago ang Kapistahan ng Poong Jesus Nazareno sa January 9, 2026. Mahigpit ang pagbabantay na ipinatutupad ng Manila Police District upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa paligid ng Quiapo Church. Ang ibang deboto na hindi nakapasok sa simbahan ay sa...
3 menor, tigok sa dam sa Iloilo
ILOILO - Tatlong menor de edad ang nalunod sa Moroboro Dam sa Dingle, Iloilo matapos maging trahedya ang kanilang paliligo. Nadulas ang isa sa malalim na bahagi ng dam kaya’t sumugod ang iba upang iligtas siya, ngunit malakas ang agos at dalawa na lang ang nakaligtas. Narekober ang dalawang katawan, kabilang ang binatilyong nadulas, noong araw din ng insidente, at ang...
Walang basura sa Traslacion 2026, panawagan ng EcoWaste
MANILA, Philippines - Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa publiko na panatilihing malinis at walang basura ang mga lansangan sa Traslacion 2026 ng Fiesta ng Jesus Nazareno sa Enero 9, na kasabay ng selebrasyon ng Zero Waste Month. "Let our people’s profound faith in Nuestro Padre Jesus Nazareno inspire us to be better stewards of our planet… preventing and reducing waste...
10-anyos, isa pa sugatan sa malakas na paputok sa Tondo; 3 bahay, damay
MANILA, Philippines - Sugatan ang isang matanda at isang 10-anyos na babae nang sumabog ang isang malakas na paputok sa Tondo, Manila sa pagdiriwang ng Bagong Taon nitong Huwebes. Nagdulot din ang pagsabog ng pinsala sa tatlong bahay, kasama ang nabasag na bintana at pader. Ayon sa mga residente, ang pagsabog ay mula sa isang paputok na maaaring itinapon o naiwan...
Hubad na bangkay ng car trader, umalingasaw sa Tagaytay
MANILA, Philippines - Natagpuang walang buhay at hubo ang 26-anyos na car trader na si John Lester Amin sa isang liblib na lugar sa Tagaytay City noong Disyembre 23. Ayon kay Tagaytay City Police Chief Lt. Col. Ryan Manongdo, nakatali ang kamay at paa at nakatakip ang bibig at mga mata ng packing tape, may mga saksak sa katawan ang...
E-trikes, e-bikes ban sa pangunahing kalsada sa MM, umarangkada na
MANILA, Philippines - Magsisimula ngayong Enero 2, 2026 ang pagpapatupad ng Land Transportation Office (LTO) ng pagbabawal sa e-trikes at e-bikes sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. Saklaw ng pagbabawal ang EDSA, C-5, Roxas Boulevard, at Quirino Avenue hanggang Magallanes–SLEX. Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, layunin ng hakbangin na tiyakin ang kaligtasan sa kalsada, at ang mga mabagal at...
Kalive-in ng yumaong Iloilo VM, isinailalim sa paraffin test
MANILA, Philippines - Humiling ang pulisya sa Iloilo ng paraffin test para sa live-in partner ng yumaong Vice Mayor ng Dueñas, Aimee Paz Lamasan, na siyang nag-iisang kasama nang aksidenteng mabaril ng vice mayor ang sarili gamit ang 9 mm pistol. “We already sent a request for a paraffin test to the vice mayor’s partner. That’s one of the things...
Lisensya ng drayber na nagwagayway ng baril sa CDO, sinuspinde ng LTO
MANILA, Philippines - Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng show cause order at 90-araw na preventive suspension sa lisensya ng isang driver ng puting Isuzu D-MAX pick-up na umano’y nagwagayway ng baril sa ibang motorista sa Cagayan de Oro City noong Disyembre 29, 2025. Inatasan ni LTO Chief Markus Lacanilao ang LTO Regional Office 10 na imbestigahan ang insidente,...
1 tigok, 1 nawawala sa tumaob na kayak sa Surigao Norte
MANILA, Philippines - Isang tao ang nasawi habang isa ang nawawala matapos mapataob ng malalakas na alon ang isang kayak sa Pasikon Beach, Barangay Baybay, Burgos, Surigao del Norte noong Disyembre 30. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), tatlo ang sakay nang mangyari ang aksidente. Nailigtas ng PCG ang isang nasugatang pasahero at narekober ang bangkay ng isa, habang ang 19-anyos...












