Mga nagawa, prayoridad na programa, ilalahad sa ika-5 SONA – Malakanyang

0

MANILA, Philippines - Inaasahang ilalahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na taon at ang mga prayoridad na batas sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27. Ayon sa Malacañang, magsisilbing ulat sa bayan ang SONA tungkol sa mga nagawa ng pamahalaan at mga panukalang nais isulong ng administrasyon...

Lebel ng tubig sa Angat dam, patuloy na bumababa

0

BULACAN, Philippines - Patuloy na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam dahil sa nakaambang matinding El Niño, sa kabila ng inaasahang pag-ulan dulot ng habagat noong Hulyo. Noong Hulyo 25, bumaba sa 150.60 meters above sea level (masl) ang lebel ng tubig sa dam—ang pinakamababang naitala ngayong taon. Ayon sa mga residente, paminsan-minsan lamang umuulan at inaabot pa ng...

DOH, pansamantalang itinigil pagbili ng suplay para sa TB program

0

MANILA, Philippines - Pansamantalang ipinahinto ng Department of Health (DOH) ang lahat ng procurement o pagbili ng mga gamot, diagnostic supplies, at iba pang kagamitan para sa tuberculosis (TB) program para sa taong 2026 sa ilalim ng isang memorandum na may petsang Hulyo 24, 2026 na nilagdaan ni Health Secretary Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr. Ayon sa memorandum, isinasailalim muna...

Yakapan nina Kathryn at Julia, nag-trending!

0

Manila, Philippines - Muling nagkrus ang landas nina Kathryn Bernardo at Julia Montes sa isang motorcade. Bale promo 'yon ng kanilang respective primetime series. Trending topic ang kanilang catchup tsikahan over their meeting anew in a long while. Super ecatatic si Julia na agad niyakap nang mahigpit si Kathryn. On motorcade, inikot nila ang San Fernando, Pampanga. Hindi nga lang sila nagkakuwentuhan nang bonggang-bongga...

ASF, kumalat sa dalawa pang barangay sa Bacolod

0

BACOLOD, Philippines - Kinumpirma ng City Veterinary Office (CVO) na may naitalang bagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa mga barangay ng Granada at Bata sa Bacolod City. Ayon sa CVO, dalawang sample mula sa Barangay Bata ang nagpositibo sa paunang at confirmatory laboratory tests. Dahil dito, apat na barangay na ang may kumpirmadong kaso ng ASF: Alijis, Taculing, Granada,...

2 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Pangasinan

0

PANGASINAN, Philippines - Patay ang dalawang lalaki habang sugatan ang isang babae matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Malasiqui, Pangasinan nitong Sabado ng hapon. Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na edad 24 at 22, kapwa walang asawa at walang trabaho. Ang mga biktima at ang sugatang babae ay pawang residente ng Barangay Barang. Sa paunang imbestigasyon,...

3 arestado kaugnay ng bangkay na natagpuan sa maleta sa Taguig

0

MANILA, Philippines - Natagpuan ang bangkay ng isang babae na nakasilid sa loob ng maleta matapos itong bumara sa isang creek sa Barangay Tanyag, Taguig City nitong Biyernes ng hapon. Kinilala ang biktima sa alyas na "Tata," tinatayang 46-anyos, at sinasabing isang police informant. Ayon sa imbestigasyon, nagtamo ang biktima ng saksak sa tagiliran at matinding pinsala sa ulo. Pinaniniwalaang pinatay...

ASEAN police, bubuo ng task force laban sa online scam

0

MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Association of Southeast Asian Nations Chiefs of Police (Aseanapol) ang pagbuo ng isang task force upang palakasin ang laban sa online scam sa rehiyon. Matapos ang ika-44 na Aseanapol Conference sa Pasay City, sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na kabilang sa programa ang pagbisita sa mga national anti-scam centers at pagpapatupad...

PDP-Laban nagsagawa ng national assembly; pagkakaisa, ipinanawagan

0

DAVAO, Philippines - Nagdaos ng national assembly ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP)-Laban sa Davao City nitong Sabado, kung saan dumalo ang mga opisyal at miyembro ng partido mula sa iba't ibang panig ng bansa. Kabilang sa dumalo sina PDP-Laban president at Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte, Senador Robin Padilla, at Senador Christopher "Bong" Go. Nagpasalamat si Duterte sa tiwalang ibinigay...

2 timbog sa P3.4M shabu sa Cavite

0

CAVITE, Philippines - Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), katuwang ang PDEA Cavite Provincial Office at PNP Cavite Maritime Police Station, sa Dasmariñas City, Cavite noong Hulyo 24. Nahuli ang mga suspek na nakilalang sina alyas "Daniel," 34-anyos na negosyante, at "Raprap," 40-anyos na tricycle driver, sa kahabaan...