15 arestado, P1.7M tobats nasamsam sa Bicol

0

BICOL, Philippines — Arestado ang 15 hinihinalang sangkot sa ilegal na droga at nasamsam ang mahigit P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na operasyon sa Bicol nitong Biyernes. Sa Paracale, Camarines Norte, naaresto ang 51-anyos na si "Mylene", isang high-value target, matapos makumpiskahan ng 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 milyon, kasama ang drug paraphernalia. Sa parehong...

Cebu exporters, nabahala sa dagdag US tariff sa PH exports

0

CEBU, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine Exporters Confederation (Philexport)-Cebu sa ipapataw na karagdagang 12.5% tariff ng Estados Unidos sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas. Nanawagan ang grupo sa pamahalaan na makipag-ugnayan sa Office of the United States Trade Representative (USTR) upang mabawasan ang epekto ng bagong taripa sa mga exporter. Ayon kay Federico Escalona Jr., executive director ng Philexport-Cebu,...

National Commission lilikhain sa Senado vs electricity rate hikes, brownout

0

MANILA, Philippines - Nais likhain ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang isang national commission o  pambansang komisyon na tututok laban sa mataas na singil sa kuryente at paulit-ulit na brownout sa bansa. “Hindi po sustainable na may mga area na brownout nang brownout, may mga area naman na wala pa ring kuryente until now,” pahayag ni Cayetano sa...

Kampo ni Romualdez, ulamla sa balitang lumabas siya ng bansa

0

MANILA, Philippines - Humihingi ng paliwanag ang kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez sa Bureau of Immigration (BI) kaugnay sa mga balitang nagtangka umanong lumabas ng Pilipinas ang kongresista kahit may Precautionary Hold Departure Order (PFDO) na naka-isyu dito. Inalmahan ni Romuladez sa pamamagitan ng kaniyang abogado na si Atty.Abdiel Dan E.S. Fajardo ang naunang pahayag ni BI Spokesperson...

4 arestado sa smuggling – BOC

0

MANILA, Philippines – Nahatulan ng pagkakakulong ang apat na indibidwal sa dalawang magkahiwalay na kasong may kaugnayan sa smuggling matapos magtagumpay ang Bureau of Customs (BOC) sa paghahabla sa mga ito sa Regional Trial Court ng Maynila. Ayon sa BOC, ang hatol ay patunay ng pinaigting nitong kampanya laban sa smuggling upang maprotektahan ang kita ng pamahalaan, masiguro ang seguridad...

ILAW Pilipinas nanawagan kay PBBM na bigyang-prayoridad abot-kaya, maaasahang kuryente sa SONA

0

MANILA, Philippines — Nanawagan ang consumer advocacy group na ILAW Pilipinas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing pangunahing bahagi ng kanyang 2026 State of the Nation Address (SONA) ang pagpapalakas ng sektor ng enerhiya upang matiyak ang abot-kaya, maaasahan, at transparent na serbisyo ng kuryente para sa lahat ng Pilipino. Sa isang bukas na liham na inilabas bago ang...

Alegasyong nagpakalat ng maling impormasyon, itinanggi ng BI

0

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ng Bureau of Immigration (BI) ang alegasyong nagpakalat ito ng mali o mapanlinlang na impormasyon, at iginiit na ang lahat ng inilalabas nitong pahayag ay nakabatay sa beripikadong datos bilang tugon sa mga lehitimong katanungan ng media. Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, ang naging pahayag ng ahensya ay kasunod ng liham ng Solis...

Walang nanalo sa major Lotto draws ng Sabado, Hulyo 25, 2026

0

MANILA, Philippines — Walang nakasungkit ng jackpot sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa isinagawang draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado, Hulyo 25. Ang winning combination ng Grand Lotto 6/55 ay 50-05-12-26-02-20, na may jackpot na humigit-kumulang ₱93.16 milyon. Walang tumama sa lahat ng anim na numero. Samantala, ang winning combination ng Lotto 6/42 ay 39-27-35-15-19-12, na...

Ridon: Upper middle-income status dapat maramdaman ng mga Pilipino

0

MANILA, Philippines — Nanawagan si Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mararamdaman ng mga ordinaryong Pilipino ang benepisyo ng pagiging upper middle-income economy ng bansa. Ayon kay Ridon, mahalagang maisalin ang bagong katayuang pang-ekonomiya sa mga programang magpapabuti sa buhay ng mga pamilya at magpapataas ng kanilang kita. "Now that the country has achieved...

Kiyapo nagdulot ng baha, pagguho ng lupa sa Northern Luzon

0

MANILA, Philippines - Nagdulot ang Tropical Storm Kiyapo ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa sa ilang bahagi ng Northern Luzon nitong Biyernes, Hulyo 24. Sa Vintar, Ilocos Norte, umapaw ang isang irrigation canal dahil sa malakas na ulan at bumaha sa mga kalsada. Nagtulung-tulong ang mga residente sa paglalagay ng sandbags upang mapigilan ang pagpasok ng tubig sa kanilang...