Byahe ni VP Sara sa limang bansa mula Hulyo 16-31, aprubado ng OP – Malakanang

0

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Malakanyang na aprubado ng Office of the President (OP) ang byahe ni Vice-President Sara Duterte sa limang bansa mula Hulyo 16 hanggang 31, 2026. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang personal trip na ito ng bise-presidente patungong mga bansang Qatar, Germany, UK. Northern Ireland at Netherlands...

Minor phreatomagmatic eruption naitala sa Taal

0

BATANGAS, Philippines - Nakapagtala ang PHIVOLCS ng minor phreatomagmatic eruption sa Bulkang Taal alas-2:29 ng hapon noong Martes na tumagal ng tatlong minuto. Ayon sa ahensya, nagbuga ang bulkan ng abo at usok na umabot sa 2,000 metro ang taas bago inanod patungong timog-silangan. Nanatiling umiiral ang Alert Level 1, na nangangahulugang may mababang antas ng volcanic unrest. Mahigpit pa ring ipinagbabawal...

DICT humiling ng P2.7B e-Government program sa 2027

0

MANILA, Philippines - Humihiling ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng ₱2.7 bilyong pondo para sa mga e-Government (eGov) program nito sa 2027. Ayon sa DICT, gagamitin ang pondo para sa cloud hosting, cybersecurity, system integration, at developer compensation. Kabilang dito ang ₱800 milyon para sa pagpapahusay at pagpapanatili ng eGov Super App. Sinabi ng DICT na ang natitirang...

PBBM, namahagi ng Certificate of Entitlement sa mga pamilya sa Lucena City

0

MANILA, Philippines - Tinupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangakong magkakaroon ng mas maayos na tahanan at matatag na karapatan sa kanilang lupang tinitirhan ang mga filipino sa ilalim ng land tenure regularization program ng pamahalaan. Nitong Martes, pinangunahan ng Pangulo ang pamamahagi ng Certificate of Entitlement sa mahigit 100 pamilya sa Lucena City sa ilalim ng Presidential...

Diplomatic protest laban sa China, ipinanawagan ni Sen. Pangilinan

0

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na agad magsampa ng matinding diplomatic protest laban sa China matapos umanong saktan ng China Coast Guard (CCG) ang isang opisyal ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea. Nasugatan ang Navy personnel matapos umano siyang hampasin ng kahoy na baton ng miyembro...

HIV advocates nanawagan ng dagdag pondo, paglaban sa stigma

0

MANILA, Philippines - Ilang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagsagawa ng protesta ang Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY) at UNAIDS sa Elliptical Road, Quezon City bilang paggunita sa Zero HIV Stigma Day. Nanawagan ang mga grupo sa pamahalaan na dagdagan ang pondo para sa HIV programs at serbisyo, kasabay...

Dump truck nahulog sa ilog matapos gumuho ng “Tulay ng Pangulo” sa Zamboanga Sibugay

0

ZAMBOANGA SIBUGAY, Philippines - Nasugatan ang isang truck driver matapos gumuho ang Tulay ng Pangulo sa Barangay Camanga, Titay, Zamboanga Sibugay noong Lunes ng hapon. Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente bandang 2:30 p.m. nang biglang bumigay ang tulay habang dumaraan ang isang six-wheeler dump truck na may kargang humigit-kumulang 16 cubic meters ng pandurog na bato para sa isang...

Tricycle driver umihi sa gilid ng kalsada, pinagsasaksak

0

CAVITE, Philippines - Isang 28-anyos na tricycle driver sugatan makaraan umanong pagsasaksakin dahil sa pag-ihi sa gilid ng kalsada sa Barangay Yakal, Silang, Cavite. Sa report, kinilala ang biktima sa alyas na "Justin," residente ng Barangay Francisco De Castro, GMA, Cavite. Base sa ginawang imbestgasyon ng pulisya bandang 10:30 ng gabi nang magtungo ang biktima sa Kaong-Bulihan Road habang pauwi sa...

DOE nag-iinspeksyon sa mga gasolinahan

0

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ng inspeksyon ang Department of Energy (DOE) sa mga gasolinahan matapos ang mga ulat na may ilang estasyon na naubusan ng diesel. Ayon sa DOE, binabantayan ng kanilang mga field office at head office ang mga gasolinahan upang masiguro na walang hoarding at tama ang ipinatutupad na oil price increase. Ang mga mapapatunayang lumalabag ay papatawan...

Kalaguyo, pinalakol ni mister

0

ISABELA, Philippines - Nakikipaglaban pa rin kay kamatayan ang isang 44-anyos na lalaki matapos umanong  paulit-ulit na pagtatagain ng palakol habang siya ay mahimbing na natutulog ng 32 anyos na mister sa Brgy. Santa Isabela Norte, Lungsod ng Ilagan, Isabela. Dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente nang pasukin ng selosong suspek sa bahay ng biktima at agad itong inatake...