Hiwalay na rehab agency tuwing may kalamidad, nais likhain ni Cayetano
MANILA, Philippines - Muling nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes na lumikha ng isang hiwalay na ahensya ng gobyerno na tututok sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng kalamidad. Aniya, bagaman malaki na ang inunlad ng gobyerno sa pagbibigay ng agarang ayuda, nananatili pa ring hamon ang tuluyang pagpapabangon sa apektadong komunidad. Sa pagbisita ng senador...
NBI naghain ng reklamong qualified human trafficking vs Mike Defensor, 6 iba pa
MANILA, Philippines - Naghain ng reklamo ang National Bureau of Investigation-National Capital Region laban kay dating congressman Mike Defensor at anim iba pa sa qualified human trafficking. Ang reklamo ay inihain ng NBI-NCR sa Pasig Prosecutor's Office. Kabilang sa mga respondent sa reklamo ang asawa ni Defensor na si Julie Rose Defensor. Bukod sa qualified human trafficking, itinuturo rin ng reklamo ang...
Baterbonia family binigyan ng condo unit sa Davao ng NHA
MANILA, Philippines - Ang pamilya ng yumaong Ateneo de Manila University Blue Eagles cager Rene Clert “Bobet” N. Baterbonia ay nakatanggap ng condominium unit na nagkakahalaga ng P2.266 milyon mula sa National Housing Authority (NHA) bilang tulong sa pabahay. Ayon sa NHA ang unit ay matatagpuan sa Madayaw Residences sa kahabaan ng Sierra Madre Road sa Bangkal, Davao City. Sinabi ni...
Strategic maritime partnership ng PCG, US Coast Guard muling pinagtibay
MANILA, Philippines - Muling pinagtibay ng Philippine Coast Guard o PCG, sa pamumuno ni Commandant Admiral Ronnie Gil L. Gavan PCG, ang matibay nitong pakikipagtulungan sa United States Coast Guard o USCG, sa opisyal na pagbisita ni USCG Pacific Area Commander, Vice Admiral Joseph R. Buzzella sa PCG National Headquarters sa Port Area, Manila noong June 25, 2026. Binigyang-diin sa...
P25M iligal na sigarilyo nasabat sa Iloilo
MANILA, Philippines – Aabot sa mahigit P25 milyon halaga ng iligal na sigarilyo ang nasamsam ng Police Regional Office (PRO)-6 at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa magkahiwalay na operasyon sa Estancia, Iloilo nitong Huwebes. Sa ulat ng PRO-6, naaresto ang 42-anyos na suspek na nakilala lamang sa alyas na "Jelyn", isang self-employed at residente ng naturang bayan, dahil sa...
Mga serbisyo ng SSS, inilapit sa Palengke Caravan
MANILA, Philippines – Inilapit ng Social Security System (SSS) sa mga miyembro at magiging miyembro nito ang iba't ibang serbisyo sa pamamagitan ng SSS Palengke Caravan na isinagawa sa New Legazpi Public Market sa Old Albay District nitong Biyernes. Layunin ng programa na gawing mas madali at mas mabilis ang pagproseso ng mga transaksyon ng mga market vendor, self-employed, informal...
Dating konsehal itinumba patay sa Bataan
BATAAN- Patay ang isang dating Barangay Kagawad matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang salarin nitong Biyernes ng umaga, Hunyo 26, sa Sitio Maligaya, Barangay Culis, Hermosa. Sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas 9:00 ng umaga ng maganap ang pamamaril. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Norman Dalit, 42 anyos, dating Barangay Kagawad sa nabanggit na lugar. Sa inisyal na...
PBBM sa PSC: “Job well done” sa pagprotekta sa First Family, katatagan ng Pinas
MANILA, Philippines - PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Presidential Security Command (PSC) para sa hindi matatawarang dedikasyon nito sa pagprotekta sa First Family at sa papel nito na panindigan at pagtibayin ang pambansang katatagan. “For over the century, the PSC has now served as a security arm of the presidency, protecting not only the Office of the...
Lalaki naglabas ng ‘lawit’ sa harap ng estudyante kalaboso
Bulacan - Arestado ang lalaki na umanoy nagpakita ng kanyang maselang bahagi ng katawan sa isang menor de edad sa lungsod Malolos nitong umaga ng Hunyo 25. Sa ulat ng Malolos police station, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Boy Lawit” 21 anyos, habang ang biktima ay isang 14 na estudyante ng Brgy. Bangkal. Ayon sa ulat, naganap ang insidente...
Kaugnayan ng impeachment trial ni VP Sara sa flood control, ibinasura ni Lacson
MANILA, Philippines - Ibinasura ni Sen. Panfilo "Ping" M. Lacson ang mga pagtatangkang iugnay ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte-Carpio sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado sa mga maanomalyang flood control projects. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na, itinutulak lamang ang ganitong pahayag ng mga politikong maaga nang nangangampanya para sa halalan sa 2028. Tinawanan lamang ni...












