1 biktima ng Tacloban school shooting, nasa ICU pa

0

MANILA, Philippines - Ayon sa Department of Education (DepEd), isa sa mga estudyanteng nasugatan sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22 ay nananatili sa intensive care unit (ICU). Ayon sa pinakahuling health update noong Sabado, Hunyo 27, ang estudyante ay gising, nakakapag-usap nang maayos, at nasa soft diet na. Samantala, 11 iba pang sugatang...

LPA, Habagat, patuloy magpapaulan sa ilang lugar sa Pinas

0

MANILA, Philippines - Patuloy na magdudulot ng pag-ulan ang isang low-pressure area (LPA) sa silangan ng Northeastern Mindanao at ang southwest monsoon o habagat sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong Linggo, ayon sa PAGASA. Bandang alas-3 ng madaling araw, namataan ang LPA sa layong 890 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao. Inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan...

P50M jackpot sa Grand Lotto 6/55 mailap sa mga mananaya

0

MANILA, Philippines - Walang nakasungkit ng jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 sa isinagawang draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Sabado, Hunyo 27. Walang tumama sa winning combination na 38-27-33-32-49-31 para sa Grand Lotto 6/55, kaya nananatiling hindi napanalunan ang jackpot na humigit-kumulang ₱50.31 milyon. Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 jackpot na nagkakahalaga ng humigit-kumulang...

Magnitude 6.1 lindol yumanig sa hilagang-silangang Japan

0

TOKYO, Japan - Isang magnitude 6.1 na lindol ang tumama sa hilagang-silangang Japan nitong Linggo ng umaga. Ayon sa Japan Meteorological Agency, nangyari ang lindol bandang 5:21 a.m. sa karagatang malapit sa Iwate Prefecture, sa lalim na humigit-kumulang 40 kilometro. Walang inilabas na tsunami warning. Naitala ang lower 5 na lakas ng pagyanig sa ilang bahagi ng Aomori at Iwate prefectures. Ayon...

Magnitude 5.9 lindol yumanig sa Pakistan, Afghanistan

0

ISLAMABAD, Pakistan - Isang magnitude 5.9 na lindol ang tumama sa ilang bahagi ng Pakistan at karatig na Afghanistan nitong Sabado, na nagdulot ng paglabas ng mga residente mula sa kanilang mga bahay dahil sa takot. Ayon sa Pakistan Meteorological Department, ang sentro ng lindol ay nasa Hindu Kush sa Afghanistan. Samantala, tinaya ng US Geological Survey na magnitude 6.1...

Tambay naghamon ng away, huli

0

MANILA, Philippines - REHAS na bakal ang kinasadlakan ng 36-anyos na tambay nang magwala sa harap ng bahay ng kaaway habang armado ng baril sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen Benliner Capili, nagtungo ang suspek sa harap ng bahay ng 34-anyos na kanyang kaaway sa Brgy., Gen T. De...

2 kelot huling sumisinghot sa Valenzela

0

MANILA, Philippines - ARESTADO ang dalawang kelot nang maaktuhan ng mga pulis na sumisnghot umano ng shabu sa loob ng isang sementeryo sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang mga suspek na sina alyas “Michael”, 32, at alyas “Randy”, 31, kapwa residente ng lungsod. Sa ulay ng tanggapan ni Valenzuela Police...

Red tape sa pagkuha ng permit sa solar rooftop, dapat tanggalin – Gatchalian

0

MANILA, Philippines - Hinimok ni Senate President Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE), lokal na pamahalaan, at distribution utility (DU), tulad ng Meralco, na alisin ang red tape at gawing mas simple ang requirements sa pagpapakabit ng solar rooftop. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na makatutulong ang solar rooftop upang mapababa ang singil sa kuryente, mabawasan ang bigat sa...

DERMALOG nagpasalamat sa mga Pinoy sa tiwala sa paggamit ng LTMS ng LTO

0

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang DERMALOG Identification Systems GmbH sa sambayanang Pilipino dahil sa kanilang tiwala, pakikiisa, at patuloy na paggamit ng Land Transportation Management System o LTMS. Sinabi ng Dermalog na malaking tulong ang LTMS sa pagsisikap ng pamahalaan na gawing moderno at digital ang mga serbisyong may kaugnayan sa transportasyong panlupa. Sa pamamagitan ng isang integrated...

Hiwalay na rehab agency tuwing may kalamidad, nais likhain ni Cayetano

0

MANILA, Philippines - Muling nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Martes na lumikha ng isang hiwalay na ahensya ng gobyerno na tututok sa rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng kalamidad. Aniya, bagaman malaki na ang inunlad ng gobyerno sa pagbibigay ng agarang ayuda, nananatili pa ring hamon ang tuluyang pagpapabangon sa apektadong komunidad. Sa pagbisita ng senador...