Abogado ni Guo umaasa, dismissed mayor susuko sa lalong madaling panahon
MANILA, Philippines - Umaasa ang abogado ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na susuko na ito sa lalong madaling panahon. Ayon kay Stephen David, nakausap niya si Guo noong Huwebes, ngunit hindi na nagsabi pa ng kinaroroonana nito. “Hindi naman natin alam kung nasa Indonesia siya pero ako, I’m very hopeful na meron akong negotiation for her to face the...
P1.3M shabu nasamsam sa Lapu-Lapu drug bust
MANILA, Philippines - Halos nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon ang nakumpiska mula sa 36-anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Agus-Proper, Barangay Agus, Lapu-Lapu City, nitong Huwebes, Agosto 22. Ang lalaki na kilala bilang si "Dencio" ay residente ng Sitio Atabay na naaresto sa operasyon. Ayon kay Police Lieutenant Colonel Christian Torres, spokesperson ng Lapu-Lapu...
P5.5B ismagel na sigarilyo, fake items nakumpiska sa Bulacan
MANILA, Philippines - Nasa P5.5 bilyong halaga ng ismagel na sigarilyo at fake items ang nakumpiska mula sa iba't ibang warehouse sa Bulacan, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) nitong Biyernes, Agosto 23. Sa operasyon nitong Huwebes, sinabi ng BOC na nasamsam ng mga awtoridad ang mga pekeng device garments, at gadget na may pinagsama-samang halaga na aabot sa P5...
Babae patay sa panibagong shooting incident sa Cebu
MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos na barilin ng hindi pa tukoy na mga suspek habang nakaupo sa Sitio Bajaowan, Brgy. Mambaling, Cebu City, nitong Huwebes ng gabi, Agosto 22. Nangyari ang pamamaril alas-7 ng gabi. Sa police report, rumesponde ang mga awtoridad matapos makatanggap ng tawag sa concerned citizen tungkol sa pamamaril. Naabutan na wala nang...
Devolution order ni ex-PRRD lilinawin ni PBBM
MANILA, Philippines - Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pipirma ito ng bagong polisiya ngayong taon na mag-aamyenda sa executive order ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na devolution ng ilan sa mga tungkulin ng local government units. Ito ang inanunsyo ni Marcos sa kauna-unahang Local Government Summit 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City na aamyendahan umano...
Legalisasyon ng medical cannabis isinusulong ni Villafuerte
MANILA, Philippines - Isinisulong ng isang mambabatas ang pagtatatag ng ahensya ng pamahalaan na para lamang sa pag-promote, pagpapaunlad at regulasyon sa cannabis industry. Inihain ni Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund Villafuerte ang House Bill No. 3961, o kilala bilang Philippine Cannabis Development Authority (PhiCADA) Act. Ang panukalang PhiCADA ang responsible sa formulation at pag-adopt ng komprehensibong development plan...
Galicia pwedeng masuspinde kung mapatunayang nagsinungaling na nakita si Alice Guo
MANILA, Philippines - Posibleng maharap sa kasong perjury at masuspinde pa ang lisensya sa oras na mapatunayang nagsinungaling si Atty. Elmer Galicia, abogado na nagsabing personal niyang nakita si dismissed Bamban Mayor Alice Guo noong Agosto 14. Ito ang sinabi ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago sa joint press conference kasama si Immigration Commissioner Norman Tansingco at Justice...
PH, Brazil pumirma ng 3 kasunduan sa pagbisita ng Brazilian foreign minister
MANILA, Philippines - Bumisita sa Pilipinas nitong Biyernes, Agosto 23 si Brazil Foreign Minister Mauro Vieira para sa isang official visit, marka ng kauna-unahang pagbisita sa bansa ng isang Brazilian foreign minister mula nang maitatag ang diplomatic relations ng dalawang bansa 80 taon na ang nakalilipas. Sinimulan nina Vieira at ng kanyang delegasyon ang pagbisita sa pamamagitan ng bilateral meeting...
Roque binalaan ng solons: Mas mahigpit na parusa kung gagawa ulit ng ‘contemptible act’
MANILA, Philippines - — Nagbabala ang dalawang mambabatas mula sa quad-committee ng Kamara na posibleng maharap si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa mas mahigpit na parusa kung makagagawa ulit ng panibagong “contemptible act” sa hinaharap katulad ng pagsisinungaling sa kapulungan. Ang babala ay kasunod ng unanimous decision ng komite na i-cite for contempt si Roque at patawan ng 24-hour...
Jinggoy Estrada nagsalita na sa viral video sa San Juan
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng kanyang panig si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa video na nag-viral online kung saan makikita ang komprontasyon niya at ng ilang tao. "Para sa kaalaman ng lahat, ang tiktok video na kumakalat ay patungkol sa isang insidenteng nangyari nitong April 18, 2024 kung saan nagtungo ako para ipabatid sa mga nasunugang residente ng...












