Guo nasa Indonesia na – PAOCC
MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na umalis na ng bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at nakapunta na sa hindi bababa sa tatlong bansa sa Southeast Asia, at ang pinakahuli ay Indonesia. Ayon kay PAOCC spokesman Winston Casio, dumating sa Indonesia noong Agosto 18 si Guo, na umano’y Chinese citizen na si Guo Hua...
Community transmission ng mpox ibinabala ng DOH chief
MANILA, Philippines - Nagbabala si Health Secretary Ted Herbosa sa community transmission ng mpox matapos ipahayag ng Pilipinas ang unang kaso nito mula nang ideklara ng World Health Organization ang public health emergency sa sakit. Sinabi ng Department of Health na ang unang kaso ngayong taon ay isang 33 taong gulang na lalaki mula sa Metro Manila na walang kasaysayan...
Wala pang Pinoy na naiulat na nasaktan sa kaguluhan sa Lebanon – DFA
MANILA, Philippines - Wala pang Pilipinong naiulat na nasaktan matapos ang kamakailang pag-atake ng Israeli sa Lebanon, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA). Nang tanungin kung ilang Pilipino ang naapektuhan ng tumataas na tensyon sa Lebanon, sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na may humigit-kumulang 100 Pilipino na nakatira malapit sa hangganan kung saan nagkasagupaan ang mga puwersa...
#WalangPasok, Aug. 20 dahil sa vog
MANILA, Philippines - Ilang lugar sa Metro Manila at Southern Tagalog region ang nagsuspinde ng mga klase o in-person na klase para sa Martes, Agosto 20, 2024 dahil sa mataas na antas ng vog, o volcanic smog, mula sa Taal Volcano. Kabilang sa mga lugar na nag-anunsyo ng #WalangPasok ay ang:Batangas Nasugbu, Batangas - walang face-to-face classes, lahat ng antas, pampubliko...
Lingig, Surigao Sur niyanig ng M-4.9 lindol
MANILA, Philippines - Yumanig ang magnitude 4.9 na lindol sa baybayin ng Lingig sa Surigao del Sur ngayong Martes ng umaga, iniulat ng PHIVOLCS. Nauna nang iniulat ng PHIVOLCS na isang 5.2 magnitude na lindol ang tumama sa lugar. Ang lindol, na tectonic ang pinagmulan, ay naganap alas-3:42 ng madaling araw na may lalim na isang kilometro. Naitala ang Intensity II sa...
Extreme N. Luzon uulanin sa habagat
MANILA, Philippines - Ang Southwest Monsoon o Habagat ay magdadala ng maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan sa bahagi ng extreme Northern Luzon sa Martes, iniulat ng PAGASA. Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Southwest Monsoon na may flash flood...
SC may ruling, mister pwedeng makulong sa marital rape – dean
MANILA, Philippines - Kaso at kulong ang kakaharapin ng lalaking asawa kung ipipilit nito na makipagtalik sa asawa kahit ayaw. Sinabi ni Atty Ma. Soledad Mawis, dean ng Lyceum of the Philippines University College of Law, kung ipupuwersa ng asawang lalaki ang sarili nito sa misis ay maaari itong makasuhan ng marital rape at paglabag sa Anti-Violence Against Women and...
Pinoy repatriates mula Lebanon makatatanggap ng P150K ayuda – DMW
MANILA, Philippines - Sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac nitong Lunes na magbibigay ang gobyerno ng P150,000 financial assistance sa mga Filipino na pinauwi mula Lebanon sa gitna ng tensyon doon. Sinabi ni Cacdac na ang pagtaas ng tulong pinansyal ay "na-apply mga isang linggo na ang nakakaraan." Maging ang mga undocumented na Filipino na uuwi...
119 kabataang lalaki sa 7 barangay sa Bulacan, sapul sa dengue
Bulacan - Tinatayang nasa 119 kaso ng dengue ang naitala na umano'y pawang mga kabataang lalaki ang karamihang naapektuhan sa pitong barangay sa bayan ng Bulakan. Sa tala, mula Morbidity Week 1-28 (January 01 to July 16, 2024) ay nasa 85 Dengue Cases ang naireport na nagmula sa ibat-ibang Disease Reporting Unit. Nabatid na marami ang nakapagkonsulta muli sa Rural Health...
Space technology ilalapit ni PBBM sa kabataang Pinoy
MANILA, Philippines - NAIS ni Pangulong Ferdinand 'Marcos Jr. na ang publiko lalo na ang mga kabataan ay maging mas matalino at magaling sa space technology. ''The President instructed us to bring space technology closer to the people, especially to the young ones. By bringing it to the public, then we can communicate the benefits of space technology better in...












