Caregiver, arestado sa pagnanakaw ng halos P600,000 sa senior PWD sa Makati
MANILA, Philippines - Inaresto sa Makati City ang isang caregiver matapos umanong magnakaw ng halos ₱600,000 na cash at alahas mula sa kanyang 77-anyos na employer na isang person with disability (PWD). Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nadakip ang suspek noong Miyerkules ng gabi, ilang oras matapos matuklasan ng pamilya ng biktima ang umano’y pagnanakaw sa Barangay...
Malakanyang, nanawagan sa mga TUPAD beneficiaries hinggil sa mga pekeng cleanup photos, videos
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Malakanyang sa ilang benepisaryo ng emergency employment program ng gobyerno para sa di umano'y pagpo-post ng mga litrato at video na naglilinis ng mga kanal, sama-samang nagwawalis habang bigo namang gampanan ang kanilang trabaho kung saan sila tinanggap. Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro matapos na ihayag...
Empleyado ng bangko, sugatan sa pamamaril sa Maguindanao del Norte
MAGUINDANAO DEL NORTE, Philippines - Sugatan ang isang empleyado ng bangko matapos pagbabarilin ng isang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte noong Miyerkules ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffry Imbang Jalbuna, 40, empleyado ng Cooperative Bank of Cotabato at residente ng President Quirino, Sultan Kudarat. Batay sa paunang imbestigasyon, nangyari ang...
P1.7M ismagel yosi, nasabat sa Batangas
BATANGAS, Philippines - Nasabat ng pulisya ang ₱1.7 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo at inaresto ang isang 33-anyos na negosyante sa buy-bust operation noong Agosto 12 sa Barangay Poblacion 1, Calaca City, Batangas. Kinilala ang suspek na si MK, isang may-ari ng tindahan sa naturang lugar. Ayon sa imbestigasyon, nahuli siya matapos tanggapin ang marked money mula sa pulis...
Natitirang NPA commander sa Surigao del Sur, arestado
SURIGAO DEL SUR, Philippines - Inaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang natitirang squad commander ng New People’s Army (NPA) Regional Sentro De Gravidad ng Northeastern Mindanao Regional Party Committee sa Lianga, Surigao del Sur noong Lunes ng gabi. Kinilala ang suspek sa alyas na “Commander Jihad,” 26-anyos, at itinuturing na Top 3 most wanted person sa...
9 bebot nasagip sa sex trafficking sa spa sa QC
MANILA, Philippines - Nasagip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na babae mula sa umano’y sexual exploitation sa isang massage spa sa Sta. Mesa Heights, Quezon City na pinaghihinalaang nag-aalok ng sexual services. Ayon sa NBI, nagsagawa ng entrapment operation ang Organized and Transnational Crime Division noong Agosto 5 matapos makatanggap ng impormasyon na ang spa ay nag-aalok...
DepEd, muling nagbabala laban sa pagsasangla ng ATM payroll card
MANILA, Philippines - Muling nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa mga empleyado nito na huwag isuko o isanla ang kanilang ATM payroll cards bilang kolateral sa utang, o ang tinatawag na “Sangla-ATM.” Ayon sa DepEd Memorandum No. 049, s. 2026, ipinagbabawal ang paggamit ng ATM payroll cards bilang kolateral sa loan o ang pagsuko nito sa mga nagpapautang. Binigyang-diin...
PBBM, nagkaloob ng voluntary deduction ng SSS, PhilHealth, Pag-IBIG sa mga gov’t COS, JO workers
MANILA, Philippines - Nagpalabas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng administrative order na nagpapalawig ng social protection coverage sa mga contract of service (COS) at job order (JO) workers sa gobyerno. Sa ilalim ng Administrative Order (AO) No. 43, pinapayagan ng Pangulo ang voluntary deduction at remittance ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth), at Pag-IBIG Fund...
Conversion therapy sa LGBTQ+, kinondena ng PAP
MANILA, Philippines - Kinondena ng Psychological Association of the Philippines (PAP) ang conversion therapy at iba pang kahalintulad na gawain na naglalayong baguhin o supilin ang sexual orientation o gender identity ng mga LGBTQ+. Ayon sa PAP, walang sapat na siyentipikong ebidensya na epektibo ang conversion therapy at maaari itong magdulot ng matinding sikolohikal at psychosocial na pinsala. Inilabas ng...
Ground zero ng landslide sa Baguio, idineklarang no-build zone
BAGUIO, Philippines - Idineklara ng Baguio City government ang ground zero ng landslide sa Barangay Guisad Surong bilang no-build zone matapos matabunan ang tatlong bahay at masawi ang 10 katao kasagsagan ng habagat. Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, hindi na papayagang bumalik o magtayo ng bahay ang mga residente sa lugar dahil nakita ng mga city engineer na hindi na...












