Higit 600 parak ipinakalat para iwas gulo sa Wattah! Wattah! Festival sa San Juan

0

MANILA, Philippines - Mahigit 600 pulis at public safety personnel ang ipinakalat sa San Juan City upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa pagdiriwang ng Wattah! Wattah! Festival 2026 ngayong Hunyo 24. Ayon sa Eastern Police District (EPD), 477 personnel nito at 172 tauhan mula sa iba pang law enforcement at public safety agencies ang magbabantay sa taunang kapistahan bilang...

Zubiri, pabor na higpitan socmed sa menor kasunod ng Tacloban shooting

0

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ng seryosong pagtalakay sa posibilidad na ipagbawal o higpitan ang paggamit ng social media ng mga batang menor de edad kasunod ng madugong pamamaril sa Tacloban City. Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Zubiri na ipinakita ng insidente ang lumalakas na impluwensya ng social media sa mga kabataan...

500 baboy pinatay sa bayan ng San Enrique vs ASF

0

MANILA, Philippines - Umabot na sa 500 baboy ang kinailangang patayin sa San Enrique, Negros Occidental matapos makumpirmang may kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lahat ng 10 barangay ng bayan. Ayon kay Mayor Jilson Tubillara, kinumpirma ng laboratory results na inilabas noong Hunyo 22 ang pagkalat ng ASF sa buong munisipalidad kaya agad na ipinatupad ang mas mahigpit...

Pangil sa Anti-Bullying Act, panawagan ni Tulfo kasunod ng Tacloban shooting

0

MANILA, Philippines - Nanawagan si Senator Erwin Tulfo ng mas mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Bullying Act kasunod ng madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na posibleng may kaugnayan umano sa bullying. Sa isang pahayag nitong Martes, sinabi ni Tulfo na dapat magsilbing babala ang insidente sa mga paaralan at ahensya ng gobyerno upang paigtingin ang...

Safety protocols, presensya ng parak sa iskul, palalakasin ng DepEd

0

MANILA, Philippines - Isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang pag-update ng school safety protocols at pagdaragdag ng presensya ng pulisya sa mga paaralan kasunod ng magkakasunod na insidente ng karahasan sa mga pampublikong eskuwelahan. Sa pagbisita ni Education Secretary Sonny Angara sa San Jose National High School sa Tacloban City nitong Martes, sinabi niyang kinakailangan ang mas mahigpit na...

Parak na may-ari ng baril sa Tacloban shooting, target kasuhan ng Napolcom

0

MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ng National Police Commission (Napolcom) ang posibleng administrative liability ng isang pulis na may-ari ng baril na umano’y ginamit sa madugong pamamaril sa isang pampublikong paaralan sa Tacloban City. Ayon kay Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Vicente Calinisan, nagsagawa ang komisyon ng motu proprio investigation na kasabay ng isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police. “I...

ICC, personal na pinadadalo si Digong sa Sept. 7 status conference

0

MANILA, Philippines - Nais ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III na personal na dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa status conference sa Setyembre 7 kaugnay ng kinahaharap nitong kasong crimes against humanity. Sa ikalawang status conference nitong Martes, sinabi ni Presiding Judge Joanna Korner na pinayagan lamang si Duterte na hindi dumalo sa pagdinig noong Hunyo 23...

Pangilinan, tutol sa pagpapababa ng edad ng criminal liability

0

MANILA, Philippines - Tutol si Senator Francis Pangilinan sa panibagong panawagang ibaba ang minimum age of criminal responsibility kasunod ng madugong pamamaril sa Tacloban City, iginiit na hindi nito matutugunan ang ugat ng krimeng kinasasangkutan ng mga menor de edad. Sa isang Facebook Live discussion kasama si Juvenile Justice and Welfare Council (JJWC) Executive Director Tricia Clare Oco nitong Martes,...

Pinas, nakiramay sa ‘deadly’ LNG facility blast sa Qatar

0

MANILA, Philippines - Nagpaabot ng pakikiramay ang Embahada ng Pilipinas sa Doha sa Qatar matapos ang pagsabog sa isang liquefied natural gas (LNG) facility sa Ras Laffan industrial complex na ikinasawi ng 13 katao at ikinasugat ng marami pang iba. Sa inilabas na pahayag nitong Martes, nagpahayag ng pakikiramay ang embahada sa mga biktima at kanilang mga pamilya. “The Embassy of...

PNP pabor na ibaba sa 12 taong gulang ang edad ng criminal liability

0

MANILA, Philippines - Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang ibaba mula 15 patungong 12 taong gulang ang minimum age of criminal responsibility kasunod ng tumitinding usapin hinggil sa pagkakasangkot ng mga menor de edad sa krimen. Sa isang Palace briefing nitong Martes, sinabi ni PNP spokesperson Col. Allen Rae Co na pabor ang organisasyon sa panukala dahil sa...