PNP pabor na ibaba sa 12 taong gulang ang edad ng criminal liability

0

MANILA, Philippines - Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang ibaba mula 15 patungong 12 taong gulang ang minimum age of criminal responsibility kasunod ng tumitinding usapin hinggil sa pagkakasangkot ng mga menor de edad sa krimen. Sa isang Palace briefing nitong Martes, sinabi ni PNP spokesperson Col. Allen Rae Co na pabor ang organisasyon sa panukala dahil sa...

Alkalde ng Ubay, Bohol pumanaw sa edad na 58

0

MANILA, Philippines - Pumanaw na si Ubay, Bohol Mayor Violeta Diangco Reyes sa edad na 58, ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan nitong Martes. Sa isang pahayag, binigyang-pugay ng pamahalaang bayan ng Ubay si Reyes at inilarawan siyang lider na nagpakita ng dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan. “As we mourn this painful loss, we remember and...

NavApp, inilunsad sa Navotas

0

BILANG bahagi ng pagwawakas ng week-long selebrasyon ng ika-19th Navotas Cityhood Anniversary, inilunsad nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang NavApp—ang opisyal na digital gateway ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na isang hakbang tungo sa mas mabilis, mas accessible, at mas responsive na serbisyo-publiko para sa lahat ng Navoteño. JOJO RABULAN

ICC, binalaan mga abogado vs media comments sa Duterte case

0

MANILA, Philippines - Nagbabala ang International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III sa mga abogado na sangkot sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pagbibigay ng komento sa media kaugnay ng mga pagdinig sa kaso. Sa ikalawang status conference nitong Martes, sinabi ni Presiding Judge Joanna Korner na malaki ang atensyong nakukuha ng kaso sa media at social...

Hustisya, sigaw ng pamilya ng biktima sa Tacloban school shooting

0

MANILA, Philippines - Hustisya ang hinihingi ng pamilya ng isa sa mga estudyanteng nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City. Sinabi ni Christopher Fabian, ama ng 15-anyos na si Chris Lorenz Fabian, nananatiling mabigat ang dinaranas ng kanilang pamilya isang araw matapos ang insidente. “Napakasakit pa rin, hanggang ngayon po blangko pa rin kami. Pero ayaw...

GoreBox ban, ipinatupad ng CICC matapos Tacloban school shooting

0

MANILA, Philippines - Iniutos ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang pansamantalang pagbabawal sa mobile game na GoreBox kasunod ng madugong pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng 20 iba pa. Ayon kay CICC Undersecretary Renato “Aboy” Paraiso, isinagawa ang hakbang matapos lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya na isa sa...

Tacloban school shooting ‘di lang bullying, swak sa violent extremism

0

MANILA, Philippines - Tinitingnan ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na hindi lamang simpleng kaso ng bullying ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City at maaaring may kaugnayan ito sa violent extremism. “So there are also possibilities we’re looking into if it’s a form of extremism, specifically NVE or nihilistic violent extremism,” ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez...

Pamilya ng nasawi sa Tacloban school shooting, may tig-P150K sa Malakanyang

0

MANIA, Philippines - Makakatanggap ng tig-P150,000 na financial assistance ang pamilya ng bawat estudyanteng nasawi sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22, ayon sa Malacañang. “Each family of those who died will be given financial assistance of PHP150,000,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. Sinabi rin ni...

P210-M lotto jackpots, mailap

0

MANILA, Philippines - Walang nakasungkit ng jackpot prizes sa mga lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes, Hunyo 23. Ayon sa PCSO, walang naitalang nanalo sa Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49, Lotto 6/42, at 6D Lotto draws. Umabot na sa humigit-kumulang ₱128 milyon ang jackpot ng Ultra Lotto 6/58 matapos walang tumama sa winning combination na 04-21-41-40-39-52. Nanatili...

Bagyong Francisco patuloy na humihina

0

MANILA, Philippines - Patuloy na humihina ang Bagyong Francisco (international name: Mekkhala) habang kumikilos pahilaga sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules. Sa tala ng PAGASA alas-4 ng madaling araw, namataan ang sentro ng bagyo 275 kilometro silangan ng Basco, Batanes, taglay ang lakas ng hanging aabot...