MPBL tatapusin ni Baltazar bago maglaro sa Converge
MANILA, Philippines – Sa kabila ng matagal na paghihintay ng Converge para makuha si Justine Baltazar, maaaring maghintay pa ng kaunti ang koponan para tuluyang maglaro ang pamosong sentro sa PBA. Ayon kay Baltazar, posibleng tapusin niya ang kanyang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) stint sa Pampanga Giant Lanterns bago siya maglaro sa FiberXers, na ginawa siyang top pick sa...
Singil sa kuryente tataas ng P2 per kWh sa Hulyo
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng dagdag sa singil sa kuryente para ngayong buwan. Ayon sa abiso, tataas ng P2.1496 hanggang P11.6012 per kWh mula sa P9.4516 per kWh noong nakaraang Hunyo ang magiging singil ng Meralco. Ang upward adjustment ay dahil sa “higher generation charge as power costs normalized following artificially low rates last month.” Mas mataas sana ang singil noong nakaraang...
Argentina kampeon sa 16th Copa America
MIAMI – Umiskor si Lautaro Martinez sa extra-time para sa kampeonato nang talunin ng defending champion Argentina ang Colombia 1-0 para manalo ng record na ika-16 na korona ng Copa America kahapon.Pinasabog ni Inter Milan forward Martinez ang ika-112 minutong atake upang tapusin ang mainit na engkwentro sa Hard Rock Stadium na nakitang lumuha ang kapitan ng Argentina na...
Cavite City mayor umapela ng tulong sa 3,300 biktima ng sunog
MANILA, Philippines - Nananawagan si Cavite City Mayor Denver Chua para sa mga donasyon sa mahigit 900 pamilya na nawalan ng tirahan sa sunog na sumiklab nitong Linggo, Hulyo 14 sa dalawang coastal barangay sa nasabing lungsod. “For those who wish to send help, our evacuation sites are at Dalahican Elementary School and Sta. Cruz Elementary School,” apela ni Chua...
Alcaraz kampeon sa Wimbledon, Djokovic ‘di pinaporma
LONDON — Tinalo ni Carlos Alcaraz ng Spain si Novak Djokovic ng Serbia 6-2 6-2 7-6(4) sa isang rematch ng nakaraang taon ng Wimbledon final upang matagumpay na ipagtanggol ang kanyang titulo noong Linggo. Hawak na ni Alcaraz ang apat na Grand Slam trophies na may perpektong rekord sa major finals, bunsod ng kanyang dalawang tagumpay sa Wimbledon, ang kanyang...
Barko ng China namataang nagpapatrolya malapit sa Lubang Island
MANILA, Philippines - Namataan ang 135-meter Chinese Coast Guard (CCG) ship sa 60 nautical miles kanluran ng Lubang Island nitong hapon ng Linggo, Hulyo 14. “At 16:20 (4:20 p.m.) yesterday the 135-meter China Coast Guard 5303 arrived 60nm west of the Philippines’ Lubang Island and is now conducting an intrusive patrol at that location,” saad sa tweet ni West Philippine...
Kelot tiklo sa panununtok sa babaeng konduktor ng modern jeep
MANILA, Philippines - Arestado ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos na suntukin ang babaeng konduktor ng modern jeep sa National Highway sa Barangay South Poblacion, City of Naga nitong Linggo ng gabi, Hulyo 14. Ang suspek ay kinilalang si Gerry Pantonial Gonzales, 44-anyos, construction worker at residente ng Marakas, Barangay Lahug sa Cebu City. Samantala, ang biktima ay tinukoy na...
Search and retrieval ops natapos na sa Maguindanao
MANILA, Philippines - Katuwang ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard District Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CGDBARMM) ang lokal na pamahalaan sa paghahanap sa nawawalang mga indibidwal dahil sa matinding pagbaha nitong Linggo, Hulyo 14. Kabilang sa mga nawawalang indibidwal ay apat na bata at isang matanda sa barangay Pinantao, Matanog, Maguindanao matapos ang pagbaha. Ang napapanahong search and...
Babaeng dadalaw sa preso, huli sa espasol na pinalamanan ng shabu
MANILA, Philippines - Huli ang isang babae na dadalaw sa nakakulong na live-in partner matapos na mahulihan ng shabu na ipinalaman sa kakaning espasol sa Lucban, Quezon nitong Linggo ng umaga, Hulyo 14. Sa report ng Lucban police, alas-10 ng umaga nang magsabi ang 21 anyos na suspek na dadalaw ito sa kanyang live-in partner na nakadetine sa Lucban police...
Panukala vs political dynasties inihain ni Robin Padilla
MANILA, Philippines - Naghain ng panukala si Senador Robin Padilla na naglalayong magbawal sa political dynasties sa Pilipinas. Layon ng Senate Bill 2730 na lumikha ng batas na magpapatupad sa anti-dynasty provision ng 1987 Constitution. "Looking at the political, social, and economic impact of political dynasties, it is undeniable that the framers of our Constitution missed the opportunity to define it...












