Lee, deported na, di na puwedeng bumalik sa Pinas!
San Francisco, USA - Nito lang April 11 inilabas ng Bureau of Immigration ang anunsyo pero gabi pa ng April 8 naipa-deport si Lee O'Brian sakay ng San Francisco-bound plane patungong US. Si Lee ang dating karelasyon ni Pokwang, Marietta Subong sa totoong buhay. Matatandaang idinulog ni Pokwang ang kanyang reklamo sa BI dahil natuklasang walang kaukulang permit si Lee para...
Digong ayaw madamay sa kaso ni Quiboloy
MANILA, Philippines- Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes ng gabi na tinutulungan niya si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy na magtago mula sa mga awtoridad. Sa late-night press conference sa Davao City, hinamon ni Duterte ang sinuman na magtungo sa kanyang bahay at hanapin si Quiboloy, na nahaharap sa patong-patong na kaso kabilang ang human...
Dagdag-presyo sa produktong petrolyo nakaamba sa sunod na linggo
MANILA, Philippines- Kasunod ng serye ng dagdag-presyo sa produktong petrolyo, asahan na ng mga motorista ang panibagong upward adjustments sa presyo kada litro ng langis sa susunod na linggo. Ayon sa oil industry estimates base sa four-day trading, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero na “another round of increase is expected next week…” Narito ang...
Singapore FM bibisita sa Pinas sa April 15-17
MANILA, Philippines- Tutulak sa Manila si Singapore Foreign Minister Vivian Balakrishnan sa susunod na linggo para sa three-day official na naglalayong palakasin ang economic, security at hipolitical cooperation sa Pilipinas. Makikipagpulong si Balakrishnan kay Foreign Secretary Enrique Manalo "to discuss ways to further strengthen Philippines-Singapore relations, as well as to exchange views on regional and international developments," ayon sa Department...
Kris, inaatake ng migraine at body ache!
California, USA- Constant migraine at body aches. Ito ngayon ang karagdagang nagpapahirap sa kundisyon ni Kris Aquino. Matatandaang ang huli pang health updates na ibinahagi ni Kris was on her last birthday (February 14) sa panayam ni Boy Abunda sa Fast Talk. Supposedly, ang papasok na Monday after that was Kris' scheduled admission at the UCLA Hospital. Pero according to her boyfriend Batangas...
Chiz nag-sorry sa pagkakasita ng sasakyan sa EDSA busway
MANILA, Philippines- Humingi ng paumanhin sa publiko si Senator Francis "Chiz" Escudero nitong Biyernes matapos mahuli ang kanyang sasakyan vehicle na may protocol plate par asa mga senador nitong Abril 11 sa pagdaan sa EDSA Busway. Subalit, nilinaw niyang hindi niya ginagamit ang protocol license plate at gamit umano ng "driver of a family member" ang kanyang sasakyan nang masita...
Carpio: Duterte ‘di na presidente, lusot na sa ‘gentleman’s agreement’
MANILA, Philippines- Hindi na maaaring magsampa ng kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa umano’y “gentleman's agreement” niya sa China dahil hindi na siya isang public official, ayon kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio nitong Biyernes. "Unfortunately, wala na siya sa position ngayon. He's not a government official. Kasi impeachable 'yan, no? Culpable violation of...
Digong: Walang ‘gentleman’s agreement,’ status quo lang naaalala ko
MANILA, Philippines- Pinabulaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes na pumasok siya sa gentleman's agreement o sekretong kasunduan kay Chinese President Xi Jinping ukol sa West Philippine Sea. “Aside from the fact of having a handshake with President Xi Jinping, the only thing I remember was status quo. That's the word na walang galawan — no movement, no armed patrols...
Mas marami pang Super Health Center isinulong ni Bong Go
MANILA, Philippines- Bilang chairperson ng Senate committee on health and demography, aktibong isinusulong ni Senator Christopher "Bong" Go ang pagpaparami pa ng Super Health Centers sa buong bansa bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na palakasin ang accessibility sa healthcare services, lalo sa mga katutubo. Noong Miyerkules, binisita ni Senator Go ang tatlong pangunahing mga site sa Bataan, na pinagtayuan ng...
Higit 7K iskul nagsuspinde ng F2F classes sa init
MANILA, Philippines- Mahigit 7,000 paaralan sa iba’t ibang parte ng bansa ang nagsuspinde ng in-person classes at lumipat sa alternative delivery modes dahil sa banta ng matinding init ng panahon ngayong Biyernes. Ayon sa Department of Education (DepEd), may kabuuang 7,080 sa 47,678 eskwelahan sa bansa (14.8%) ang nag-anunsyo ng suspensyon ng face-to-face classes. Karamihan sa mga apektadong paaralan ay matatagpuan...












