Modelo ng transparency sa pagtalakay sa badyet, dapat mapanatili ni Cayetano – Lacson

0

MANILA, Philippines - Dapat tiyakin ng kasalukuyang liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano  na mananatiling modelo ng transparency ang Senado sa pagbuo ng pambansang badyet, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Sabado. Ginawa ni Lacson ang pahayag halos dalawang buwan bago isumite ng Sangay ng Ekhekutibo  sa Kongreso ang panukalang badyet para sa 2027 sa Hulyo. "Sa panahon...

Red tide sa Biliran, ibinabala

0

BILIRAN, Philippines - Nagbabala ang mga awtoridad laban sa pangongolekta, pagbebenta, at pagkain ng shellfish at alamang mula sa karagatan ng Biliran Island matapos magpositibo sa red tide toxin o saxitoxin ang mga shellfish sample mula rito. Inilabas ang babala noong Mayo 22 matapos kumpirmahin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources - National Fisheries Laboratory Division na may taglay...

Posibleng rotational brownout ibinabala sa Oriental Mindoro

0

ORIENTAL MINDORO, Philippines - Nagbabala ang Oriental Mindoro Electric Cooperative (Ormeco) sa posibleng rotational brownouts sa lalawigan matapos manatiling kritikal ang power supply dahil sa kakulangan ng generating capacity. Ayon sa advisory ng Ormeco, ilalagay sa “red alert status” ang Oriental Mindoro grid mula alas-8 ng umaga hanggang hatinggabi dahil mas mataas ang demand sa kuryente kaysa sa available supply. Sinabi...

Bagong halal na opisyal ng Manila City Hall Press Club, nanumpa kay Yorme Isko

0

MANILA, Philippines — Nanumpa sa harap ni Manila Mayor Francisco 'Isko Moreno' Domagoso ang mga bagong halal na opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) para sa taong 2026-2028 nitong Biyernes sa tanggapan ng alkalde sa Manila City Hall. Pinangunahan ni Jocelyn Tabangcura Domenden ng Police Files Tonight at Saksi ang bagong hanay ng mga opisyal bilang pangulo ng...

Bagong kudeta ipinahiwatig ni Lacson: ‘Gatchalian, ‘eminently qualified’ bilang SP’

0

MANILA, Philippines - Panibagong kudeta sa Senado ang niluluto ng bagong minorya na makikita sa pahayag ni Senador Panfilo Lacson na natatangi si Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang may kapasidad na ibangon ang institusiyon sa kasalukuyang kalagayan nito. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na maaaring magsimula ang pagbangon ng Senado mula sa kasalukuyan nitong kalagayan sa pamamagitan ng isang “Win,”...

Isa pang crew ng cruise ship, nagpositibo sa Hantavirus — WHO

0

GENEVA, Switzerland - Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na isa pang crew member ng cruise ship na MV Hondius ang nagpositibo sa hantavirus matapos mag-disembark sa Canary Islands sa Spain at ma-repatriate sa Netherlands. Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus noong Biyernes, “Today, the Netherlands confirmed an additional case among a crew member who disembarked in Tenerife, was...

Sen. Bato nasa Pinas pa rin; itinuturing na “armed and dangerous” ayon sa protocol – NBI

0

MANILA, Philippines - Sinabi ng National Bureau of Investigation na nananatili pa rin sa Pilipinas si Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng umiiral na arrest warrant laban sa kanya mula sa International Criminal Court. Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, wala silang impormasyon na nakalabas ng bansa ang senador. Patuloy rin umano ang koordinasyon ng ahensya sa iba pang...

Eksperimento ng Pinoy stude, matagumpay isinagawa sa International Space Station

0

MANILA, Philippines - Matagumpay na isinagawa sa International Space Station (ISS) ang isang eksperimento na dinisenyo ng mga estudyanteng Pilipino, ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA) nitong Biyernes. Ang “Double Gyroscope” experiment ay ginawa ng tatlong third-year Physics students mula sa Rizal Technological University (RTU)—sina Christopher Tumamac, Ryan Andrew Doña, at Rose Ann Cezar. Isinagawa ito noong Marso 24 sa...

Mataas na parangal, igagawad ng Japan kina PBBM, FL sa kanilang state visit

0

TOKYO, Japan - Nagpasya ang pamahalaan ng Japan na parangalan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sa nalalapit nilang four-day state visit sa Japan mula Mayo 26 hanggang 29, 2026. Igagawad kay Pangulong Marcos ang Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrysanthemum, habang ang First Lady naman ay tatanggap ng Grand Cordon of...

Gov’t vehicle na nakaparada sa labas ng shopping store, pinagpapaliwanag ng LTO

0

MANILA, Philippines - Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang opisyal matapos makita ang isang government vehicle na nakaparada sa isang shopping establishment. Ayon sa LTO, isang larawan sa social media ang nagpakita ng sasakyang pag-aari ng gobyerno na naka-park sa isang membership shopping store, na agad pinatunayan at inimbestigahan ni LTO chief Markus...