16 pamilya sa Munti sa kalsada magpapasko matapos masunugan
MANILA Philippines - Nasa 16 na pamilya ang naapektuhan nang masunog ang isang residential area sa Muntinlupa madaling araw ng Disyembre 2, Sabado. Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Garcip Compound sa Barangay Cupang dakong 5:39 ng umaga.Itinaas ng mga bumbero ang unang alarma alas-5:44 ng umaga at nakontrol ang sunog alas-6:10...
#WalangTubig 9 araw sa 5 NCR cities
MANILA, Philippines - Nag-anunsyo ang West Zone Concessionaire Maynilad Water Services, Inc. ng siyam araw na mahabang serbisyo sa pagpapanatili sa ilang bahagi ng Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, at Quezon City. Ibig sabihin nito, siyam araw din na magkakaroon ng pagkaantala sa serbisyo ng tubig sa mga lugar na seserbisyuhan simula Disyembre 4 hanggang Disyembre 12. Ayon sa Maynilad, kasama sa...
DOH sa publiko: Face mask on vs ‘walking pneumonia’
MANILA, Philippines - Naglabas ng abiso ang Department of Health upang palakasin ang pampublikong kalusugan at mga hakbang sa paghahanda sa ospital --kasunod ng mga ulat ng pagtaas ng mga kaso ng respiratory illnesses dahil sa patogen mycoplasma pneumoniae sa mga bata sa China.Sinabi ni Health Undersecretary Eric Tayag na ang mycoplasma pneumoniae ang nagiging sanhi ng tinatawag na...
11 Dawlah patay sa opensiba ng militar
Maguindanao del Norte – Patay ang labing-isang (11) miyembro ng extremist Dawlah Islamiya (DI) sa isang opensiba ng militar sa bayan ng Datu Hoffer Ampatuan (DHA) sa Maguindanao del Sur nitong Biyernes, Disyembre 1, ng hapon. “Ang putukan, na nagsimula ng 1 p.m. ay tumagal ng mahigit tatlong oras,” sabi ni Maj. Saber Balogan, hepe ng operasyong sibil-militar ng Army...
Pinas gustong mag-host ng climate disaster fund
MANILA, Philippines - IAANUNSYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang hangarin nito na mag-host ng "Loss and Damage Fund.” Ito ay matapos na i-adopt ng U.N. climate summit delegates ang "new fund" para tulungan ang mga mahihirap na bansa na makayanan ang "napakamahal" na climate disasters. “The Philippines’ call for the immediate operationalization of this Fund to assist developing and vulnerable...
Sen. Tulfo sinagot ng DENR: Travel expense ni Sec. Loyzaga nasa P3M lang
MANILA, Philippines - MAKARAANG kuwestyunin ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa umano'y sobrang travel budget nito na ₱1.1 bilyon, nilinaw ng ahensya na si Sec. Maria Antonia Yulo-Loyzaga ay gumastos lamang ng nagkakahalaga ng mahigit sa P3 milyon.Sa budget hearing ng DENR noong Nob. 20, sinabi ni Tulfo na ang DENR...
378 solar streetlights, ipinakabit sa Malabon
May kabuuang 378 na yunit ng hybrid solar streetlights ang naipakabit ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa iba’t ibang bahagi ng siyudad. Ani Mayor Jeannie Sandoval, isinagawa ang proyekto ito upang mapabuti ang kaligtasan at kaginhawaan sa mga kalsada. “Hindi lamang ito nagbibigay ng dagdag na seguridad, kundi ito rin ay sustainable at cost-efficient. Bahagi ito ng ating layuning gawing ligtas,...
Foreman pinala sa ulo ng tauhan
GINAGAMOT ngayon ang isang foreman ng isang construction company nang hatawin ng pala sa ulo ng kanyang tauhan matapos ang mainitang pagtatalo sa Noveleta, Cavite. Kinilala ang biktima na si alyas 'Edward' habang ang suspek ay si alyas'Melencio' na hawak na ng Noveleta police. Sa ulat ni PSSG Ahvegail D Darang ng Noveleta MPS dakong ala-1:40 ng hapon ng naganap ang...
Pinoy captain, 13 pa na sapul ng Russian missile attack nakauwi na ng Pinas
MANILA — Nakauwi na sa Pilipinas ngayong Sabado, Disyembre 2, ang kapitang Pinoy at ang iba pang 13 tripulante na na-trauma matapos masabugan ng Russian missile ang kanilang barko sa Black Sea. Ang ilan sa kanila ay nagtamo ng minor injuries, kabilang si Arnel Lopez, ang kapitan ng barko, na malapit sa Ukrainian pilot na napatay sa missile attack. “Nagdidikit nga...
Paglalabas ng AICS guarantee letters sa mga Pinoy na nasa krisis sinuspinde ng DSWD
PANSAMANTALANG ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagpapalabas ng guarantee letters para sa mga benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito. Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez na simula Disyembre 7 hanggang katapusan ng taon ay ipatutupad ang suspensyon. Mabibigyan nito ng daan ang taunang liquidation activities bilang bahagi ng...












